Barangay Gavino Maderan

Barangay Gavino Maderan The official page of Barangay Gavino Maderan GMA, Cavite

PASASALAMAT MULA SA ATING AMA AT PUNONG BARANGAY KAP BEBOT ISO ๐Ÿฉต๐Ÿฉต๐ŸฉตValentin Iso 71 taon naโ€”at ang una kong pasasalamat ay...
12/08/2026

PASASALAMAT MULA SA ATING AMA AT PUNONG BARANGAY KAP BEBOT ISO ๐Ÿฉต๐Ÿฉต๐Ÿฉต

Valentin Iso
71 taon naโ€”at ang una kong pasasalamat ay sa Panginoon, na patuloy na nagbibigay ng lakas, mabuting kalusugan, karunungan, at gabay sa araw-araw. Maraming pinagdaanan, masasayang alaala, at pagsubokโ€”ngunit sa lahat ng ito, masasabi ko lang: napakabuti talaga ng Panginoon.

Sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking kaarawanโ€”maraming, maraming salamat po!

Sa 71 taon, marami na rin akong natutunan sa buhay. Natutunan ko na ang tunay na yaman ay wala sa edad o sa dami ng ating pag-aari, kundi nasa mga taong nagmamahal, nagtitiwala, at nananatili sa ating tabi. Kaya nagpapasalamat ako na hanggang ngayon, napakarami kong taong nakakasama at maaasahan.

At bilang inyong Kapitan, ang paglilingkod sa inyo ay hindi lamang tungkulinโ€”isa itong karangalan at malaking bahagi ng aking buhay. Hanggaโ€™t binibigyan pa ako ng Panginoon ng lakas at kakayahan, patuloy akong makikinig at tutulong.

Patuloy akong magbibigay ng serbisyong mula sa puso para sa inyo.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal, respeto, tiwala, at suporta. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya at makabuluhan ang bawat taon na lumilipas.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Patuloy tayong magkaisa, magtulungan, at maging biyaya sa isaโ€™t isa.


๐ŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAP BEBOT ISO! ๐ŸŽ‚Taos-puso po naming binabati ng Maligayang Kaarawan ang aming minamahal na Ama at...
11/08/2026

๐ŸŽ‰ MALIGAYANG KAARAWAN, KAP BEBOT ISO! ๐ŸŽ‚

Taos-puso po naming binabati ng Maligayang Kaarawan ang aming minamahal na Ama at Punong Barangay ng Barangay Gavino Maderan, Kap. Bebot Iso!

Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, karunungan, lakas at pagpapala upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin bilang isang mabuting ama, lider at lingkod ng ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong sipag, malasakit, dedikasyon at walang sawang paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Madereรฑo. Nawaโ€™y maging puno ng saya, pagmamahal at magagandang biyaya ang inyong espesyal na araw kasama ang inyong pamilya, mga kaibigan at buong pamayanan.

Happy Birthday po, Kap Bebot! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚
Patuloy po kayong maging inspirasyon sa aming lahat.

Mabuhay po kayo at pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal! ๐Ÿ™๐Ÿ’™๐Ÿ’™

โ€” Mula sa buong Barangay Gavino Maderan

๐Ÿ“ข ANUNSYOPARA SA LAHAT NG MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAMPaakibasa ang anunsyo mula sa Local Government Unit- General...
21/07/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO

PARA SA LAHAT NG MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAM

Paakibasa ang anunsyo mula sa Local Government Unit- General Mariano Alvarez para sa buong detalye.

Click the link below para sa list ng mga beneficiary ng Uplift Program.

https://tinygma.com/LGUGMA_UPLIFT

๐Ÿ“ข ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐”๐๐‹๐ˆ๐…๐“ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐„๐๐„๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ÿ“ข

Upang maiwasan ang kalituhan tungkol sa DSWD UPLIFT Program, narito ang ilang mahahalagang paalala:

โœ… Ang listahan ng mga benepisyaryo ay HINDI ginawa ng Lokal na Pamahalaan ng GMA o ng mga barangay. Ito ay ibinigay ng PSA batay sa resulta ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) at isinailalim sa validation at deduplication.

๐Ÿ“Œ Ang mga nasa opisyal na listahan lamang ang maaaring magtungo sa itinakdang venue at iskedyul. I-scan ang QR code o i-click ang link sa comment section upang makita ang kumpletong listahan.
https://tinygma.com/LGUGMA_UPLIFT

๐Ÿ“Œ Hindi kailangang magpalista sa barangay upang mapasama sa UPLIFT Program. Ang barangay ay may tungkulin lamang na ipaalam ang iskedyul, venue, at mga kinakailangang dokumento sa mga benepisyaryong nasa listahan.

Makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na impormasyon at iwasang magbahagi ng hindi beripikadong balita upang maiwasan ang kalituhan.

https://www.facebook.com/share/p/1EWD1S8Fej/?mibextid=wwXIfr
https://www.facebook.com/share/v/1LVRxhMDVz/?mibextid=87OH41

๐Ÿ†Isang Karangalang Hatid ng Barangay Gavino Maderan! ๐Ÿ†Taos-pusong pasasalamat sa pagkilala na iginawad sa Barangay Gavin...
20/07/2026

๐Ÿ†Isang Karangalang Hatid ng Barangay Gavino Maderan! ๐Ÿ†

Taos-pusong pasasalamat sa pagkilala na iginawad sa Barangay Gavino Maderan bilang BADAC at BPOC Awardee. Ang parangal na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng ating Punong Barangay Valentin Iso Jr., Sangguniang Barangay, mga komite, mga katuwang na ahensya, at ng buong mamamayan.

