Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM

  • Home
  • Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM

Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM, Government Organization, Barungis Pikit Cotabato, .

23/04/2026

๐‡๐ˆ๐ƒ๐–๐€๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€๐๐† ๐€๐ƒ๐€๐Œ ๐€๐“ ๐’๐€๐Œ๐๐”๐‹๐๐€ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐†๐€๐–๐€๐’๐€๐, ๐“๐”๐‹๐”๐˜๐€๐ ๐๐€๐๐† ๐“๐ˆ๐๐”๐‹๐ƒ๐”๐Š๐€๐

Tuluyan nang tinuldukan ang matagal na hidwaan sa pagitan ng pamilyang Adam at Sampulna ng Barangay Barungis matapos muling pagtibayin ang kanilang kasunduang pangkapayapaan sa isang seremonya na ginanap sa Municipal Hall ng Ligawasan.

Ang naturang kasunduan ay pagpapatibay ng naunang peace settlement na unang isinagawa noong Agosto 1, 2025, bilang hakbang upang wakasan ang alitan ng dalawang pamilya. Sa pinakahuling pagtitipon, muling pinagtibay ng magkabilang panig ang kanilang pangako para sa pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa.

Pinangunahan ang seremonya ni Ligawasan Mayor Ismael Sultan Mama, kasama ang dating alkalde ng Pagalungan na si Datu Salik Mamasabulod, na parehong nagbigay-diin sa kahalagahan ng dayalogo at pagkakaunawaan sa pagresolba ng sigalot.

Dumalo rin ang mga opisyal ng kapulisan, kabilang sina PLT Joselito S. Radam at Noel R. Tulbanos, bilang suporta sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad.

Nakiisa rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang Council of Elders sa pangunguna ni Mohaliden Ali, na gumanap ng mahalagang papel sa pamamagitan ng tradisyunal na pamamaraan ng pag-aayos ng alitan upang mapalapit ang dalawang panig.

Sa huli, pormal na nagkasundo ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng isang sagradong Bayโ€™a, na sumisimbolo sa kanilang taimtim na pangako na iwanan ang hidwaan at panatilihin ang kapayapaan.

Tinapos ang seremonya sa isang panalangin para sa patuloy na gabay at pagpapala sa dalawang pamilya at sa buong komunidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang matagumpay na resolusyon ng alitan ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, matibay na pamumuno, at pananampalataya, maaaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

23/04/2026

El Niรฑo Alert issued โš ๏ธ

DOST-PAGASA has officially raised its ENSO Alert and Warning System to El Niรฑo Alert, following the high likelihood of its development in the coming months and possible persistence into early 2027. This may bring drier-than-usual conditions, including dry spells and droughts in parts of the country.

However, above-normal rainfall may still be experienced over the western sections during the Habagat season.

READ MORE HERE: https://pagasa.dost.gov.ph/press-release/209

23/04/2026

May paparating na hindi dapat palampasinโ€ฆ ๐Ÿ‘€

Isang kilusan ng boses at pagbabago ang unti-unting binubuo.

Kangungudan, sekanu manem!


20/04/2026
Alhamdulillah and congratulations Barangay Buliok๐Ÿซถ๐Ÿผ
09/04/2026

Alhamdulillah and congratulations Barangay Buliok๐Ÿซถ๐Ÿผ

ALHAMDILILLAH!! Barangay Assembly Day 1st Semester -CY 2026Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa katatapo...
05/04/2026

ALHAMDILILLAH!! Barangay Assembly Day 1st Semester -CY 2026

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa katatapos lamang na Barangay Assembly ng Barangay Barungis Ligawasan SGA-BARMM ngayong April 05, 2026.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang ating mga panauhin: Assistant MILG Field Staff Ma'am Muslima T. Kaludin at ang kinatawan mula sa LGU Ligawasan Sir Abohuraira Guiamaludin. sa kanilang mahalagang oras, suporta, at pagbabahagi ng kaalaman para sa ating komunidad.

Ibinahagi rin ng Punong Barangay Nhor Abdul Adam ang mahahalagang ulat at programang napagtagumpayan maging ang mga inisyatibang proyekto na nais maysakatuparan ng BLGU BARUNGIS para sa mamamayan ng BARANGAY BARUNGIS.

Nagsalita din ang mga Barangay Officials SK Chairman, Brigade Commanders ng barungis upang maybahagi din ang kani kanilang hangarin na makakabuti sa kapakanan ng mamamayan ng Barungis.

Ang inyong presensya at pakikilahok ay napakahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay. Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, mas napapalakas natin ang ating mga programa at mas napapabuti ang serbisyo para sa bawat mamamayan.

Inaasahan po namin ang inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa mga susunod pang gawain ng ating barangay.

