01/06/2026
𝐏𝐑𝐎𝟔 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝟏𝟗.𝟒𝟒% 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐂𝐔𝐒 𝐂𝐑𝐈𝐌𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝟏𝟎 𝐀𝐑𝐀𝐖
ILOILO CITY — Iniulat ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang maayos at mapayapang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa Western Visayas sa unang 10 araw sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Director PBGen Randulf T. Tuaño, na sumasalamin sa mga unang bunga ng pinaigting na operasyon laban sa kriminalidad at patuloy na ugnayan sa komunidad sa buong rehiyon.
Batay sa monitoring ng PRO6, naitala ang 19.44% na pagbaba sa walong focus crimes, mula sa 36 kaso noong Mayo 12–21, 2026, bumaba sa 29 kaso noong Mayo 22–31, 2026. Kabilang sa mga kapansin-pansing pagbaba ay ang murder at robbery na kapwa bumaba ng 50 porsyento. Ang murder ay mula anim ay naging tatlo na lamang, habang ang robbery ay mula apat ay naging dalawa.
Bumaba rin ang homicide mula tatlo patungong dalawa, at ang physical injury mula siyam patungong walo. Nanatili naman sa parehong bilang ang r**e na may limang kaso, theft na walo, at motorcycle carnapping na isa, habang wala namang naitalang carnapping ng motor vehicle sa nasabing panahon.
Ayon kay PBGen Tuaño, ang unang mga araw ng kanyang pamumuno ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PRO6 na palakasin ang police visibility, responsiveness, at community-based policing sa pamamagitan ng pinaigting na operasyon at mas malapit na ugnayan sa iba’t ibang stakeholder.
“Sa unang mga araw pa lamang, mas ramdam na natin ang presensya ng kapulisan sa komunidad. Maganda ang simula, ngunit hindi tayo dapat maging kampante. Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon, palalakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, at titiyakin na ang ating serbisyo ay mabilis, maayos, at tunay na nararamdaman ng publiko,” ani PBGen Tuaño.
Samantala, bahagyang tumaas mula 218 tungong 220 kaso ang mga paglabag sa special laws at local ordinances, na iniuugnay ng PRO6 sa pinaigting na police visibility, mas mahigpit na law enforcement operations, intelligence-driven activities, at mas pinatibay na koordinasyon sa mga local government unit at komunidad.
Patuloy rin ang tagumpay ng PRO6 sa kampanya laban sa kriminalidad, kung saan 57 wanted persons ang naaresto kabilang ang 17 most wanted persons at 40 iba pang wanted individuals. Sa kampanya kontra ilegal na droga, 47 drug personalities ang naaresto at tinatayang ₱19 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska. Kabilang na dito ang pag-aresto sa isang barangay official na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang ₱782,000 halaga ng ilegal na droga.
Nakapagtala rin ng positibong resulta ang kampanya laban sa loose fi****ms at explosives, kung saan 97 baril ang boluntaryong isinuko at 15 pampasabog ang isinuko sa mga awtoridad, patunay ng patuloy na kooperasyon ng komunidad at pinatitibay na public safety initiatives sa rehiyon.
Binigyang-diin ni PBGen Tuaño na ang mga tagumpay na ito ay bunga ng matibay na pagtutulungan ng mga police unit, LGU partners, national government agencies, media stakeholders, at ng komunidad.
“Ang kapayapaan ay hindi gawa ng iisang sektor lamang. Kailangan ang sama-sama nating pagkilos,” dagdag niya.
Tiniyak din niya na ipagpapatuloy ng PRO6 ang tuloy-tuloy na operasyon alinsunod sa PNP Focus Agenda at sa bisyon na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman” sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., kasabay ng patuloy na adhikain para sa “Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas.”
(ORD-PRO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