Daloy Isarog

Daloy Isarog Mga Osipon sa Partido asin Kabikolan

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐†๐Œ๐€๐€๐ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‡๐€๐๐Ž๐Ang buhay nina Marina Peรฑa, Maria Pasibe, Restituta Espl...
30/03/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐†๐Œ๐€๐€๐ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐‡๐€๐๐Ž๐
Ang buhay nina Marina Peรฑa, Maria Pasibe, Restituta Esplana-Margarito Caro, at Felicitas Paronda Pentecostes.
Isang pag-alala sa ilang mga matatapang na kababaihang nagbigay pag-asa sa Partido, Camarines Sur, noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang paggunita sa National Womenโ€™s Month.

MARSO, ang buwan para sa pambansang paggunita sa natatanging lakas at puso ng mga kababaihan sa lipunan. Sa mahabang panahon, napailalim sa nakakasulasok na mukha ng diskrimasyon at segregasyon ang mga kababaihan. May mga puntong sila ay pinagkaitan ng karapatan sa ibaโ€™t ibang aspetoโ€”mula sa pagdinig ng kanilang boses hanggang sa pagkilala sa kanilang kakayahan bilang isang tao. Lumipas ang maraming siglo ay unti-unti nilang nakakamit ang liberalisasyon mula sa nakakasiphayong kahapon. Subalit hindi pa rin maipagkakaila na humihinga pa rin sila sa isang mundong kailangan pa rin nilang ipaglaban ang kanilang buong karapatan, kahit kusa naman dapat itong ibigay sa kanila.

๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐‚๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐„๐’ ๐’๐”๐‘, ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐๐€๐๐€๐Š๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‡๐€๐๐Ž๐ (๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐†๐Œ๐€๐€๐๐† ๐๐€๐๐ƒ๐€๐ˆ๐†๐ƒ๐ˆ๐†).

Sa kasulok-sulukan ng ating kasaysayan, hindi lang kalalakihan ang lakas-loob na hinamon ang sistema ng kolonyalismo. May mga kababaihang tumindig din upang gabayan ang bayan sa pagbangon mula sa kamay ng imperyalismong pamumuno. Kabilang dito ang mga nakaligtaang babaeng bayani na sina ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’‚ ๐‘ท๐’†๐’๐’‚, ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’”๐’Š๐’ƒ๐’†, ๐‘น๐’†๐’”๐’•๐’Š๐’•๐’–๐’•๐’‚ ๐‘ฌ๐’”๐’‘๐’๐’‚๐’๐’‚-๐‘ด๐’‚๐’“๐’ˆ๐’‚๐’“๐’Š๐’•๐’ ๐‘ช๐’‚๐’“๐’, at ๐‘ญ๐’†๐’๐’Š๐’„๐’Š๐’•๐’‚๐’” ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’๐’…๐’‚ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’„๐’๐’”๐’•๐’†๐’”.

Sa panahon ng digmaan, limitado na lamang ang bilang ng mga propesyonal sa larangan ng panggagamot. Naapektuhan nito ang mga operasyon ng mga gerilya lalo paโ€™t dugoโ€™t buhay ang balang nakapusta sa bawat engkuwentro. Ang mga sundalong gerilyang Pilipino na nagtamo ng sugat at pasa sa kalagitnaan ng digmaan ay nakaranas ng malasakit mula kay Marina Pena.

Dahil kay Marina, isang babaeng bayani na nagpakita ng katapangan at malasakit, kasama ang iba pa niyang kasamahan, ay tila umusbong ang isang bagong pag-asa. Kabilang sa mga serbisyong ginampanan ni Marina ay ang pagbibigay ng pangunang lunas (first-aid) at karampatang gamot sa mga sugatan at may sakit na gerilya. Hinarap niya ang panganib upang maghatid ng tulong sa mga mandirigmang nasugatan at nanghina habang sila ay nakikipaglaban sa mga Hapon.

HINDI LANG KILALA ANG BARANGAY SAN RAFAEL NG TIGAON, CAMARINES SUR, BILANG ISANG MAGANDANG LUGAR; ITO RIN AY USBUNGAN NG MGA BAYANING MAY PAGSINTA SA BAYAN.
Gaya ni Marina, si Maria Pasibe, na anak ng Barangay San Rafael, bayan ng Tigaon, ay isa rin sa mga maituturing na babaeng may natatanging lakas ng loob at katapangan dahil handa itong magbuwis ng buhay upang magbigay ng lunas (medic) sa mga gerilya mula sa Camp Isarog na pinamumunuan nina Colonel Teofilo Padua at Major Lorenzo Padua.

