28/06/2026
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐈. 𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐒𝐕𝐃🤍
Sa ngalan ko at ng buong Barangay Sampaloc IV, taos-puso akong nagpapasalamat kay 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐥𝐢𝐭𝐨 𝐈. 𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐒𝐕𝐃 sa tatlong taong tapat at mapagkalingang paglilingkod bilang pastol ng Parokya ng Hesus Nazareno.
Maraming salamat, Father, sa inyong mga panalangin, paggabay, at walang sawang paglilingkod sa Diyos at sa ating komunidad. Ang inyong kababaang-loob, pananampalataya, at malasakit ay nagbigay ng pag-asa, inspirasyon, at nagpatibay ng pananampalataya ng marami.
Lubos kong ipinagpapasalamat ang inyong pakikiisa sa iba't ibang gawain at programa ng ating barangay. Ang inyong suporta at malasakit sa ating mga kababayan ay hindi namin malilimutan.
Dalangin ko ang inyong patuloy na kalakasan, mabuting kalusugan, at masaganang pagpapala sa susunod na yugto ng inyong misyon. Nawa'y patuloy kayong maging kasangkapan ng Diyos sa pagbabahagi ng Kanyang pagmamahal at biyaya saan man kayo italaga.
Maraming salamat po, Father. Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Panginoon sa inyong banal na misyon.🙏🤍