Sangguniang Barangay Dila, Bay, Laguna 2023-2025

Sangguniang Barangay Dila, Bay, Laguna 2023-2025 Ang pahinang ito ay ginawa para sa mga anunsyo at karagdagang impormasyon ng Barangay Dila, Bay

SETYEMBRE 2, 2026 | MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL – SPECIAL MEETINGDumalo si Kagawad Jay Aguilar, Committee on Finance a...
02/09/2026

SETYEMBRE 2, 2026 | MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL – SPECIAL MEETING

Dumalo si Kagawad Jay Aguilar, Committee on Finance and Health, sa isinagawang Municipal Development Council (MDC) Special Meeting na inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Bay sa pangunguna ni Mayor Michael M. Punzalan.

Sa nasabing pagpupulong ay tinalakay ang mahahalagang usapin at programa para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga barangay at ng ating Bayan kabilang ang:

🔹 2027 Annual Investment Program (AIP)
🔹 Supplemental Budget
🔹 Budget Realignment
🔹 Budget Augmentation
🔹 CSO Hour
🔹 Other Matters

Ang pagdalo ay isinagawa sa atas at patnubay nina Acting Punong Barangay Daniel Rebong at Punong Barangay Fher Camalate.

Patuloy ang Barangay Dila sa pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Bayan ng Bay tungo sa mas maayos na pagpaplano, wastong paggamit ng pondo, at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

SEPTEMBER 1, 2026 Ngayong araw ay pormal na itinurn-over nina Acting Punong Barangay Daniel Rebong at Kagawad Jay Aguila...
01/09/2026

SEPTEMBER 1, 2026

Ngayong araw ay pormal na itinurn-over nina Acting Punong Barangay Daniel Rebong at Kagawad Jay Aguilar, Committee on Health, ang mga bagong kagamitan at medical supplies para sa ating Barangay Health Workers (BHWs) na gagamitin sa ating Barangay Health Center. Sa Patnubay ni Punong Barangay Fher Camalate

Ang mga nasabing kagamitan at supplies ay mula sa Pamahalaang Bayan ng Bay, sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Michael M. Punzalan, at sa Aboitiz, bilang katuwang sa pagsusulong ng mas maayos at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay.

Malaking tulong ang mga kagamitang ito upang higit nating mapalakas ang ating Barangay Health Center at maibigay ang serbisyong pangkalusugan na mas mabilis, maayos at abot-kamay para sa bawat kabarangay.

Maraming salamat po sa Pamahalaang Bayan ng Bay, Mayor Michael M. Punzalan, Aboitiz, at sa lahat ng ating mga katuwang sa patuloy na pagsuporta sa ating Barangay Health Services. ❤️🩺

Serbisyong Pangkalusugan, Para sa Lahat!

27/08/2026
AUGUST 24  2026💉 LIGTAS TIGDAS 2026MEASLES–RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITYMatagumpay na naisagawa ngayong ara...
24/08/2026

AUGUST 24 2026

💉 LIGTAS TIGDAS 2026
MEASLES–RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Ligtas Tigdas 2026 sa Barangay Health Center Brgy Dila Bay Laguna .

Sa pangunguna ni Acting Punong Barangay Daniel Rebong at ni Kagawad Jay Aguilar – Committee on Health, katuwang ang ating Barangay Midwife Gng. Maria Linda Consebido, mga BHWs, at DOH Team.

Sa Patnubay ni Punong Barangay Fher Camalate .

👶 PARA SA MGA BATANG HINDI PA NABABAKUNAHAN:

📅 August 25 2026

📍 Barangay Health Center

⏰ ito ay magsisimula ng 9:00 ng umaga

Hinihikayat po ang lahat ng magulang at tagapag-alaga ng mga batang 6–59 buwan na dalhin ang kanilang mga anak upang mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Rubella.

💉 LIBRE ANG PAGBABAKUNA!

Makiisa at magpabakuna para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga anak. ❤️

AGOSTO 24, 2026PAGTURN-OVER SA BATANG MAY KAPANSANAN SA MGA KAWANI NG BARANGAY ANOS, LOS BAÑOS, LAGUNAIsinagawa ang maay...
24/08/2026

AGOSTO 24, 2026

PAGTURN-OVER SA BATANG MAY KAPANSANAN SA MGA KAWANI NG BARANGAY ANOS, LOS BAÑOS, LAGUNA

Isinagawa ang maayos at ligtas na pag-turn over sa isang batang may kapansanan sa mga kawani ng Barangay Anos, Los Baños, Laguna upang mabigyan ng kaukulang pag-aaruga, proteksyon at tulong.

Ang pag-turn over ay isinagawa ni Kagawad Jay Aguilar – Duty Officer, katuwang si VAWC Desk Officer Violy Torres, sa patnubay ni Acting Punong Barangay Daniel Rebong.

