02/05/2026
πππππππππ ππππ ππππ ππππ ππ πππππ, πππππππ ππ ππππππππ ππππππππππππ ππ πππππππππππ
Isang pambihirang tanawin mula sa kalikasan ang nakaagaw sa atensyon ng mga netizen matapos ibahagi ni Rodel Reyes ang larawan ng isang Strongylodon macrobotrys, na mas kilala bilang Tayabak o Blue Jade Vine, isang bihira at kahanga-hangang bulaklak na matatagpuan sa mga kagubatan ng Pilipinas.
Namumukod-tangi ang Tayabak dahil sa kakaiba nitong kulay na bluish-green at hugis na tila kuko, na karaniwang nakabitin sa ilalim ng mga puno sa masukal na kagubatan.
Isa ito sa mga simbolo ng mayamang biodiversity ng bansa, at madalas matagpuan sa mga kagubatan sa Luzon gaya ng Mt. Makiling.
Hindi naman maitago ni Reyes ang kanyang tuwa nang masilayan ang nasabing halaman sa bukid ng Genitligan, Baras.
"Sobrang kauumok na makihiling nin (Strongylodon macrobotrys) Tayabak/Blue Jade Vine sa bukid nin Genitligan."
Ang ganitong pambihirang tagpo ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang mapanatili ang mga natatanging likas na yaman tulad ng Tayabak para sa susunod na henerasyon.
Sa gitna ng patuloy na pag-unlad at modernisasyon ng lalawigan, ang presensya ng ganitong bihirang bulaklak ay nagpapaalala rin sa kagandahan ng ating kapaligiran at sa responsibilidad ng bawat isa na itoβy pangalagaan at protektahan. | via Rosie Nieva
Photo Courtesy: Rodel Reyes