SB Ronald ‘Onac’ Alcantara

SB Ronald ‘Onac’ Alcantara Culion, Palawan’s Municipal Councilor

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating mga minamahal na mag-aaral na magsisipagtaposngayong taon 2026.Bilang isa s...
30/03/2026

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating mga minamahal na mag-aaral na magsisipagtapos
ngayong taon 2026.

Bilang isa sa mga opisyal at kasapi ng Sangguniang Bayan ng Culion, lubos ang aking kasiyahang masaksihan ang bunga ng inyong sipag, tiyaga at pagtitiis sa pag-aaral. Nagbunga na ang inyong puyat, pagod at sakripisyong inyong pinagdaanan sa mga nakalipas na taon. Ang pagtanggap ng inyong diploma ay patunay ng inyong pagsusumikap at isang karangalang dapat ipagmalaki.

Sa mahalagang araw na ito, nawa'y buong galak ninyong pasalamatan, higit sa lahat, ang ating Panginoon, sa kaniyang walang hanggang pagsubaybay at paggabay sa inyong paglalakbay. Bilang kasunod ay ang inyong mga magulang sa kanilang pagsisikap at pagsasakripisyo upang maibigay ang inyong pangangailan sa inyong pag-aaral. Marapat din na pasalamatan ang inyong mga g**o na walang sawang gumabay, umunawa at humubog sa inyong talino, kakayahan at kaalaman. Huwag din ninyong kalimutang pasalamatan ang inyong mga kaibigan na naging kaagapay ninyo sa mga hamon ng inyong buhay estudyante.

Sa inyong paglisan sa inyong kasalukuyang antas ng pag-aaral, baunin ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng leksiyon at karanasang inyong natutunan sa loob ng apat na sulok at kanto ng inyong paaralan. Alalahanin ninyo na ang inyong pagtatapos ay hudyat ng bagong simula ng isang panibagong hakbang sa pag-abot ninyo sa inyong mga pangarap. Patuloy pa ninyong pag-ibayuhin ang pagsisikap at determinasyon na linangin ang inyong kakayahan, talino at kaalaman para sa inyong sariling pag-unlad at ng inyong pamayanan.

Naniniwala akong magtatagumpay kayo sa susunod na yugto ng inyong buhay. Sa panahon ng inyong tagumpay, nawa'y huwag ninyong kalimutan kung saan kayo nagmula, sapagkat ipinagmamalaki kayo ng bayan ng Culion. Kung ang kabiguan ay hindi maiwasan dahil sa dami ng mga samu't saring suliraning pampamilya at pambayang dinaranas ng ating bansa lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan, huwag ninyong kalimutan na ang ating pamahalaang bayan ay bukas-palad na handang tumulong sa abot ng aming makakaya.

Muli, isang pagbati sa lahat ng magsisipagtapos sa Taong Pampanuruan 2025-2026.

Pagbati mula sa inyong lingkod,
SB Onac Alcantara

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!🎄✨
25/12/2025

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!🎄✨

30/03/2025

Magandang araw po sa ating lahat!🩵✨

Ang page po na ito ay para lamang sa mga post patungkol sa ibang kaganapan kay SB Onac Alcantara. Para po sa mga nagmemessage, pasensya na po dahil hindi po si SB Onac Alcantara ang mismong may hawak ng page na ito kaya hindi po kayo ma-replyan.

Ang page po na ito ay hawak ng kaniyang Social Media Manager.

Maraming salamat po!🤍✨

Posted By: Page Admin (Social Media Manager)

15/02/2025

Happy Valentine’s Day!🩵

Nasa Bayan ng Culion ang true love.✨





30/11/2024

With Miss Asia International 2024 Winners

Abante Culion Tourism!

October 11, 2024

27/11/2024

Harvest time!
Thank you, Papa G!

November 13, 2024

Address

Culion

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB Ronald ‘Onac’ Alcantara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share