06/08/2026
๐๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐ก๐๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐ , ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐ก๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป
Isang mahalagang yugto sa kanilang propesyon ang opisyal na nasaksihan ng dalawang (2) bagong promoted at dalawang (2) bagong itinalagang kawani ng National Food Authority BARMM matapos silang manumpa sa kanilang mga bagong tungkulin sa isang seremonyang pinangunahan ni Regional Manager II Lilibette P. Ignacio.
Nakiisa rin sina Assistant Regional Manager Lydia I. Arsad, NFA Maguindanao Branch Manager Erlyn Marie Socorro A. Olila, Acting Senior Personnel Specialist Roselie V. Tutor, at Accountant III Wendell O. Beserial, bilang pagsuporta sa panibagong yugto ng paglilingkod ng mga kawani.
Ang mga nanumpa ay ang sumusunod:
๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ
Norulhak P. Balabadan
๐๐ฐ๐ฐ๐ผ๐๐ป๐๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฉ
Bai Shelyn A. Pinguiaman
๐๐ฐ๐ฐ๐ผ๐๐ป๐๐ ๐๐ป๐ฎ๐น๐๐๐
Carlo Jay A. Bagundang
๐ง๐ฟ๐๐ฐ๐ธ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ
Jan Xavier Sydney A. Salamanca
Ang kanilang panunumpa ay hindi lamang pag-upo sa mas mataas o bagong posisyon, kundi isang panibagong panata na gampanan ang kanilang mga tungkulin nang may integridad, propesyonalismo, at malasakit sa serbisyo publiko. Bunga ng kanilang dedikasyon at pagsunod sa mga pamantayan ng Civil Service Commission (CSC), ang tagumpay na ito ay nagsisilbing pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at katapatan sa tungkulin.
โTiyak ang Bigas, Panatag ang Bukas.โ