Cesar L. Bañas Page

Cesar L. Bañas Page City Councilor Cesar "Joban" Bañas
Committee Chairperson on Population Management

19/08/2026

Minsan, inilalagay tayo ng Diyos sa isang posisyon hindi para sa ating sarili, kundi upang maging Kanyang mga kamay at paa para sa mga nangangailangan. 🤍

Ngayong araw, nagpapasalamat ako sa pagkakataong makatulong at makapagbigay kahit kaunting ginhawa at pag-asa sa 16 na pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa sunog noong Lunes.

Sa gitna ng kanilang pinagdadaanan, nawa’y madama nila na hindi sila nag-iisa. Nawa’y patuloy silang palakasin at pagpalain ng Diyos, at gamitin Niya tayo bilang instrumento ng Kanyang pagmamahal at malasakit.

Mapalad tayong pinagpapala upang maging pagpapala sa iba. 🙏❤️

2𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐋𝐞𝐠𝐢𝐬𝐥𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐂𝐋𝐋𝐄𝐏) 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 (𝐏𝐂𝐋)The Sanggu...
01/08/2026

2𝐧𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐋𝐞𝐠𝐢𝐬𝐥𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐂𝐋𝐋𝐄𝐏) 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥𝐨𝐫𝐬 𝐋𝐞𝐚𝐠𝐮𝐞 (𝐏𝐂𝐋)

The Sangguniang Panlungsod City Councilors proudly participated in the 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) of the Philippine Councilors League (PCL), held on July 29–31, 2026 at ICON, Iloilo City.

This gathering serves as a platform to enhance our knowledge, share best practices, and reinforce our commitment to effective and responsive local governance.

Para sa mas maalam, mas handa, at mas serbisyong konseho para sa ating komunidad.

𝑨𝑵𝑶 𝑲𝑨𝒀𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑶𝑵𝑬𝑲𝑺𝑰𝒀𝑶𝑵 𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑳𝑨𝑾𝑨𝑵𝑮 𝑰𝑻𝑶?Napansin ng marami na sa halos magkaparehong panahon ay lumitaw ang mga usapin t...
27/07/2026

𝑨𝑵𝑶 𝑲𝑨𝒀𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑶𝑵𝑬𝑲𝑺𝑰𝒀𝑶𝑵 𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑳𝑨𝑾𝑨𝑵𝑮 𝑰𝑻𝑶?

Napansin ng marami na sa halos magkaparehong panahon ay lumitaw ang mga usapin tungkol sa pagbabago ng pamamahala ng ilang mahahalagang serbisyo—mula sa pampublikong pamilihan patungo sa pribadong pamamahala, at mula sa isang electric cooperative patungo sa isang pribadong utility operator.

Nagkataon lamang ba ang halos sabay na paglitaw ng mga isyung ito? O may mas malawak bang trend o polisiya na nagtutulak sa mas malaking papel ng pribadong sektor sa pamamahala ng mga serbisyong dati ay nasa ilalim ng pamahalaan o kooperatiba?

Ang mga tanong na ito ay mahalagang pag-isipan dahil ang mga desisyong may kinalaman sa mga pangunahing serbisyo ay may direktang epekto sa bawat mamamayan—sa presyo, kalidad ng serbisyo, pananagutan, at pangmatagalang kapakanan ng komunidad.

Ang layunin ng paghahambing na ito ay hindi upang magbigay ng agarang konklusyon, kundi upang hikayatin ang publiko na magsuri, magtanong, at unawain ang iba't ibang pananaw bago bumuo ng sariling opinyon. Sa usaping pampubliko, ang isang mamamayang may sapat na kaalaman ay mas handang makilahok sa makabuluhang diskusyon at paggawa ng desisyon.

#𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬𝐀𝐧𝐠𝐌𝐚𝐲𝐀𝐥𝐚𝐦

𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖-112 𝘼𝙣𝙞𝙗𝙚𝙧𝙨𝙖𝙧𝙮𝙤, 𝙄𝙜𝙡𝙚𝙨𝙞𝙖 𝙉𝙞 𝘾𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤! 🎉🤍Sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo, taos-puso kaming nagpapasala...
27/07/2026

𝙈𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖-112 𝘼𝙣𝙞𝙗𝙚𝙧𝙨𝙖𝙧𝙮𝙤, 𝙄𝙜𝙡𝙚𝙨𝙞𝙖 𝙉𝙞 𝘾𝙧𝙞𝙨𝙩𝙤! 🎉🤍

Sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, paggabay, at mga pagpapala sa Kanyang Iglesia. Nawa'y patuloy Niyang pagpalain at patatagin ang pananampalataya ng bawat kapatid upang manatiling tapat sa paglilingkod at sama-samang maipalaganap ang Kanyang banal na mga salita.

Patuloy tayong magkaisa sa pananampalataya, pagmamahalan, at paglilingkod sa ikaluluwalhati ng Diyos. Tunay na sa Kanya ang lahat ng papuri, pasasalamat, at karangalan.

27/07/2026

"𝙒𝘼𝙇𝘼𝙔 𝘽𝙄𝙎𝘼𝙉 𝙋𝙄𝙎𝙊?" 𝙋𝙀𝙍𝙊 𝙈𝘼𝙔 ₱15 𝙈𝙄𝙇𝙔𝙊𝙉 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙍𝙀𝙇𝙊𝘾𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉? 𝘼𝙉𝙊 𝘽𝘼 𝙏𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼?

Ngayon, ang paliwanag ay 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙧𝙖𝙬 𝙜𝙖𝙜𝙖𝙨𝙩𝙪𝙨𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙂𝙐 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙨𝙩𝙧𝙪𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙡𝙡𝙚𝙣𝙜𝙠𝙚. Ang sasagutin lamang umano ng lungsod ay ang 𝙙𝙚𝙢𝙤𝙡𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙧𝙚𝙡𝙤𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 ng Public Market.

Pero hindi ba't 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙡𝙤𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙙𝙚𝙢𝙤𝙡𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙮 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙧𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙪𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙮𝙚𝙠𝙩𝙤?

Kung may ₱15 𝒎𝒊𝒍𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒐𝒏𝒅𝒐 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑪𝑫𝑹𝑹𝑴 𝑭𝒖𝒏𝒅 na inilaan para sa relokasyon, paano ito naaayon sa pahayag na: "𝑾𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒃𝒊𝒔𝒂𝒏 𝒑𝒊𝒔𝒐 𝒊𝒑𝒂𝒈𝒈𝒂𝒘𝒂𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒚𝒖𝒅𝒂𝒅."

Karapat-dapat lamang na malinaw ang paliwanag upang maiwasan ang kalituhan at mapanatili ang tiwala ng publiko.

HAPPY BIRTHDAY IN HEAVEN, MAMA 🤍To our dearest, Mamang, happy birthday. Even though you’re no longer here, your love nev...
20/07/2026

HAPPY BIRTHDAY IN HEAVEN, MAMA 🤍

To our dearest, Mamang, happy birthday. Even though you’re no longer here, your love never left us. We'll celebrate you today and every day. We miss you endlessly.

17/07/2026

𝙋𝘼𝙂𝘽𝙄𝙎𝙄𝙏𝘼 𝙎𝘼 𝙋𝙐𝙍𝙊𝙆 𝘾𝙍𝙄𝙎𝙊𝙎𝙏𝙊𝙈𝙊, 𝘾𝘼𝙇𝙐𝙈𝙋𝘼𝙉𝙂

Nagpadayon kita sa pagbisita ug pagpaminaw sa mga panginahanglan sa atong mga kaigsuonan sa Purok Crisostomo, Calumpang.

