Association of Concerned Educ Students - Pasig

Association of Concerned Educ Students - Pasig Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Association of Concerned Educ Students - Pasig, Daet.

20/06/2024

BATAMPASIG STATEMENT ON SARA DUTERTE’S RESIGNATION

Bago pa man maluklok si Sara Duterte sa posisyon bilang kalihim ng DepEd, walang duda na tanaw natin ang kahahantungan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Matapos ang eleksyon pagkayari ng pagkapanalo ng tambalang Marcos-Duterte, nagluklok ang administrasyong ito ng walang kredibilidad at hindi kuwalipikado na kalihim. Kaya imbes na matugunan at solusyunan ang kinakaharap na krisis, nakapag-ambag pa ito sa nakakapangamba at lumalalang krisis sa edukasyon. Matatandaang napabalita ang Pilipinas na naitala bilang pinakamababa sa creative thinking assessment ng PISA. Ang mean score ng Pilipinas ay 14, malayo sa average score na 33 na itinakda ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD). Mahina na nga ang Pilipinas sa math, science, at reading, bagsak pa sa creative thinking. Pinagkait ng mismong ahensiya ng gobyerno ang kinabukasan ng edukasyon sa ilalim ng panunungkulan ni Sara Duterte.

Ang masaklap din dito, ang pagkaluklok ni Sara Duterte sa posisyon ay naging instrumento ng tambalang Marcos-Duterte sa pagbaluktot ng kasaysayan at pagpapalaganap ng walang humpay na kasinungalingan. Ginawang pangunahing lundayan ni Sara Duterte ang DepEd upang makapagdarambong ng milyon-milyong confidential funds mula sa buwis ng mamamayan habang nagkukulang ang mga klasrum at pinagkakaitan ang pagtaas ng sahod ng mga g**o at kawani ng edukasyon. Walang humpay rin ang pagsupil at pangreredtag sa mga progresibong organisasyon gamit ang pagpopondo sa NTF-ELCAC, na siyang tumatak na legasiya ng kanyang panunungkulan bilang kalihim. Dito pa lang ay maitatantos na natin ang prayoridad ng gobyernong ito sa gitna ng lumalalang krisis.

Ngayong nasa punto tayo ng hiwalayang Marcos-Duterte tandem, patunay ito ng pagbabalat-kayo para sa pampulitikang kapangyarihan ng dalawang paksyon ng reaksyunaryong gobyerno. Sa gitna ng krisis pampulitika, nagtulak ito para bitawan ni Sara Duterte ang kanyang pagiging kalihim. Repleksyon ito na hindi interesado at walang pakialam ang mga nasa posisyon na tugunan ang krisis na kinakaharap ng mga Pilipino. Unity na nga lang ang tanging plataporma ng administrasyong ito, nabigo pa itong tuparin.

Sa pagbakante ng posisyong binitawan ni Sara Duterte na dapat noon pa niya ginawa, kalampagin natin ang mga nasa posisyon na magluklok ng kalihim para sa departamento ng edukasyon na may kredibilidad at kakayahan na siyang nauunawan ang danas at hirap ng g**o, kawani at mag-aaral sa institusyon. Humango tayo ng aral na kailanman ay hindi mabibigyan ng tunay na representasyon kung hindi ito magmumula sa mga sektor na nakararanas ng mismong kalagayan nito. Tumungo dapat ito sa pagtataguyod ng isang makamasa, makabayan at siyentipikong edukasyon na tunay na magpapaunlad at maglilingkod sa sambayanan.

Sa lahat ng ito, huwag rin nating kakalimutan ang legacy of impunity ni Sara Duterte sa kanyang termino bilang kalihim. Marapat na panagutin at singilin si Sara Duterte sa kanyang malalang korupsyon sa confidential funds at masahol na panunupil sa mamamayan.




Tinatawag ng BatamPasig ang lahat ng estudyante at g**o na magbigay ng kanilang pananaw sa pamamagitan ng pagtugon sa go...
02/04/2024

Tinatawag ng BatamPasig ang lahat ng estudyante at g**o na magbigay ng kanilang pananaw sa pamamagitan ng pagtugon sa google form na kanilang inihanda. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos mula dito, magagamit natin ito upang makahanap ng mga solusyon sa problemang kinakaharap natin sa init sa mga silid-aralan at iba pang kaugnay na isyu, at magbigay ng agarang aksyon sa mga lugar na nangangailangan ng tulong at pansin.

Maaaring sagutan lamang ang ating survey:
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6



Sa kasalukuyang kondisyon ng panahon sa bansa at sa patuloy na pagtindi ng epekto ng climate change, ang tinig ng kabataan ay mahalagang madinig sa mga usaping may kaugnayan sa kapaligiran at kalusugan ng lipunan.