Katulad ng karamihan, ang giyera ay nagbigay din ng kapaitan sa buhay ni Maria at kaniyang mga babaeng kapatid, lalo na noong natunghayan niya na sila ay pinaghahanap ng mga Hapon. Matapos nilang bumalik sa kanilang tahanan matapos ang liberasyon, natagpuan nila na wala na ang kanilang mga ari-arian.

SA GITNA NG PAGDANAK NG DUGO AY SIYA RING PAGDATING NG BABAENG NAGPAAGOS NG BAGONG LIWANAG SA PUSO NI ALBERTO ENCISO. Sa kasagsagan ng gulong nakakarimarim na dulot ng pandaigdigang digmaan, dumating ang pinilakang liwanag na nagbawas ng pighati sa buhay ng gerilya na si Alberto Enciso, isang gerilya na kasapi rin ng Camp Isarog, na siya ring naging asawa ni Maria.

Sa kabila ng dilim at panganib, ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang paninilbihan bilang manggagamot sa mga sugatang gerilya. Ito ang kaniyang naging sariling laban, isang mahalagang gampanin na malaki ang naging epekto sa pag-atim ng mithiin ng ating mga bayani.
Hindi naging mabuti ang tadhana ni Maria at ng kaniyang mga babaeng kapatid sa kamay ng mga Hapon. Ngunit hindi nagpatinag ang kaniyang diwa sa kaniyang karanasang anino ng dalamhati; pinatunayan niya ang kaniyang tibay na harapin ang alimpuyo ng kaniyang nakaraan. Pinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Naga College Foundation kung saan ay nakamit niya ang kaniyang digri sa kursong edukasyon. Kalaunaโ€™y siya ay naging tanyag na g**o sa bayan ng Goa.

Ipinagpatuloy nila ni Alberto ang kanilang pagmamahalan at sila ay biniyayaan ng mga anak, kabilang ang dating kapitan ng Barangay Belen na si Antonio Enciso, na magtataguyod ng kanilang kuwento.

MULA SA BARANGAY BELEN, GOA, AY ISA PANG MATAPANG NA BABAENG BAYANI NA TILA BITUING NAGLIIWANAG SA LILIM NG KAWALANG PAG-ASA. Sa isang cultural mapping na isinagawa ni Dr. Maria Aurora Caballero, lumitaw ang mga panibagong kuwento ng inspirasyon, kagitingan, at pag-ibig. Kabilang dito ang natatanging pagsasalaysay sa naging buhay ni Restituta Esplana-Margarito Caro, ang babaeng hinandugan ni Adolfo Perfecto Caro, isang gerilya, ng kaniyang makatang dugo at buhay. Kasama ni Marina at Maria,nanilbihan din bilang isang nurse sa Camp Isarog si Restituta. Tinutulungan nila ang mga sugatan upang mailigtas ang mga ito mula sa kung ano pa mang mas delikadong kahihinatnan ng kanilang mga sugatang katawan.

Natagpuan sa pagmamay-ari ng mga anak nila Caro ang isang nebulizer. Ayon sa kanila, ginamit ito sa pagbibigay ng lunas noong panahon ng digmaan. Ang bagay na ito ay hindi lamang isang simpleng piraso ng kasaysayan; ito ay isang bakas ng mas malaking pag-aaklas. Isang tinig sa gitna ng nagsasalpukang ingay. Nagsasabing para maging isang babae ay para maging isang bulag at bingi. Hindi tinitingnan ang mga estereotipong nakatatak sa lupang kanilang tinatapakan. Hindi nagpapasiil sa mga nakakabinging sigaw ng mga pananaw tungkol sa kanila.

WALA MANG DIREKTANG PARTISIPASYON SA LABANAN AT PAGLUNAS, MAYROON DING MGA MAY TAHIMIK NA KONTRIBUSYON. Si Felicitas Paronda Pentecostes ay ang asawa ng gerilyang si Mattias Garcera Valencia. Dahil sa banta ng digmaan, napilitan silang magtago sa Adiangao, San Jose, habang ang haligi na si Mattias ay naiwan upang tumulong sa pakikibaka. Kinailangan niyang lumayo sa piling ng kaniyang minamahal, at tanggapin ang tungkulin ng pagiging amaโ€™t ina upang maprotektahan hindi lang ang kaniyang mga supling, kundi pati na rin ang kaniyang asawa na nagsisikbing espiya sa mga Hapon. Ang responsibilidad sa pagpapanatiling ligtas, busog, at malinis ang kanilang mga anak ay nakapatong sa kanilang mga balikat.