Patunay ang pagkilalang ito ng ating matatag na paninindigan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagpapatupad ng mga programang laban sa ilegal na droga para sa kapakanan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng bawat isa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod para sa isang mas ligtas at mas maunlad na Barangay Gavino Maderan.

Mabuhay ang Barangay Gavino Maderan! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿšจ MISSING PERSON ALERT ๐ŸšจNAWAWALA / MISSINGPangalan: ROMEO SALVADOREdad: 17 Taong GulangKalagayan: Person with Disability...
17/07/2026

๐Ÿšจ MISSING PERSON ALERT ๐Ÿšจ
NAWAWALA / MISSING

Pangalan: ROMEO SALVADOR
Edad: 17 Taong Gulang
Kalagayan: Person with Disability (PWD)

๐Ÿ“ข Mariin po naming hinihiling ang inyong tulong upang matagpuan si Romeo Salvador para maibalik sa kanyang pamilya.

Kung sino man po ang may impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan o nakakita sa kanya, makipag-ugnayan agad sa:

๐Ÿ“ Marriane Custodio
๐Ÿ“ž (0907-171-6965)

โš ๏ธ Anumang impormasyon ay malaking tulong upang siya ay ligtas na maibalik sa kanyang pamilya.

PAKI-SHARE PO ANG POST NA ITO.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.

PUBLIC ADVISORYIsang insidente ng pagsabog na dulot ng pagtagas ng tangke ng LPG ang naganap sa ating barangay Bloke ng ...
09/07/2026

PUBLIC ADVISORY

Isang insidente ng pagsabog na dulot ng pagtagas ng tangke ng LPG ang naganap sa ating barangay Bloke ng Gamana Site. Agad na tumugon ang Sangguniang Barangay sa Pangunguna ng ating Punong Barangay Valentin Iso at mga kagawad Beth Padilla, kagawad Tita Aquino Pahila at kagawad Nesmer Echevarria sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) โ€“ GMA, Cavite upang makontrol ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng iba pang mga residente.

Tatlong indibidwal na naapektuhan ng insidente ang agarang nabigyan ng kaukulang aksyon at isinugod sa ospital para sa agarang pagpapagamot.

Pinapaalalahanan ang lahat na laging suriin ang kondisyon ng kanilang LPG tank at mga koneksyon bago gamitin. Sa oras na makalanghap ng amoy ng tumatagas na gas, iwasang magsindi ng apoy o magbukas ng anumang de-kuryenteng switch at agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan.

BFP-GMA Hotline: 046-443-9110/0907 178 4300
Cavite Emergency Hotline: 911
Barangay Hotline: 09930029245

Ang kaligtasan ng bawat isa ay ating sama-samang pananagutan. Maging mapagmatyag at laging mag-ingat.


Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pangunguna ni Punong Barangay Valentin Iso sa Department of the Interior and Local...
30/06/2026

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pangunguna ni Punong Barangay Valentin Iso sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkilala at paggawad sa Barangay Gavino Maderan bilang Highly Functional Barangay Peace and Order Committee (BPOC) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ang pagkilalang ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at malasakit ng aming mga opisyal ng barangay, mga katuwang na ahensya, at buong komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagsusulong ng mga programang laban sa ilegal na droga.

Ang parangal na ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming paglilingkod at patuloy na magsagawa ng mga programang makatutulong sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa DILG-GMA sa inyong patuloy na paggabay, suporta, at pagtitiwala. Asahan po ninyo na ang Barangay Gavino Maderan ay mananatiling tapat at masigasig sa pagbibigay ng mahusay at makabuluhang serbisyo publiko.

Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Gavino Maderan!

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃLIBRENG BPI SAVINGS ACCOUNT!๐Ÿ“GAVINO MADERAN BARANGAY HALL๐Ÿ—“๏ธJUNE 19 & 20, 2026โœ…FREE Account Opening โœ…NO Maintaining Bal...
18/06/2026

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃLIBRENG BPI SAVINGS ACCOUNT!
๐Ÿ“GAVINO MADERAN BARANGAY HALL
๐Ÿ—“๏ธJUNE 19 & 20, 2026

โœ…FREE Account Opening
โœ…NO Maintaining Balance
โœ…1 Valid ID lang
โœ…FREE INSURANCE for 1 year ( up to โ‚ฑ70,000)
โœ…May FREE Voucher/EGC kapag nag-deposit sa
TAMBUNTING Pawnshop.

Requirements:
* 18 years old and above
* May mobile phone

Accepted IDs:
* Passport
* Driver's License
* Postal ID
* PRC ID
* UMID / SSS
National ID (kahit temporary)

Open sa lahat kahit hindi taga barangay!


BPl is Regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas.

Deposits are insured by the PDIC up to Php 1,000,000.00 per depositor

Isang matagumpay na 2026 TOP Brgy. Tanod Assessment and Validation ang naganap ngayong araw sa Barangay Gavino Maderan s...
12/06/2026

Isang matagumpay na 2026 TOP Brgy. Tanod Assessment and Validation ang naganap ngayong araw sa Barangay Gavino Maderan sa pangunguna ng ating Punong Barangay Valentin Iso, mga kagawad at masisipag na Barangay Tanod ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ“‹

Patunay na laging handa, alerto, at tapat sa tungkulin ang ating mga katuwang sa kapayapaan at kaligtasan. Sa pagtutulungan ng DILG, PNP, MDRRMO at BFP, mas pinatitibay natin ang kakayahan at kaalaman ng ating mga lokal na tagapagtanggol sa komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa mga ahensyang ito na nagsilbing mga evaluators at katuwang sa paggabay sa ating mga barangay, patuloy na kaligtasan ng bawat mamamayan ang isinasa alang-alang

๐Ÿ’™๐Ÿ™ Ingat po palagi, Madereรฑos



Address

General Mariano Alvarez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Gavino Maderan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share