02/06/2026
π€ KAPAYAPAAN AT PAGKAKAISA π€
Matapos ang mahigit isang dekadang alitan, matagumpay na nagkaisa at nagkasundo ang Grupo ni Jordan Lintang at ang Grupo ni Dating Kagawad Haron Kipes sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap, pag-uunawaan, at pagtutulungan.
Ang kasunduang ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng pagkakaisa, katahimikan, at matatag na samahan sa komunidad. Sa tulong ng mga lider ng pamayanan at mga kinauukulang ahensya, pinili ng magkabilang panig ang kapayapaan at pagkakasundo para sa ikabubuti ng lahat.
Lubos na pasasalamat at pagkilala kina Datu Tamano Mamalapat ng BLGU Kitapok, LGU Datu Saudi Ampatuan sa pangunguna ng Tanggapan ni Mayor Bassir D. Utto, Hon. Vice Mayor Moadz Alim, M**F CCCH at PSRO-OCM BARMM na kinatawan nina Ansari Manan, Mansor Abdullah, Salih Agay, at Melo Manan, Tanggapan ni Governor Datu Ali Midtimbang, mga M**F Commanders ng Brgy. Kitapok, mga MNLF Commanders, at sa 38th Infantry Battalion na kinatawan ni Capt. Pantaleon, dahil sa kanilang mahalagang papel at suporta sa matagumpay na pagkamit ng kapayapaan at pagkakasundo.
Nawaβy magsilbi itong magandang halimbawa na ang anumang hindi pagkakaunawaan ay maaaring maresolba sa pamamagitan ng dayalogo, paggalang, at pagkakaisa.
β€οΈ Kapayapaan para sa lahat.
π€ Pagkakaisa para sa mas maunlad na komunidad.