Sa mga panahong ito ay hikapos ang bayan sa suplay ng mga pagkain at iba pang pangangailangan. Kayaโ€™t isang suliranin din sa mga kababaihang nangangalaga sa kanilang pamilya ang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang malayo at tagong lugar. Kailangan nilang maging matatag upang mabigyan pa rin ng masaganang buhay ang kanilang mga anak sa kabila ng takot sa digmaang nagaganap. Bukod sa mga putok ng baril at sigaw sa buhay na tinapos ng amunisiyon, malakas din ang ingay ng tahimik na laban sa kung paano huhubugin ang inosenteng mga mata sa kabila ng kadiliman.

Si Marina na ipinakita ang kaniyang hindi matatawarang serbisyo para sa mga gerilya, bilang tagapaghatid ng lunas, upang malakas nilang maisigaw ang pangalan ng Pilipinas. Hindi bilang isang estadong pagmamay-ari ng ibang lahi, kundi isang bansang may sariling kasarinlan.

Si Maria, na sa kabila ng masalimoot na pagtatago sa puwersa ng mga Hapon kasama ang kaniyang mga kapatid,ay patuloy pa ring naghatid ng pag-asa at boses sa adhikain ng sambayanang Pilipino.

Si Restituta na hindi nagpatinag sa mga itinakdang pananaw ng lipunan para sa mga katulad niyang babae. Sa halip ay ginawa niya itong sandigan upang ikandili sa kaniyang bisig ang kaniyang bayan.

Si Felicitas na ipinakita ang lakas ng isang babae, hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa mga anggulong kadalasang hindi napapansin ng lipunan.

Ang kababaihang ito ay ilan lamang sa mga nagpapatunay na ang lakas ng babae ay matatagpuan sa kaniyang mga desisyon sa buhay. Sa kung paano nito patuloy na pinapanindigan ang mga karapatang nakaukit sa kanilang laman at dugo, at sa paraan ng kanilang paglaban. Silaโ€™y lumitaw sa gitna ng bangungot. Isang pamukaw sa marahas na sistemang nakagapos sa kolonyalismo. Kahit matutulis pa ang mata ng karamihan sa gampanin ng mga kababaihan noong mga panahong ito, hindi nila hinayaang makaapekto ito sa pagpaparamdam ng kanilang patriyotismo.

Mula sa pagsilang ay mayroon nang tila malaking pader na kailangang bagtasin ng mga kababaihan upang makilala sila bilang mga taong may sariling kakayahan at karapatan. Itoโ€™y patuloy nilang aakyatin hanggang sa kanilang pagtanda. Sapagkat ang lipunan ay tila nakagapos sa isang parasitikong nangungurap ng utak ng mga tao, pinaniniwalang walang saysay ang peminismo sa bayan.

Dahil dito, ang buhay ng isang babae ay isang anyo ng paglaban. At ang paglaban para sa kanila ay isang hakbang patungo sa kasarinlan. Sa kanila nabubuo ang kuwento ng hindi masusukat-sukat na pag-asa na nagtatakda ng liwanag para sa mga kasulok-sulukan ng ating kasaysayan at hinaharap. At sa pagsuko ng araw sa takipsilim, sasabihin nito sa atin na ang puwang ng lipunan ay makikita sa buhay ng isang babae.

Batid naming mayroon pang marami pang mga kababaihan ang kumislap sa madilim na yugto ng digmaan ngunit hindi naisulat sa mga papel ng kasaysayan. Marami pa ang nagpakita ng kanilang tapang,ngunit hindi pa ito naitatala. Ang Daloy Isarog ay bukas sa mga naratibo tungkol sa mga kinaligtaang bayani ng ating bayan, partikular na sa Partido, Camarines Sur. Mangyari lang na itoโ€™y ipagbigay-alam sa amin sa pamamagitan ng pag-message sa aming page.

__________
Ang mga impormasyon sa sanaysay na ito ay mula sa pinagsama-samang salaysay ng mga nina Angel Valencia (anak ni Felicitas Pentecostes), Antonio Enciso (anak ni Alberto Enciso at Maria Pasibe), Francia Pena (anak ni Marina Pena), at Edna Caro-Naron (anak ni Adolfo Caro at Restituta Caro).


๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐€๐๐จ๐ฅ๐Ÿ๐จ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐ž๐œ๐ญ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐จ  (1907-1987)Dahil sa taglay na tapang sa pakikipaglaban sa mga Hapo...
10/03/2026

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐  ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐€๐๐จ๐ฅ๐Ÿ๐จ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐ž๐œ๐ญ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐จ (1907-1987)

Dahil sa taglay na tapang sa pakikipaglaban sa mga Hapon noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig ( WW2) at talino nya bilang ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐ญ๐ข๐๐จ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ (ngayon ay Partido State University);

Sapagkat hindi lang siya kilalang edukador, kilala din siya na tagapagtaguyod ng kultura ng pagkamaginoo mula sa Goa, Camarines Sur;

Sa rason na siya ay isang manunulat ng mga talumpati ng ilang kilalang mga politico noon sa Partido;

Dahil sa kanyang akdang Rawit Dawit na naglalarawan sa natatanging katangian, kaugalian at kultura ng isang dalagang Taga-Partido.