๐Ÿ’™ Sama-sama para sa isang mas maayos, ligtas, at maunlad na Barangay Barungis.

11/11/2025

๐‹๐†๐” ๐‹๐ข๐ ๐š๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐š๐ญ ๐Œ๐’๐’๐ƒ, ๐ง๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š โ€œ๐–๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐†๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆโ€ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ ๐š๐ฐ๐š๐ฌ๐š๐ง

TIGNAN| Patuloy ang paghahanda ng ๐—Ÿ๐—š๐—จ Ligawasan katuwang ang ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฆ๐—ฆ๐—— para sa pagpapatupad ng ๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐˜๐—ผ๐—บ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ โ€” isang programa na layuning mabigyan ng food stamp ang mga piling pamilyang kwalipikado, na nagkakahalaga ng โ‚ฑ3,000 at maaaring ipagpalit sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, prutas, at karne sa mga piling establisyemento.

Ayon kay ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ฎ๐—ท๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ, ang mga benepisyaryo at barangay ay pinili ng DSWD Central Office base sa CBMS data ng bayan, at rerepasuhin ito ng MSSD Ligawasan sa pangunguna ni ๐—ฆ๐—ถ๐˜๐˜๐—ถ๐—ฒ ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฌ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ณ, ๐—ฅ๐—ฆ๐—ช. Nilinaw din na ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ข๐™ž๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™ค ๐™ฃ๐™œ 4๐™‹๐™จ upang mabigyan ng oportunidad ang mga pamilyang wala pang natatanggap na suporta mula sa gobyerno, kabilang na rin ang mga hindi sakop ng mga espesyal na proyekto ng MSSD.

Binigyang-diin naman ni ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—œ๐˜€๐—บ๐—ฎ๐—ฒ๐—น ๐—ฆ. ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ang kahalagahan ng maayos na datos ng mga benepisyaryo at ang pagbibigay-priyoridad sa mga tunay na nangangailangan upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng programa sa hinaharap.

โค๏ธโค๏ธโค๏ธ
29/10/2025

โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

Sa kabila ng sakuna, nangingibabaw parin ang alaga at tulong ni Mayor Ismael "Boy Hashim" S. Mama - Municipality of Liga...
29/10/2025

Sa kabila ng sakuna, nangingibabaw parin ang alaga at tulong ni Mayor Ismael "Boy Hashim" S. Mama - Municipality of Ligawasan sa mamayan ng Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM Patuloy padin ang pagbibigay ng tulong sa mga taong nasalanta ng baha at apektado sa nangyaring hidwaan sa nasabing lugar kamakailan lang. Maraming salamat sa Team LGU sa pangunguna ni maโ€™am Admin Omolhayr MT Kenken.

Ang pagkakaisang ito ay patunay na sa panahon ng sakuna, ang malasakit at serbisyo ay nananaig.

29/10/2025

Sukran Mayor Ismael "Boy Hashim" S. Mama - Municipality of Ligawasan at sa buong LGU Ligawasan sa mabilis na tulong sa para Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM sa pangunguna ni Maโ€™am Admin Omolhayr.

Alhamdulillah congratulations Sangkad Barangay Buliok, Ligawasan, SGA BARMMโค๏ธโค๏ธ
28/10/2025

Alhamdulillah congratulations Sangkad Barangay Buliok, Ligawasan, SGA BARMMโค๏ธโค๏ธ

Maraming Salamat, MSSD BARMM! ๐Ÿ™Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng ating komunidad sa mga ipinamahaging 25k...
16/10/2025

Maraming Salamat, MSSD BARMM! ๐Ÿ™

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng ating komunidad sa mga ipinamahaging 25kg rice at Food Packs mula sa MSSD BARMM. Salamat din sa walang sawang pagtulong.

Nagpapasalamat kami sa mga kasamahan mula sa MSSD STAFF at LGU Ligawasan na patuloy na nagsisilbing katuwang sa pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan. Nagpapasalamat din kami kay Hon. HADIGUIA A. SALIK punong barangay of buliok at kay konsehal LUTH SALIK sa pagpagamit ng kanilang covered court para mas maayos at matagumpay na maipamahagi ang Relief goods para sa mga mamayan ng barungis.

Labis din ang aming pasasalamat sa presensya ng ating mga BLGU BARUNGIS at kay former punong Barangay Maita P. Adam,na nagsilbing gabay at katuwang sa pamimigay ng mga kinakailangang relief goods. Sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, masisiguro natin na makakatanggap ang lahat ng nangangailangan at mapapaganda ang pamamahagi nito sa bawat pamilya.maraming salamat sa inyong walang kapantay na serbisyo at malasakit.




Address

Barungis Pikit Cotabato

9409

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Barungis, Ligawasan, SGA BARMM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share