03/08/2026
"๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง."
Buong pusong nakikiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Matanao sa makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Sa bawat salitang ating binibigkas at sa bawat kuwentong ating ibinabahagi, patuloy nating pinahahalagahan ang Wikang Filipinoโang wikang sumasalamin sa ating kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan, at diwang makabayan.
Sa pangunguna ng JHS Filipino Coordinator, Ma'am Kimberly Dueรฑas, kasama ang buong komunidad ng paaralan, ating isulong ang pagpapahalaga sa ating pambansang wika at kultura.
Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," ating ipinapakita na ang makabagong teknolohiya at ang ating sariling wika ay maaaring magsanib upang higit pang mapalawak ang kaalaman, mapagyaman ang pananaliksik, at mapanatili ang ating pambansang identidad sa makabagong panahon.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wika bilang simbolo ng ating pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansang Pilipinas. Patuloy nating gamitin, mahalin, at ipagmalaki ang Wikang Filipino sa bawat henerasyon.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa 2026! ๐ต๐ญ๐
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ๐ต๐ญ