Sii Adolfo ay bunga ng bukod tanging pagmamahalan ng kanyang mga magulang na sina Florentino Caro at Simeona Belleza Perfecto-Caro.
Si Floretino P. Caro, ama ni Adolfo, ang nagsulat ng liriko at komposer ng awiting โ€œMirasolโ€ (pangalan ng isang bulaklak). Ang orihinal na awiting ito na ipinagmamalaki ng Goa, ay bunga ng kaniyang pag-irog sa kaniyang sinisintang asawa. Namana ni Adolfo ang talento ng kaniyang ama sa pakikipaglaro sa mga salita.

๐Š๐š๐ญ๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ฅ๐ข๐ก๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐š.
Isa rin sa mga pinakapipitagang ๐›๐ž๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ง๐จ ๐ง๐จ๐จ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ ๐ฆ๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐๐š๐ข๐ ๐๐ข๐  (๐–๐–๐Ÿ) ๐ฌ๐ข ๐Œ๐š๐ฃ๐จ๐ซ ๐€๐๐จ๐ฅ๐Ÿ๐จ ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐ž๐œ๐ญ๐จ ๐‚๐š๐ซ๐จ, ๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ง๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ค (๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ) ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ซ๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ง๐  ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐’-๐Ÿ ๐ง๐  ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ ๐ˆ๐ฌ๐š๐ซ๐จ๐ . Siya ay naging bahagi ng ibaโ€™t ibang mahalagang operasyon noong panahon ng digmaan. Kabilang dito ang misyon patungong Isla ng Panay kung saan kasama niya ang iba pang kasapi ng Camp Isarog na sina Major Teofilo B. Padua, Sgt. Melgarejo, Capt. Lisurigas, at Lt. Manuel Ramirez. Nang matapos ang Pangalawang Digmaan Pandaigdig, lumaya ang bansa sa kamay ng mga Hapon.

Ang tapang ni Adolfo Caro ay hindi natapos sa digmaan... ang kanyang karanasan ang naging pundasyon para palakasin ang kalidad ng edukasyon sa Partido National High School na pansamantalang isinara noong 1941 at muling binuksan pakatapos ng digmaan. Ang gradwasyon ng PHS Batch 1 ay naganap noong 1947.

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ๐ง๐  ๐†๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐ญ๐ข๐๐จ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐๐‡๐’).
Noong 1948, nanilbihan Si Adolfo Caro bilang edukador sa Partido High School, na ngayon ay kilala bilang Partido State University. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa kabataan, naibahagi niya ang kaalaman hindi lang sa kaniyang disiplina, ngunit pati na rin sa kaniyang karanasan bilang isa sa mga naging tagapagtaguyod ng patriotismo ng bansa. Siya ay nagpakita ng pagmamahal sa bayan at sa mga mamayan, kasama siya sa mga grupo ng mga g**ong may dedikasyon upang palakasin ang antas ng edukasyon sa Partido.

Ayon sa kaniyang anak na si Edna Caro Naron, habang naninilbihan bilang g**o ng Partido High School ang kaniyang ama , malimit na dumadalaw sa bahay nila si Jaime Malanyaon. Dagdag pa niya, ang mga ito ay matalik na magkaibigan. Maaaring ang nagpatibay sa magkaibigan ay pareho silng nasa larangan ng edukasyon. Si Mr. Malanyaon ay dating Supervisor ng Ministry of Education, Culture, and Sports (MECS), ngayon ay Department of Education (DepEd).

๐Œ๐š๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง.
Ang pundasyon ng matibay nilang samahan bilang magkaibigan ay ang hilig sa pagsusulat teknikal at malikhain. Si Malanyaon ay may nailathathalang aklat na may pamagat, Partido High School โ€˜ISTORYA KAN KABIKOLANโ€™. Sa aklat na ito mababasa ang buong kwento ng โ€œAng Alamat ng Bundok Isarogโ€ (โ€œThe Legend of Mt. Isarogโ€) at ito rin ang ginamit na batayan sa pagsulat ng disertasyon ni Maria Aurora Gratela-Caballero. Samantalang si Adolfo Caro naman ay may angking talas sa pagsusulat ng teknikal at malikhain na aspeto.

๐€๐ค๐๐š ๐ง๐ข ๐‚๐š๐ซ๐จ
Ang mga akda niya ay ibaโ€™t ibang malikhaing panulat kagaya ng Rawit-Dawit (isang anyo ng tula mula sa rehiyon ng Bicol). May mga akdang rawit-dawit din ang beterano na tungkol sa eleksyon na ginamit ng ilang pulitiko sa pangangampanya: โ€œManga Electorโ€, โ€œDolot sa Electorโ€, at โ€œOh! Electorโ€. Ang kaniyang interes sa pagsusulat ng mga makukulay na akda ay nagsimula noong panahon ni dating Presidente Ramon Magsaysay.

