02/09/2026
TINGNAN: Agad na tinugunan ng MTPB ang reklamo na natanggap, bumuo ng grupo na kinabibilangan ng Tri-wheels Management Unit (TMU), Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) and Department of Environment and Public Services (DEPS). Pinuntirya ng grupo ang Mel Lopez Blvd. corner 11th St.
Kasama sa ginawang clearing operations ang verifications ng driver's license, OR/CR, Tri-wheels Permit at Fare Matrix. Hinatak ang mga Tri-wheels na kulang sa dokumento at dinala sa Central impounding ng MTPB.
Makiisa sa disiplina sa kalsada para masigurong ligtas, maayos at mabilis ang paglalakbay ng bawat-isa.