08/07/2026
Bismillah! ๐๐ช๐ป
๐๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ ๐ ๐ถ๐ป๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ผ, ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ-๐ณ๐ฒ๐ฑ!
Idineklara tayo ng COMELEC bilang Dominant Minority Party sa ilalim ng Resolution No. 11248. Malaking tagumpay para sa isang partidong nitong Abril lamang inilunsad. May laban tayo at lalaban tayo!
Ang pagiging Dominant Minority Party ay isang mahalagang pagkilala mula sa COMELEC na nagbibigay sa Bangsamoro Federalist Party ng kaparehong mga karapatan at pribilehiyong mayroon ang Dominant Majority Party sa darating na halalang parlyamento ngayong Setyembre 14, 2026. Kabilang dito ang pagtanggap ng electronic election results para sa independent verification, opisyal na mga kopya ng election returns, at iba pang mga mekanismong nagsusulong ng isang malinis, tapat, at transparent na halalan.