Umahon para sa Repormang Agraryo

Umahon para sa Repormang Agraryo UMAHON is a network of different sector advocating the welfare of the rural poor and for genuine land reform.

Address

San Ramon
Dinalupihan

Telephone

+639161054430

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Umahon para sa Repormang Agraryo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Umahon para sa Repormang Agraryo:

Share

#UmahonAnakpawis: Suportahan ang mga Magsasaka’t Maralita sa Kanayunan

Ang UMAHON Para sa Tunay na Repormang Agraryo, ay isang alyansa ng mga magsasaka, mga mangingisda, mga minorya at iba pang maralita sa kanayunan na tumitindig laban ng pagapapalayas sa kanilang mga lupa at pagyurak sa kanilang mga kabuhayan. Isang alyansang sinusuportahan at may mahigpit na ugnayan sa mga taong simbahan, at iba pang sektor na tumitindig para sa kanilang mga batayang karapatan.

Nakasalalay sa pagkakaisa ng mga magsasaka at iba pang sektor ang pagkakamit ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ang pagpapatupad ng programa para sa tunay na repormang agraryo ang sigaw ng mga magsasakang pinagkaitan ng karapatan sa lupa. Kaakibat ang makabansang industriyalisasyon na nakatuon sa pangangilangan ng lokal na ekonomiya at para sa modernisasyon ng agrikultura, hindi produksyong nakatuon sa pag-export ng mga kalakal para sa mga dayuhang kapitalista.