Councilor Sheng Druz Ali

Councilor Sheng Druz Ali Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Councilor Sheng Druz Ali, Government Official, Municipality Of Datu Odin Sinsuat Province of Maguindanao del Norte, Dinaig.

πŸ“°   | Pormal na Inilunsad ang Project BABA: Bridging Access to Basic Assistance sa Datu Odin Sinsuat Datu Odin Sinsuat, ...
16/10/2025

πŸ“° | Pormal na Inilunsad ang Project BABA: Bridging Access to Basic Assistance sa Datu Odin Sinsuat

Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte β€” Isang makabuluhang araw para sa mga mamamayan ng Datu Odin Sinsuat ang paglulunsad ngayong araw Oktubre 16, 2025 ng Project BABA: Bridging Access to Basic Assistance, na ginanap sa Don Antonio Martinez Sr. Elementary School, Barangay Badak.

Bilang miyembro ng Sangguniang Bayan, buong pusong ipinahayag ni Konsehal Sheng Druz-Ali ang kanyang suporta sa nasabing proyekto na pangunahing inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Mayor Abdulmain β€œBaba” Abas Sr. Alhadj.

Ayon kay Konsehal Druz-Ali, ang Project BABA ay malinaw na patunay ng malasakit ng lokal na pamahalaan sa mamamayan, partikular sa mga nasa laylayan ng lipunan. Aniya, β€œAng proyekto ay konkretong hakbang tungo sa mas inklusibo, tapat, at epektibong serbisyo publiko, isang modelo ng pamahalaang tunay na lumalapit sa tao.”

Ang programa ay naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga barangay, gaya ng:
🩺 Libreng Medikal Check-up at Gamot
πŸ†” Libreng ID para sa Senior Citizen, PWD, at Solo Parent
πŸ’‡β€β™‚οΈ Libreng Gupit
πŸ“‘ Rehistrasyon ng Birth Certificate
πŸ’Ό Konsultasyon at Aplikasyon para sa mga Negosyante
🌾 Libreng Binhi ng Gulay
πŸ“ Livestock Livelihood Assistance
πŸ“¦ Negosyo Package at Family Food Packs
πŸŽ’ School Supplies at Feeding Program para sa mga mag-aaral.

Higit 200 pamilya at mga mag-aaral mula sa Barangay Badak ang direktang nakinabang sa unang yugto ng proyekto.
Dagdag pa ni Konsehal Druz-Ali, ang Project BABA ay hindi lamang programa ng pamahalaan, kundi isang simbolo ng pagkakaisa at malasakit sa bawat pamilyang Bangsamoro. β€œBawat serbisyo na hatid ng proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan ng liderato, ng mga ahensya, at ng mismong komunidad,” aniya.

Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Vice Mayor Hon. Bobsteel Sinsuat, Konsehal Hon. Sophia Abas, Punong Barangay Datu Dodie Rojas Sinsuat, at Barangay Kagawad Lubaida P. Candao, kasama ang mga katuwang na ahensya tulad ng IPHO-Maguindanao, Rural Health Unit ng DOS, 35th MC MBLT-5 sa pamumuno ni Maj. Victor D. Donque, PN(M), at mga Municipal Offices ng MAFAR at MSSD-DOS.

β€œAng Project BABA ay simula ng isang mas sistematikong paraan ng paghahatid-serbisyo isang pangako na sa bawat barangay ng Datu Odin Sinsuat, mararamdaman ang tunay na malasakit ng pamahalaan,” pagtatapos ni Konsehal Sheng Druz-Ali.










- Admin

IKA - 8 REGULAR NA SESYON NG IKA - 26 SANGGUNIANG BAYAN NG DATU ODIN SINSUATOktubre 15, 2025 | MiyerkulesIsinagawa ng Sa...
16/10/2025

IKA - 8 REGULAR NA SESYON NG IKA - 26 SANGGUNIANG BAYAN NG DATU ODIN SINSUAT
Oktubre 15, 2025 | Miyerkules

Isinagawa ng Sangguniang Bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang Ika-8 Regular na Sesyon nito noong Oktubre 15, 2025 sa pangunguna ni Vice-Mayor Bobsteel I. Sinsuat bilang Tagapangulo ng sesyon.

Layunin ng sesyon na pagtibayin at talakayin ang mahahalagang hakbang at panukala para sa mas epektibong pamahalaang lokal at mas bukas na partisipasyon ng mamamayan.

Kabilang sa mga pangunahing napagdesisyunan ay ang sumusunod:

πŸ“Œ Pagpapatibay sa Plantilla ng mga Kawani para sa Taunang Kalendaryo 2025
πŸ“Œ Pagpapatibay sa mga Rekomendasyon ng mga Komite
πŸ“Œ Pag-apruba sa Akreditasyon ng Labinlimang (15) Civil Society Organizations (CSOs) na ipinresenta sa Ulat ng Komite ni Councilor Sheng Druz Ali, na siya ring may-akda ng mga resolusyong nagbigay daan sa akreditasyon ng mga nasabing organisasyon

Binigyang-diin ni Councilor Sheng Druz Ali sa kanyang ulat ang kahalagahan ng mga akreditadong CSO sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mamamayan at sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa mabuting pamamahala.
Sa pamamagitan ng sesyong ito, muling pinagtibay ng Sangguniang Bayan ang kanilang layunin na isulong ang transparency, accountability, at kooperatibong pamamahala tungo sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Address

Municipality Of Datu Odin Sinsuat Province Of Maguindanao Del Norte
Dinaig
9601

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Sheng Druz Ali posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share