SK Fed. Mark Angelo Gaudia

SK Fed. Mark Angelo Gaudia A united community where every young voice is heard and empowered to create lasting impact.

PAMAMAALAM AT PAGPUPUGAY 🕊️🥹​Ang Municipal SK Federation ng Diffun ay buong pusong nagdadalamhati at nakikiramay sa pami...
27/03/2026

PAMAMAALAM AT PAGPUPUGAY 🕊️🥹

​Ang Municipal SK Federation ng Diffun ay buong pusong nagdadalamhati at nakikiramay sa pamilya at sa buong komunidad ng Barangay Villa Pascua sa pagpanaw ng ating katuwang sa serbisyo, SK Chairwoman Ruth Ecclesiastes DeGuzman Sion

​Si Ate/Chair Ruth ay naging tunay na sandigan at tinig ng mga kabataan sa kanyang barangay. Ang kanyang sigasig, malasakit, at tapat na pamumuno bilang SK Chairwoman ay nag-iwan ng hindi matatawarang marka na magsisilbing inspirasyon sa ating lahat sa Federation.
​Maraming salamat, sa iyong walang pag-iimbot na paglilingkod sa bayan ng Diffun. Mananatili ang iyong liwanag sa aming mga puso.

​Rest in Peace, Chairwoman Ruth.

Patuloy ang SK Federation Office sa ilalim ng pamumuno ni SK Federation President Mark Angelo Gaudia at ang LGU Diffun s...
26/03/2026

Patuloy ang SK Federation Office sa ilalim ng pamumuno ni SK Federation President Mark Angelo Gaudia at ang LGU Diffun sa pagbibigay ng suporta at kagamitan para sa ating mga barangay.
​Pormal na iniabot at tinanggap nina Barangay Captain Dario Tibuldec, SK Chairperson Lyca Mae Bangiwahon, at Madam Anna Marie Tibuldec ang mga sumusunod:

​🖨️ 1 Unit of Printer with Scanner – para sa mas mabilis at maayos na dokumentasyon at serbisyo (c/o Madam Anna Marie).

🧃 30 Boxes of Koolers Juice & 🍝 3 Bales of Pansit – para sa gaganaping General Assembly ng Baguio Village.

​Ang tulong na ito ay tugon sa request nina SK Chair Lyca at ng kanyang mga SK Officials upang mas mapaganda pa ang serbisyo sa kanilang nasasakupan.


Patuloy ang ating layunin na maging kaagapay ng bawat kabataang Diffunian!Matagumpay na naisagawa ang pagbabahagi ng Fin...
19/03/2026

Patuloy ang ating layunin na maging kaagapay ng bawat kabataang Diffunian!

Matagumpay na naisagawa ang pagbabahagi ng Financial Assistance (Batch 2) kahapon, March 18, 2026 para sa karagdagang 28 na kabataan mula sa Barangay Rafael Palma. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na makapagbigay ng suporta para sa mga pangangailangan ng ating mga kabataan lalo na ngayon, upang maibsan ang gastusin na epekto sa krisis ng gasolina sa bansa.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa masigasig na pakikipag-ugnayan ni SK Chairman Ysmael Dela Cruz at ng buong SK Council ng Barangay Rafael Palma, katuwang ang Office of the SK Federation sa pamumuno ni SKF President Mark Angelo Gaudia.
Lubos ang ating pasasalamat sa ating LGU Diffun sa walang sawang pagpopondo at pagsuporta sa mga programa para sa sektor ng kabataan.
Asahan ninyo na ang inyong SK Federation ay patuloy na magsisilbing tulay upang ang mga serbisyo at tulong mula sa pamahalaan ay makarating sa bawat barangay.


Matagumpay na naipamahagi kahapon, January 16, 2026, ang Financial Assistance para sa 35 kabataan ng Barangay Aurora Wes...
17/03/2026

Matagumpay na naipamahagi kahapon, January 16, 2026, ang Financial Assistance para sa 35 kabataan ng Barangay Aurora West. Ang mahalagang tulong na ito ay naiparating sa pamamagitan ng ating aktibong SK Chairperson, Jenny Pearl Daduya.
Ang pangunahing layunin ng programang ito ay matulungan ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga gastusin sa paaralan, lalo na sa gitna ng kinakaharap nating krisis sa presyo ng gasolina sa bansa.
Ang inisyatibong ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng SK Federation Office, kung saan ang pondo ay nagmula sa ating LGU Diffun. Patuloy tayong magkakaisa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating kabataan!


Ibinigay na ng SK Federation Office ang 10 units ng Flat Iron para sa consolation prizes ng Children’s Festival sa Auror...
17/03/2026

Ibinigay na ng SK Federation Office ang 10 units ng Flat Iron para sa consolation prizes ng Children’s Festival sa Aurora West Elementary School (March 19, 2026). Ang pondong ito ay nagmula sa ating LGU Diffun. Ito ay inilapit ni Madam Mary Grace Efre -Chairman Committee on Ways and Means,SPTA-BOD.


Ngayon hapon, Pebrero 28,2026 ay nagtungo din tayo at naghatid ng tulong pinansyal para sa 28 na kabataan bilang bahagi ...
28/02/2026

Ngayon hapon, Pebrero 28,2026 ay nagtungo din tayo at naghatid ng tulong pinansyal para sa 28 na kabataan bilang bahagi ng ating Batch 1 sa Barangay Rafael Palma.
Maraming salamat kay SK Chairman Ysmael Dela Cruz at sa buong SK Officials sa maayos na koordinasyon.
Ang pondong ito mula sa LGU Diffun at layuning makabawas sa gastusin sa pag-aaral ng ating mga kapwa kabataan. Ito ay simula pa lamang ng ating patuloy na pag-abot sa bawat barangay upang masiguro na ang boses at pangangailangan ng kabataan ay naririnig at natutugunan.

Address

Diffun
3401

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Fed. Mark Angelo Gaudia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share