Ilan sa kaniyang mga akda ay tumatalakay sa natatanging ganda ng isang babae, dedikasyon ng isang lalaki para sa kaniyang iniirog, at mga dating kultura. Kabilang sa mga naisulat niya ukol sa kultura ay ang paghahanda ng pagkain para sa mga bisita, pagpapakilala sa magulang ng magiging kabiyak.
Sa lumang papel ng sigarilyo at kalendaryo (taong 1972 at 1978) nabasa ang sulat kamay na rawit dawit ng pag-ibig nina Irog at Isa. Ito ay may higit sa sampung pahina na halos lahat ay may marka ng anay... hindi na buo ang mga linya at taludlod ng mga papel, subalit, kahit tagpi-tagpi , pinutol man ng mga anay ang maiksing diwa na sa ilang mga linya , kaya paring pagdugtungin ang nais ni Adolfo Caro sa mga mababasa ng Rawit-dawit. Ito ay isang naratibo o pasalaysay na kwento ng pagmamahalan, kultura at pagalang ng dalawang tao sa sarili, sa bayan at sa Diyos na may likha.

Bukod sa mga rawit-dawit, si Adolfo Caro rin ay may mga kasabihan, at dyornal o talambuhay ng mga miyembro ng kaniyang pamilya.

๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐†๐จ๐š
Isinulong ni Adofo Caro ang kaniyang serbisyo at pag-ibig sa bayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaniyang kaalaman at kakayahan sa pagsusulat .
Noong si dating Mayor Garing Remo pa ang namumuno sa munisipalidad, si Caro ay itinalagang Barrio Lieutenant at Municipal Secretary. Dito ay ipinamalas niya ang kaniyang natatanging galing sa pamumuno at pagsusulat na nagpabuti sa kalagayan ng mga mamamayan.

Ang buhay at karanasan ni Adolfo Caro ay isang paalala na ang ipinagkaloob na talento sa atin ay maaari nating magamit upang magsilbi sa bayan at tumulong sa ating kapwa. Kagaya ni Caro, na nagpakita ng tapang bilang isang guerilya at pagmamahal sa bayan bilang isang g**o at tagapasilbi sa pamahalaan, tayo ay maaari ring makapagbigay ng magandang impluwensiya sa iba. Si Adolfo Caro ay hindi lamang imahe ng galing at talino, siya rin ay mahalagang bahagi ng kasaysayan dahil sa kaniyang kontribusyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng estado ng kaniyang tinatanging lupang pinagmulan

Ang inyong nabasa tungkol kay Adolfo Caro ay resulta ng pananaliksik gamit ang Cultural Mapping na paraan para sa isang halimbawa ng Personality Heritage sa Bayan ng Goa.

Sinalaysay ni Edna Caro Naron, ( anak ni Adolfo Caro) at ibinahagi ang ilang mga kopya ng larawan at mga sinulat na tula at talumpati ng kanyang ama sa mananaliksik (researcher) na si Maria Aurora Gratela-Caballero tungkol sa may natatanging personalidad na may ginawang kabayanihan Limampung Taon (50) taon na ang makalipas o sa Panahon ng Digmaan dito sa Partido. Si Adolfo Perfecto Caro may makulay na kontribusyon sa Partido Distrito.

Gunitain natin ang mga bayaning nagtaguyod sa ating kasaysayan at kasarinlan!

Daloy Isarog is sending its heartfelt birthday greetings to Ken Clement Cobilla๐ŸฅณHe bagged the championship award from th...
28/02/2026

Daloy Isarog is sending its heartfelt birthday greetings to Ken Clement Cobilla๐Ÿฅณ

He bagged the championship award from the 1st Daloy Isarog Poetry Translation Competition 2024 with the poem โ€œElegiya sa Narraโ€originally written by Dr. Maria Aurora Caballero.

We wish you well on your journey in the creative world and in life. More birthdays to come!

Greetings from Daloy Isarog

Tribute to Lorenzo Padua(40th Death Anniversary)By: MA Gratela-CaballeroWe aim not just to inform, but to encourage loca...
30/01/2026

Tribute to Lorenzo Padua(40th Death Anniversary)
By: MA Gratela-Caballero

We aim not just to inform, but to encourage locals to also exemplify his positive values, most importantly Lorenzo Paduaโ€™s charismatic connection with people to all walks of life.

