Tope Lim Chua

Tope Lim Chua Tope Lim Chua
Batang BSL

✨ Happy Heavenly Birthday, MBSL ✨Ngayon, inaalala namin hindi lamang ang iyong kaarawan kundi pati na rin ang mga naiamb...
27/08/2025

✨ Happy Heavenly Birthday, MBSL ✨

Ngayon, inaalala namin hindi lamang ang iyong kaarawan kundi pati na rin ang mga naiambag mo sa ating lungsod. Ang iyong malasakit at paglilingkod para sa “Limgas na Dagupan” ay mananatiling inspirasyon para sa bawat Dagupeño. 🙏💙

Patuloy kang buhay sa alaala at puso ng mga taong minahal at pinagsilbihan mo.

Mga kapatid na Dagupeño, ako’y taimtim na nananalangin para sa inyong kaligtasan at lakas sa panahong ito. Mag-ingat po ...
24/07/2025

Mga kapatid na Dagupeño, ako’y taimtim na nananalangin para sa inyong kaligtasan at lakas sa panahong ito. Mag-ingat po tayo, makipag-ugnayan sa inyong barangay, at huwag mag-atubiling mag-evacuate kung kinakailangan. Sama-sama natin itong haharapin—manalig, magtulungan, at huwag bibitaw. Keep safe, Dagupan!

19/06/2025

🎉 Maligayang Araw ng Lungsod, Dagupan! 🐟
78 years of pride, progress, and puso! 💙

Mula sa pagiging simpleng bayan hanggang sa pagiging makabago’t makasaysayang lungsod—saludo kami sa bawat Dagupeño na naging bahagi ng kwento ng ating mahal na Dagupan. 🙌


👨‍👧‍👦 Happy Father’s Day to all the haligi ng tahanan!Sa bawat tatay na nagsusumikap para sa kinabukasan ng kanilang pam...
14/06/2025

👨‍👧‍👦 Happy Father’s Day to all the haligi ng tahanan!
Sa bawat tatay na nagsusumikap para sa kinabukasan ng kanilang pamilya—saludo kami sa inyo! Tulad ninyo, ang tunay na lider ay may malasakit, responsibilidad, at pagmamahal.

Sa puso ng bawat ama, nariyan ang inspirasyon para sa isang mas maunlad na komunidad. 💙

🇵🇭 Malayang Pilipino. Matatag na Dagupeño.Ngayong Araw ng Kalayaan, alalahanin natin ang tapang ng mga bayani—at ang tun...
12/06/2025

🇵🇭 Malayang Pilipino. Matatag na Dagupeño.
Ngayong Araw ng Kalayaan, alalahanin natin ang tapang ng mga bayani—at ang tungkulin nating ipagpatuloy ang laban para sa tunay na pagbabago.

Kahit tapos na ang halalan, ang diwa ng paglilingkod ay tuloy pa rin.
Ang tunay na malaya, ay ang handang magsilbi.

Isang mapagpalang Eid Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y maging makabuluhan ang inyong pagdiriwang ng sakrip...
05/06/2025

Isang mapagpalang Eid Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y maging makabuluhan ang inyong pagdiriwang ng sakripisyo, pananampalataya, at pagkakaisa. 🤍

29/05/2025

🌥️ Good morning, Dagupan!
Maulap man ang langit, keri pa rin ang laban!
Bangon-bangon din 'pag may time! 😎💪

Hindi man tayo pinalad sa resulta ng halalan, ang pinakaimportanteng panalo para sa akin ay ang pagkakataong makilala ka...
12/05/2025

Hindi man tayo pinalad sa resulta ng halalan, ang pinakaimportanteng panalo para sa akin ay ang pagkakataong makilala kayo—isa-isa, harapan, at taos-puso.

Ang bawat kwento, ngiti, yakap, at suporta na ibinahagi ninyo ay baon ko habang buhay. Ang kampanyang ito ay higit pa sa pulitika—ito ay naging isang karanasang puno ng aral, pagkakaibigan, at pagmamalasakit.

Maraming salamat, Dagupan. Sa inyong lahat na naging parte ng kwento kong ito—karangalan ko po na kayo ay makilala at makasama.

Hindi ito ang katapusan. Hanggang sa muli.
– Tope

Bumuto na po ako ngayong May 12 sa West Central Elementary School. 🏫💙🧡Ang pagboto ay hindi lamang karapatan—ito ay panan...
12/05/2025

Bumuto na po ako ngayong May 12 sa West Central Elementary School. 🏫💙🧡

Ang pagboto ay hindi lamang karapatan—ito ay pananagutan sa kinabukasan ng ating bayan. 🇵🇭

Shoutout sa OG queen ng buhay ko—si MAMA 👑 Happy Mother’s Day sa lahat ng marites, maarte, pero mapagmahal na nanay out ...
11/05/2025

Shoutout sa OG queen ng buhay ko—si MAMA 👑 Happy Mother’s Day sa lahat ng marites, maarte, pero mapagmahal na nanay out there! ily y’all 😭💐

10/05/2025

Mula sa pag-ikot sa 31 barangay, house to house, caucus, at garong, bawat hakbang ay inalay para sa Dagupan. Hindi madali ang daan, pero bawat araw na kasama ko kayo ay naging paalala kung bakit ako tumakbo--dahil sa pagmamahal ko sa ating siyudad at sa pag-asa na kayang gawing mas maganda ang bukas para sa ating lahat.

Sa bawat kamay na aking nakamayan, sa bawat yakap, kwento, at ngiting ibinahagi niyo, dumami ang aking inspirasyon. Marami akong natutunan, mas lumawak ang aking pang-unawa, at higit sa lahat, mas tumibay ang pagmamahal ko sa Dagupan.

May mga tagumpay, may mga hamon, pero sa dulo ng lahat ng ito, isa lang ang sigurado, puno ng pasasalamat ang puso ko. Salamat sa tiwala, sa suporta, at sa paniniwala. Hindi man natin alam kung ano ang susunod na kabanata, baon ko ang bawat alaala, aral, at pagmamahal mula sa inyong lahat.

Salamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta. Mahal ko ang Dagupan at mahal ko kayo. 🫶🧡💙






Must be  , vote straight now!
10/05/2025

Must be , vote straight now!

Address

Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tope Lim Chua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share