15/08/2026
TO GOD BE THE GLORY:
Sa bawat pagsubok, huwag mawalan ng pag-asa. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. May liwanag pagkatapos ng bawat unos, at may bagong pag-asa sa bawat araw.
Nawa'y sa munting paraan ng Lingkod Lapid at Mama Pina’s ay nag iwan po ng isang ngiti at busog na tiyan ng bawat isa sa isinagawa pong Libreng Pancit Feeding Mission para sa mga evacuees ng Malued Elementary School, Barangay Malued, Dagupan City. 🍜
Munting handog lamang, ngunit buong puso naming ibinabahagi bilang paalala na nandito lang tayo para sa isa’t isa.
Kapit lang. Manalig. Lilipas din ang pagsubok. 🙏❤️
May God bless us always.
P.s.
Ang Lingkod Lapid Team sa pangunguna po ng ating Senador Lito Lapid at GM Mark Lapid ay nagpapasalamat sa tulong ng Mama Pina's boss Ruffy Meneses at mga kaibigan natin punong barangay ng malued kapitana Pheng delos Santos kgd.tamayo kgd.solomon at solomon brothers na laging umaalalay sa ganito pong mga panahon at sa lahat ng mga nag boluntaryo na sumama at nagbigay ng mga ngiti sa bawat isa maraming maraming salamat po.