Today, we reminisce about the life of a hero who valiantly fought against the ruling colonial forces during World War II. He was an unsung Partido hero who played a critical role in the pursuit of independence during the bloody days of the global war. According to Asuan (2016), his death was mourned by thousands of people in Partido, Camarines Sur, and all church bells in Partido rang during his burial.

Forty years ago, beneath a sky thick with warm, humid moisture, the wind blew solemnly strange in the town of Goa, Camarines Sur. The three-term mayor Lorenzo Padua was riding his motorcycle in the streets of Barangay Matacla when he was unexpectedly assassinated, right after passing the Mamboco(Tambuco) bridge, by three unidentified gunmen who were believed to be members of the โ€œSparrow Unitโ€ under the command of the New Peopleโ€™s Army.

According to reports, the mayor was shot with several. 45 caliber bullets that were later recovered from his body. He was brought to the Camarines Regional Hospital, but he unfortunately met his demise two hours later. The old folks believed that Lorenzo had an amulet(anting-anting), due to his former battle encounters where he would escape death effortlessly. During their rescue in the Old Garchitorena Mansion located in Brgy. Salvacion, Tigaon, they successfully rescued the Padua family without any bloodshed. The success of this operation was attributed to his amulet, which they believed served as their protection.

However, on the day of his assassination, some of the locals argued that the divine protection awarded by his amulet had ended.
Their bullets would abruptly hold the last moments of Paduaโ€™s life in a sudden, violent turn of fate. He had no idea that on that very day, the life he dedicated to protecting the people and the land would finally meet its cruel end.

The 30th day of January 1986 turned gloomy as the news spread to the municipality of Goa, which soon extended to the other municipalities of Partido. Even the Agta communities residing in the mountains grieved for the death of a considered community friend. Locals succumbed to heavy grief, shedding tears as they reminisced about the sacrifices that the former guerrilla leader had exemplified to defend their motherland. The road where his blood spilled bore a silent yet enduring crimson toll, carving a significant memory in the history of Partido.

As early as 19 years old, Major Lorenzo Padua had shown his fearless devotion to his homeland, serving as the Executive Officer of the 53rd Infantry Regiment, Camp Isarog, and the head of the Lightning Su***de Troop. His bravery and patriotism inspired many guerillas to also fight for the nation during the colonial rule.

The life of Mayor Padua showed not only a story of defiance and patriotism but also the cultural beliefs of the natives, which resonate with the pre-colonial practices of the Filipinos.

Daloy Isarog posted this in commemoration of Mayor Padua's tragic passing. This will serve as a reminder to the present society of his heroism, patriotism, and passion for cultural significance. We aim not just to inform but to encourage locals to also exemplify his positive values, most importantly his charismatic connection with people from all walks of life.

References:
Asian(2016) โ€œFor Love of Freedomโ€, Pursuit of Freedom From War.

Manila Bulletin Today (1986, January 31). Bicol Mayor Gunned Down
More violence as vote nears - UPI Archives. (1986, January 30). UPI. https://www.upi.com/Archives/1986/01/30/More-violence-as-vote-nears/9350507445200/ #:~:text=Lorenzo%20Padua%2C%20mayor%20of%20the,to%20be%20slain%20since%20Dec.

Silent Gunfire at Balaynan: Echoing Freedom in Partidoโ€™s Unspoken History (MAGCaballero, 2026) I find an oxymoronic war ...
07/01/2026

Silent Gunfire at Balaynan: Echoing Freedom in Partidoโ€™s Unspoken History (MAGCaballero, 2026)

I find an oxymoronic war engagement in this part of Vitaliano Arilโ€™s personal journal: that on January 7, 1943, when Captain Juan Miranda of Camp Tangkong Vaca in Libmanan, Camarines Sur, made a mission to our camp in Balaynan to visit his โ€œcompadreโ€ Teofilo Padua, both aimed for peaceful battle as defenders who fought to secure peace in war.
Captain Miranda visited the camp, expressing gratitude for the participation of the men of Camp Isarog in Partido, led by his son Lt. Lorenzo P. Padua, during the battle in Malansad, Libmanan, on December 10, 1942.
Their solidarity and comradeship were the cause for the Japanese soldiers being forced to a victorious withdrawal after several minutes of exchanged firing, considering that they were outnumbered. During the fight that took place on January 7, 1943, Japanese soldiers from the Tinambac garrison were conducting a raid on the camp.
At the same time, Japanese soldiers from the Goa Garrison were hunting for Mr. Kuriyama and Mrs. Manalo. As a result, both sets of Japanese soldiers assaulted our camp. We were in a defensive position โ€œ, ( Aril) . But it was a defensive victory. I believe the victory was due to their strong defense tactics. The camp did not move but killed the attackers. Captain Kaji of the Tinambac Garrison was killed in action, and many more were injured.
The visit turned into grateful suffering for Captain Juan Miranda of Camp Tangkong Vaca for he was shot in one of his legs, and he was promptly brought to safety for treatment. In war, all Partidoanon campsmen who survived were living sacrifices for freedom, and their scars and bloodshed in the ground are untold in World War II history.

๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—œ๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ. ๐˜ฟ๐™š๐™˜๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง 28, 1941๐™๐™๐™š ๐™ƒ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™ž๐™˜๐™–๐™ก ๐˜พ๐™–๐™ข๐™ฅ ๐™„๐™จ๐™–๐™ง๐™ค๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃThe day to decide, December 28, is important to the p...
28/12/2025

๐—ข๐—ก ๐—ง๐—›๐—œ๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ.
๐˜ฟ๐™š๐™˜๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง 28, 1941
๐™๐™๐™š ๐™ƒ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™ž๐™˜๐™–๐™ก ๐˜พ๐™–๐™ข๐™ฅ ๐™„๐™จ๐™–๐™ง๐™ค๐™œ ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ

The day to decide, December 28, is important to the people of Partido, to the Bicolanos, and to the entire Philippines, because on this very day, December 28, 1941, according to Vitaliano B. Aril, they were were in the Sitio of Olag, Barrio of Lalud, Goa, Camarines Sur, with Councilor Teofilo B. Padua, his young son Lorenzo P. Padua, and a handful of brave companions convened in solemn deliberation on whether to rise in defiance or to bow in silence because Japanese occupation darkened their world, gave fears to the family and ceased their normal and happy daily routine. Thus, leaving them with only one choice: to fight for the national causeโ€”then Camp Isarog Guerrilla in WW2 was structured.
On that day, the ordinary men became guardians of freedom. December 28, 1941, is a significant date in Partido, because their choice teaches us that submission may be easy, but courage is eternal, and because their sacrifice is the foundation upon which our communityโ€™s pride and resilience standโ€”now in the generation of peace.
This historical convention was essential for the lives of every Bicolanos. Not only because it brought together brave hearts, but because each courageous spirit of the conveners crafted a world for the new generation. A place where independence, peace, and tranquility thrives. One of those who continuously recalls and appreciates the efforts done by the guerillas was Mr. Chad Azcarraga, grandson of the late soldier Sergeant Ricardo Torres. Through his dedication to remind the present generation about the sacrifices made by the Partido unsung heroes, our team was able to locate the other descendants of the guerillas.
Without the historical convention, there will be no Mr. Chad who will passionately promote and remember the ardent nationalism of the Camp Isarog warriors.
History is like a puzzle, each piece is an iintricate detail essential to complete the whole picture. Recalling every pieces of history including the Camp Isarog Convention is highly crucial in order fo understand why we have this kind of nation in the present.

We share sympathy with the bereaved family of the former Barangay Captain Antonio Enciso in Barangay Belen. The untimely...
29/10/2025

We share sympathy with the bereaved family of the former Barangay Captain Antonio Enciso in Barangay Belen. The untimely death of โ€œKap,โ€ or Kapitan Ton, is mourned by his friends, family, barangay constituents, and most especially by his brothers and sisters in CAMP ISAROG WORLD WAR II HEROESโ€™ DESCENDANTS FRATERNAL SOCIETY, INC., a group of the sons and daughters of the local heroes named as Camp Isarog Guerrillas who bravely defended the country from the wrath of WW2. One of the objectives of their group is to preserve, perpetuate, and pass on the patriotic legacies to the next generation of descendants of World War II freedom fighters based in Camp Isarog.

Partido State University mourns its loss of a partner in protecting the welfare and safety of students who are in boarding houses in Barangay Belen. Barangay Captain Tony initiated a MOA partnering with PSU, attaining its vision and mission for the students and graduates of the university.

Moreover, โ€œ Kapitanโ€/ โ€œ Tonโ€ was a dedicated public servant and a proud citizen of our nation, as his nationalistic spirit was inherent to his character. He was the offspring of World War 2 veterans involved in the Camp Isarog Guerrilla Movement.

During the interview, he mentioned that his father, Alberto Cornejo Enciso, demonstrated a strong sense of nationalism at the age of 13. Japanese imperial soldiers were cordial towards his father, Alberto, perceiving him as a typical teenager who confidently entered and exited the Japanese garrison in Goa. He indeed played a role in providing intelligence that enhanced the advantages of Camp Isarog. As a medic, Tonโ€™s mother tended to the injured guerrillas in Camp Isarog. Ton mentioned that his parents met and fell in love during their time serving in the camp. Following their liberation, they married and led a typical life filled with children.

