23/07/2026
PADAGOS: A Learning Engagement for Not Attending School Children and Youth 📚✨
Naniniwala tayo na every child and youth deserves the opportunity to learn, grow, and pursue their dreams.
Isinagawa ng DSWD – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Municipal Links ang PADAGOS: A Learning Engagement for Not Attending School Children and Youth sa Barangay Harrison, Garchitorena, Camarines Sur, sa pakikipagtulungan ng Alternative Learning System (ALS).
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Learning Management Team (LMT) sa ilalim ng Municipal Operations Office (MOO) of Garchitorena, na naglalayong muling mahikayat ang mga Not Attending School Children and Youth (NAS) na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at muling makibahagi sa mga learning opportunities.
Sa isinagawang aktibidad, nagkaroon ng apat (4) na learning sessions para sa mga bata at kabataan, na nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kamalayan, pagpapalakas ng kanilang tiwala sa sarili, at pag-unawa sa kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.
Kasabay nito, isinagawa rin ang session para sa mga magulang o guardian upang talakayin ang kanilang mahalagang papel sa pagsuporta sa edukasyon ng kanilang mga anak at sa paggabay sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Sa pamamagitan ng PADAGOS, patuloy na pinagtitibay ng DSWD Pantawid Pamilya Pilipino Program, Department of Education at Alternative Learning System ang kanilang commitment na walang kabataan ang maiiwan sa pag-abot ng mas magandang kinabukasan.
Padagos lang sa pagkatuto. Padagos lang sa pangarap. 💙📚