Base sa mga ulat mula sa PAGASA, maraming lugar sa ating bansa ang labis na naapektuhan ng di-makatarungang init na nagiging hadlang sa pang-araw-araw na gawain. Hindi lamang mga mag-aaral, kundi pati na rin mga g**o at kawani ng paaralan ang nagdurusa sa kasalukuyang kalagayan ng panahon.

Kaya naman, tinatawag ng BatamPasig ang lahat ng estudyante at g**o na magbigay ng kanilang pananaw sa pamamagitan ng pagtugon sa Google Forms na aming inihahanda. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos mula dito, magagamit natin ito upang makahanap ng mga solusyon sa problemang kinakaharap natin sa init sa mga silid-aralan at iba pang kaugnay na isyu, at magbigay ng agarang aksyon sa mga lugar na nangangailangan ng tulong at pansin.

Maaaring sagutan lamang ang ating survey:
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6
πŸ“Œhttps://forms.gle/d8iGvTdxyobNjs7K6



08/03/2024

"Women's Day is not just a celebration; it is brought about by the struggle for equal rights and liberation."

To all New licensed teacher πŸ‘©β€πŸ«: Dear Maam and sir, Alam kong maliit ang sahod ng g**o dito sa Pilipinas kumpara sa iban...
08/12/2023

To all New licensed teacher πŸ‘©β€πŸ«:

Dear Maam and sir,

Alam kong maliit ang sahod ng g**o dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bayan. Batid ko ding mahirap ang work condition ng mga g**o dahil na rin sa kakulangan sa pasilidad, overwork at underpaid na kalagayan , at ang malaking kakulangan sa pagtugon sa tunay na kailangan ng edukasyon.

Pero sana kahit ganoon, PILIIIN NATING MANATILI . KAILANGAN tayo ng bayang ito. KAILANGAN ng mga g**ong may sigasig na magturo at magmulat sa mga KABATAAN ng tunay na kalagayan ng lipunan at maparamdam na bahagi sila ng bayang ito at RESPONSIBILIDAD natin ang pagpapalaya at pagpapaunlad nito.

Sa ganitong kalagayan ng mga g**o, Maam at sir, sana maging bahagi tayo ng PAGSASANTINIG ng tunay na kalagayan sa PAGTAAS NG SAHOD at ang pagsulong ng isang makamasa , Makabayan at siyentipikong edukasyon para sa lahat.

MAGING BAHAGI TAYO NG Pagtindig para sa susunod na panahon lahat ay MANATILI.

G**o ng bayan, paglingkuran ang sambayanan.

Future Educators, EduKeri pa vah?πŸ’₯Be part of this enlightening discussion and discover how you can shape the future of e...
30/09/2023

Future Educators, EduKeri pa vah?πŸ’₯

Be part of this enlightening discussion and discover how you can shape the future of education. Let's come together to empower future educators and navigate the ever-evolving educational landscape!

Event: ACES: Beyond the Books - "EduKeri Pa ba?"
Date: October 2, 2023
Time: 2:00 PM
Venue: Barangay Hall, Caniogan, Pasig City

Don't miss out on this incredible opportunity to be a part of ACES. Tag your friends, educators, and fellow learners!

See you there! 🌟


?

BE AN ACE OF EDUCATION, BE AN ACE FOR EDUCATION!πŸ’₯✨Join the movement and let's ACE this sheeeshh together! 🀟-Membership R...
24/09/2023

BE AN ACE OF EDUCATION, BE AN ACE FOR EDUCATION!πŸ’₯✨

Join the movement and let's ACE this sheeeshh together! 🀟

-

Membership Registration Form:
https://forms.gle/WqK5VuZeaSvhTEXb7

Uphold Nationalist, Scientific, and Mass-Oriented Education!

We ain't just spelling it out; we're living it.✨ Join us as we ACE our mission and ignite change in the world of educati...
24/09/2023

We ain't just spelling it out; we're living it.✨ Join us as we ACE our mission and ignite change in the world of education!

ACES WHOOOO?!Step into the world of ACES! 🀟🏻 where passion meets purpose, and education is our battleground for change! ...
24/09/2023

ACES WHOOOO?!

Step into the world of ACES! 🀟🏻 where passion meets purpose, and education is our battleground for change! We, the torchbearers of education are now fueled to ignite the way, driven by a mission and vision committed to championing the rights of students and educators while revolutionizing the whole education scene.

Join us as we rewrite the future of Philippine educationβ€”one chapter at a time. 🌟


Address

Daet
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Association of Concerned Educ Students - Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Association of Concerned Educ Students - Pasig:

Share