Sa mga huling sandali ni Kapitan Ton, nararapat na malaman nating lahat ang pagiging lider ni Tony bilang may maayos na pamamalakad , mabuting halimbawa sa mga tao ang marangal na pagsilbi na nahulma mula sa karanasan ng kanyang mga magulang na may angking dugo ng kabayanihan.

Ang buong Daloy Isarog ay nagdadalamhati sa iyong pagpanaw, subalit nagpapasalamat sa iyong kabaitan na i-kwento sa amin ang kasaysayan ng kabayanihan ng iyong mga magulang. Sila ang tinatawag na mga unsung heroes ng Partido at sa rehiyong Bicol.

May you Rest in Peace๐Ÿ•Š๏ธ

PNVSCA Online TV is hosting a Special Coverage featuring our key partners in volunteerism and disaster resilience.๐Ÿ—“๏ธ Whe...
04/10/2025

PNVSCA Online TV is hosting a Special Coverage featuring our key partners in volunteerism and disaster resilience.

๐Ÿ—“๏ธ When: October 4, 2025, at 10:00 AM
๐Ÿ“บ Where: Streaming LIVE on our page from the DSWD LDRC.

Featuring representatives from Sorsogon State University, West Visayas State University, Capiz State University, Cagayan de Oro City, Province of Aklan, DSWD, and Mr. Alex Czar R. Masiglat from the Philippine Disaster Resilience Foundation.

Catch us online!

Tags:

Sorsogon State University
West Visayas State University
CAPSU Public Information Office
Philippine Disaster Resilience Foundation
Cagayan de Oro City Information Office
Department of Social Welfare and Development - DSWD
National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD

See less

PNVSCA Online TV is hosting a Special Coverage featuring our key partners in volunteerism and disaster resilience.

๐Ÿ—“๏ธ When: October 4, 2025, at 10:00 AM
๐Ÿ“บ Where: Streaming LIVE on our page from the DSWD LDRC.

Featuring representatives from Sorsogon State University, West Visayas State University, Capiz State University, Cagayan de Oro City, Province of Aklan, DSWD, and Mr. Alex Czar R. Masiglat from the Philippine Disaster Resilience Foundation.

Catch us online!

Tags:

Sorsogon State University
West Visayas State University
CAPSU Public Information Office
Philippine Disaster Resilience Foundation
Cagayan de Oro City Information Office
Department of Social Welfare and Development - DSWD
National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD

Bago matapos ang paggunita natin sa Araw ng Kasarinlan, ating basahin ang linyang ito galing sa tula ni Errol Pellejera ...
12/06/2025

Bago matapos ang paggunita natin sa Araw ng Kasarinlan, ating basahin ang linyang ito galing sa tula ni Errol Pellejera na pinamagatang The Warrior in me, 3rd Placer sa ating 2nd Daloy Isarog Poetry Competition.

Ito ay pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng dugo para sa kanilang mga minamahal, kabilang na ang bansang Pilipinas. Ang kanilang pag-ibig sa lupang kinagisnan ay siyang gabay nila upang maging matapang at ipakilala sa mga dayuhan ang mandirigma sa kanilang mga diwa na walang pag-aalinlangang lalaban, matamasa lamang ang kalayaang para sa lahat.


Maligayang araw ng Kasarinlan, Pilipinas ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Kilalanin natin sila Councilor Teofilo Padua at Major Lorenzo Paduaโ€”ang mga ...
12/06/2025

Maligayang araw ng Kasarinlan, Pilipinas ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kilalanin natin sila Councilor Teofilo Padua at Major Lorenzo Paduaโ€”ang mga bayaning galing sa Partido na nakipaglaban upang matamasa ng Kabikulan ang kalayaan sa kamay ng mga Hapon.

[RE-POST]Sa pagselebrar ta kan ika-127 taon kan Independensia, satong girumdumon an mga tawo sa likod kan katalingkasan ...
12/06/2025

[RE-POST]

Sa pagselebrar ta kan ika-127 taon kan Independensia, satong girumdumon an mga tawo sa likod kan katalingkasan kan satong padangat na Partido asin buong Pilipinas.

Daloy Isarog presents:

๐”๐๐’๐”๐๐† ๐‡๐„๐‘๐Ž๐„๐’ ๐Ž๐… ๐–๐Ž๐‘๐‹๐ƒ ๐–๐€๐‘ ๐Ÿ ๐ˆ๐ ๐๐€๐‘๐“๐ˆ๐ƒ๐Ž

Here is the list of the guerilla fighters from Partido, Camarines Sur who valiantly fought against the Japanese colonizers during World War 2. Their bravery serves as a testament for their patriotism and love for society.

Are you related or familiar to any of the people listed? If you do, we'd love to hear from you!


Address

Goa
4422

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daloy Isarog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Daloy Isarog:

Share