Layunin ng agarang pagtugon na matiyak ang kaligtasan, kapakanan at karapatan ng bata, at maipagkaloob siya sa mga kinauukulang awtoridad para sa nararapat na pag-aasikaso.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng maayos na pagresponde at sa patuloy na pagtutulungan ng mga Barangay para sa kapakanan ng ating mga kabataan. 🤝💙

Kaligtasan at Kapakanan ng Bata, Laging Prayoridad!

AGOSTO 24, 2026🚧 PAGTUGON SA NATANGGAL NA ROAD PLATENATIONAL HIGHWAY – BOUNDARY NG BRGY. SAN AGUSTIN AT BRGY. DILA, BAY,...
24/08/2026

AGOSTO 24, 2026

🚧 PAGTUGON SA NATANGGAL NA ROAD PLATE

NATIONAL HIGHWAY – BOUNDARY NG BRGY. SAN AGUSTIN AT BRGY. DILA, BAY, LAGUNA

Agad na tinungo nina Kagawad Fernan Canayon, ng Komite ng Pagawain, at Acting Punong Barangay Daniel Rebong ang bahagi ng National Highway sa boundary ng Brgy. San Agustin at Brgy. Dila matapos maipagbigay-alam ang natanggal na road plate.

Agad din itong ipinaalam sa Engineer ng DPWH upang mapuntahan at maaksyunan sa lalong madaling panahon at maisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

Mahalagang maagapan ang ganitong sitwasyon upang maiwasan ang posibleng aksidente at panganib sa mga motorista at iba pang dumaraan sa nasabing lugar.

Patuloy ang ating Barangay Dila sa maagap na pagtugon sa mga problemang maaaring makaapekto sa kaligtasan ng ating mga kabarangay.

Kaligtasan ng Mamamayan, Laging Prayoridad! 🚧🛣️

AGOSTO 24, 2026📚 4P’s LECTURE MEETINGBARANGAY DILA, BAY, LAGUNANagsagawa ng Lecture Meeting para sa mga kasapi ng Pantaw...
24/08/2026

AGOSTO 24, 2026

📚 4P’s LECTURE MEETING

BARANGAY DILA, BAY, LAGUNA

Nagsagawa ng Lecture Meeting para sa mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa ating barangay, na dinaluhan ng mga miyembro ng 4P’s.

Pinangunahan ito ng mga kawani mula sa DSWD, katuwang si Kagawad Berting Alganion, ng Komite ng Social Services, sa patnubay ni Acting Punong Barangay Daniel Rebong.

Layunin ng pagpupulong na maibahagi sa ating mga benepisyaryo ang mahahalagang impormasyon, paalala, at kaalaman tungkol sa kanilang mga responsibilidad, karapatan, at mga programang maaaring makatulong sa kanilang mga pamilya.

Maraming salamat sa DSWD, 4P’s members, at sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang pagpupulong na ito.

Nakikiisa ang Barangay Dila sa Civic Parade para sa pagdiriwang ng Fiesta Bayena, isang programa ng Lokal na Pamahalaan ...
24/08/2026

Nakikiisa ang Barangay Dila sa Civic Parade para sa pagdiriwang ng Fiesta Bayena, isang programa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay.

Kasama sina Acting Punong Barangay Kgg. Daniel A. Rebong, mga Kagawad, Kgg. Rommel C. Castillo, Kgg. Bertinito H. Alganion, Kgg. Frankie P. Castalone Sr. , at Kgg. Fernando R. Canayon, kasama rin ang ating mga Barangay Tanod at Barangay Workers.

Mabuhay ang Bayan ng Bay! Mabuhay ang Barangay Dila! 🎊

AUGUST 22, 2026🧹 WEEKLY CLEAN UP DRIVEPUROK 3, BRGY. DILA, BAY, LAGUNAPatuloy ang ating Weekly Clean Up Drive bilang bah...
22/08/2026

AUGUST 22, 2026

🧹 WEEKLY CLEAN UP DRIVE

PUROK 3, BRGY. DILA, BAY, LAGUNA

Patuloy ang ating Weekly Clean Up Drive bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa isang malinis, maayos at ligtas na Barangay Dila.

Sa pangunguna ni Acting Punong Barangay Daniel Rebong at ni Kagawad Frankie Castalone Sr., ng Komite ng Environment, katuwang ang ating mga BPSO, VAWC Desk Officer, at Kuya Islaw Talatala, matagumpay na isinagawa ang paglilinis sa Purok 3.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa ating komunidad. Patuloy nating panatilihin ang kalinisan at pangalagaan ang ating kapaligiran. 🌿💚

Malinis na Barangay, Sama-samang Pananagutan!

Address

Barangay
Dila
4033

Telephone

+639634675878

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Dila, Bay, Laguna 2023-2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay Dila, Bay, Laguna 2023-2025:

Shortcuts

Share