The Trend Tapes

The Trend Tapes Para sa Bayan 🇵🇭

Sino ang nagsasabi ng katotohanan? ⚖️Matapos ang mainit na pagdinig sa impeachment kahapon, April 14, 2026, lalong nagin...
15/04/2026

Sino ang nagsasabi ng katotohanan? ⚖️

Matapos ang mainit na pagdinig sa impeachment kahapon, April 14, 2026, lalong naging maugong ang usapin sa pagitan nina VP Sara Duterte at Ramil Madriaga. Sa harap ng House Committee on Justice, inilahad ni Madriaga ang mga seryosong alegasyon patungkol sa paghawak ng pondo, habang mariin naman itong itinatanggi ng Pangalawang Pangulo bilang mga "gawa-gawang kuwento."

Sa gitna ng magkakasalungat na pahayag, kanino mas matimbang ang kredibilidad para sa inyo? Mahalaga ang ating mapanuring pag-iisip sa panahong ito ng paghahanap ng katotohanan. 🇵🇭

Mayor Baste Duterte, Nagpakawala ng Matinding Banat Laban kay Pangulong MarcosDavao City — Muling naging sentro ng kontr...
13/04/2026

Mayor Baste Duterte, Nagpakawala ng Matinding Banat Laban kay Pangulong Marcos

Davao City — Muling naging sentro ng kontrobersya si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos magpakawala ng mga matatalim na pahayag laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng talamak na tensyong pulitikal sa bansa.

Sa isang talumpati, hindi nagpigil ang alkalde at direktang binanggit ang mga katagang, "Ang ulo na kailangan natin ay ang ulo ni Bongbong Marcos." Ayon sa mga tagamasid, ang naturang pahayag ay pagpapahayag ng kaniyang matinding pagkadismaya sa kasalukuyang pamamalakad ng administrasyon at sa kinakaharap na mga legal na hamon ng kaniyang pamilya, partikular na ang isyu ng ICC laban sa kaniyang ama.

Ito na ang itinuturing na pinakamabigat na birada ng nakababatang Duterte simula nang pormal siyang maupo bilang National President ng partidong PDP. Inaasahan namang maglalabas ng kaukulang tugon ang Palasyo ng Malacañang hinggil sa tila "pagbabanta" o paghamon na ito ng alkalde na lalong nagpapalalim sa lamat ng dating "UniTeam" alliance.

ROQUE, ITINANGGI ANG GIIT UKOL SA INTERPOL RED NOTICE; HINAMON ANG MGA PAHAYAG NI REMULLATINGNAN: Binatikos ni dating pr...
12/04/2026

ROQUE, ITINANGGI ANG GIIT UKOL SA INTERPOL RED NOTICE; HINAMON ANG MGA PAHAYAG NI REMULLA

TINGNAN: Binatikos ni dating presidential spokesperson Harry Roque si Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng mga giit na siya ay nasa ilalim na ng INTERPOL red notice.

Sa isang live video, iginiit ni Roque na walang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya. Sinabi rin niya na alam ng mga awtoridad sa Europa kung nasaan siya at malaya siyang nakakagalaw doon.

Nanindigan siya na ang red notice ay hindi katumbas ng isang warrant of arrest, bilang pagkontra sa basehan ng nasabing giit.

'HINDI NA PO AKO TATAKBO SA 2028'Hindi na muling tatakbo sa pagkasenador si Sen. Robin Padilla sa 2028. Ito'y sa gitna n...
13/12/2025

'HINDI NA PO AKO TATAKBO SA 2028'

Hindi na muling tatakbo sa pagkasenador si Sen. Robin Padilla sa 2028.

Ito'y sa gitna ng pagkalat ng mga larawan kung saan ay isinasama si Padilla sa mga magiging pambato ni Vice President Sara Duterte sa pagkasenador sa susunod na eleksyon.

"Maraming salamat po. Pero wag niyo na po ako isama sa line up at hindi na po ako matakbo sa 2028. Mabuhay po," wika ni Padilla.

AMEND RA 9344 |  THE MAGUAD SIBLINGS CASEThe brutal murder of Crizzle Gwynn and Crizzvle Louis “Boyboy” Maguad shocked t...
26/05/2025

AMEND RA 9344 | THE MAGUAD SIBLINGS CASE

The brutal murder of Crizzle Gwynn and Crizzvle Louis “Boyboy” Maguad shocked the nation, not just because of the act itself but because the main suspect turned out to be their own adopted sister, Janice Sebial. She was treated as a real member of the Maguad family, given love, a home, and education. Ngunit ilang buwan lang mula nang siya’y ampunin, siya rin pala ang magiging dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga kapatid.

Janice initially pretended to be a survivor, claiming masked intruders attacked them. Pero hindi tugma ang kanyang kwento sa ebidensya, walang forced entry, at tila hindi naaayon ang kanyang emosyon sa bigat ng krimen. She even took a bath and posted online shortly after the killings. Lalong nagulantang ang publiko nang malamang hindi siya tunay na ulila. Her real family came forward, exposing gaps in the adoption and child welfare systems.

But the most controversial part came when the law became a barrier to immediate justice. Under Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act, Janice and her accomplice Esmeraldo, both minors at the time, were protected from immediate punishment. Kahit napatunayang may discernment o kakayahang unawain ang ginawa, sila’y inilagay muna sa rehabilitation center, at hindi agad maaaring maparusahan tulad ng mga nasa hustisyang pangmatanda.

The law aims to rehabilitate the youth, not punish them outright. Ngunit sa kasong ito, tila mas naprotektahan ang gumawa ng krimen kaysa sa hustisya para sa mga biktima. Ang batas na dapat ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon, ay tila naging panangga sa agarang hustisya. Justice was not denied—but it was clearly delayed.

This case raises critical questions. Paano kung ang menor de edad ay may malinaw na intensyon, plano, at kakayahang pumatay? Dapat ba siyang ituring tulad ng mga batang naligaw lang ng landas? Hindi sapat ang batas kung hindi nito naiiba ang ganitong klaseng kabataan sa iba.

The tragedy also exposed failures in the vetting process of child welfare systems. If Janice’s real background had been thoroughly checked, or if a psychological evaluation was done, the crime might have been prevented.

Sa huli, the Maguad case reminds us that laws must adapt. Habang mahalagang bigyan ng pagkakataon ang kabataan, kailangang timbangin din ito sa tunay na hustisya para sa mga inosenteng buhay na nawala. Ang hustisyang naantala ay hustisyang tila ipinagkait.

Kiko Pangilinan GMA News ABS-CBN News News5 INQUIRER.net Philippine Star Rappler

Address

Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Trend Tapes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category