Alang kanato, ang tinuod nga serbisyo publiko nagsugod sa pagpaminaw ug pagduol sa katawhan.

Bilang inyong Konsehal at lingkod bayan, pangunahing tungkulin natin ang bantayan ang kaban ng ating bayan at siguruhing...
11/07/2026

Bilang inyong Konsehal at lingkod bayan, pangunahing tungkulin natin ang bantayan ang kaban ng ating bayan at siguruhing ang bawat sentimo ay nagagamit ng tama.

Sa nakalipas na SP session, kinailangan ko pong tumindig at mag-object sa paglalaan ng pondo ng lokal na pamahalaan para sa demolisyon ng ating merkado publiko. Bakit po tayo umalma?

May malaking hindi pagkakatugma sa sinasabi ng administrasyon at sa nakasulat sa kontrata.

ANG PANGAKO:
Sa isang public pronouncement, sinabi ng ating Mayor na sa pagpasok ng 2.3 Billion na investment mula sa Robinsons, “walang gagastusin ni piso ang ating siyudad.”

ANG KONTRATA:
Ngunit nang suriin natin ang pinirmahang kontrata (under Article 4.3), malinaw na nakasaad na ang City Hall ang may responsibilidad at gagastos sa mga sumusunod:

1️⃣ Ang pag-relocate ng lahat ng vendors papunta sa interim structures "without any cost to the private partner."

2️⃣ Ang demolisyon ng kasalukuyang palengke at ang pag-dispose ng mga debris.

Mga Heneral, hindi tayo pwedeng maging tagapag-sabi lang ng "Oo" sa mga matatamis na salita at pangako kung iba naman ang nakasulat sa papel.

Ganito ba kababaw ang tingin sa bawat Heneral?

Nagsasalita po tayo dahil kung walang magsasalita, walang makikinig at gagawa ng aksyon. Kung walang titindig sa manlulupig, hindi matitigil ang pang-aabuso.

Hindi tayo laruan na kukunin lang kung kinakailangan, at iiwan kung walang silbi. The Generals deserve transparency. The Generals deserve what is best for us.

11/07/2026

“𝐖𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐬𝐚𝐠 𝐩𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐮𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐮𝐝𝐚𝐝.” — 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐨𝐫𝐞𝐥𝐢𝐞 𝐆𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐦𝐨-𝐏𝐚𝐜𝐪𝐮𝐢𝐚𝐨

Inalmahan ko ang paglaan ng pondo para sa demolisyon ng Public Market, lalo na’t malinaw ang naging pahayag ng ating City Mayor na walang kahit isang piso ang ilalabas mula sa kaban ng lungsod.

Ngunit sa nakalipas na Budget Hearing, lumabas na may nakalaan nang pondo ang lokal na pamahalaan para sa nasabing aksyon.

Nasaan ang paninindigan? Nasaan ang pagiging tapat sa ating mga mamamayan?

Ganito na lamang ba kababaw ang pagtingin natin sa bawat Heneral?

The Generals deserve better. They deserve transparency, integrity, and leadership that truly stands by its word.

10/07/2026

Hindi ako tutol sa relokasyon ng mga miyembro, lalo na kung ang pangunahing layunin ay ang kanilang kaligtasan.

Ngunit, sapat ba ang ating naging konsiderasyon sa kaligtasan nila sa kanilang pansamantalang paglilipatan?

Kung aabot ng dalawa hanggang tatlong taon ang ganitong sitwasyon, hindi lamang dapat ang kanilang kabuhayan ang ating pinangangalagaan. Higit sa lahat, dapat nating tiyakin na ang lugar na kanilang lilipatan ay ligtas, lalo na kung sakaling tumama muli ang isang malakas na lindol.

Ang tunay na malasakit ay hindi lamang nasusukat sa agarang aksyon, kundi sa pangmatagalang seguridad ng bawat isa.

Address

General Santos City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cesar L. Bañas Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category