25/03/2025
Matagumpay na isinagawa ngayong araw, March 25, 2025, sa Training Hall, Dingalan Agri-business Incubation Hub ang isang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa MAO, MABE, MAFC, MFARMC at mga representantives ng mga iba't-ibang mga banner programs sa agrikultura tulad ng Rice, Corn, HVCC, Banana, Cacao, Coconut, Organic, Livestock, at Fisheries.
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga kasalukuyang pangangailangan na makinarya at mga pangunahing kakulangan o gap upang mapataas ang antas ng mekanisasyon sa bayan ng Dingalan. Ang mga participants ay nagpalitan din ng mga kaalaman at datos sa pamamagitan ng focus-group discussion.
Pinangunahan ng nasabing pagpupulong ni Provincial ABE, Engr. Amante Lagunay, Jr. at kanyang mga kasamahan mula sa Provincial Agricultural and Biosystems Engineering Division(PAPED) katuwang din si Municipal Agriculturist, Engr. Jairies Fae Batas at ang Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office sa pangunguna ni Engr. John Mark Orlasan.
Ang mga ideya ibinahagi sa pagpupulong ay makakatulong sa mga susunod na hakbangin ng pamahalaan para sa mas produktibo at modernong agrikultura sa ating lugar.
🌾🌽🐟🐃🖊🛥🚜🚜