09/09/2026
๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐ข ๐๐ง ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฌ๐, ๐ ๐๐ฌ ๐ข๐ช๐ช๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ก๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก
Sa gitna ng patuloy na maritime security concerns sa ibaโt ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Black Sea, Strait of Hormuz, Gulf of Aden, at iba pang high-risk areas, pinalalakas ng DMW-OWWA ang ating assistance channels para sa mga Pilipinong marino at kanilang pamilya.
Kung ikaw ay seafarer na may welfare concern, emergency, concern sa inyong ruta o paglalayag, o nangangailangan ng assistance habang nasa barko o nasa ibang bansa, maaari kang direktang makipag-ugnayan sa OWWA.
Kung kayo naman ay pamilya ng isang marino at nag-aalala sa kanyang kalagayan o nangangailangan ng tulong at impormasyon, maaari rin kayong direktang lumapit sa amin.
๐ข๐ช๐ช๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐๐
๐ OWWA 24/7 Hotline: 1348
Ang OWWA 1348 ay naka-link sa ating 24/7 Operations Center, kung saan may mga call center agents na naka-duty araw at gabi, pitong araw sa isang linggo, upang tumanggap, mag-record, mag-refer, at mag-follow up ng concerns ng ating mga OFW at kanilang pamilya.
๐ฑ ๐ฉ๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ & ๐ช๐ต๐ฎ๐๐๐๐ฝ๐ฝ:
+63 927 824 5975
๐ง ๐๐บ๐ฎ๐ถ๐น:
[email protected]
Para mas mabilis naming ma-coordinate ang inyong concern, ihanda kung available ang pangalan ng marino, pangalan ng barko, kasalukuyang lokasyon, manning agency, at maikling detalye ng concern.
Huwag mag-post sa public comments ng passport, Seafarerโs Record Book, kontrata, contact details, o iba pang sensitibong personal information.
Kung ang concern ay may kinalaman sa right to refuse sailing, deployment, maritime safety, o compliance ng employer, principal, o manning agency, agad itong iko-coordinate ng OWWA sa Department of Migrant Workers at sa kaukulang tanggapan para sa nararapat na aksyon.
Hindi kailangang hintaying lumala ang sitwasyon bago humingi ng tulong.
Marino man na nasa laot o pamilyang naghihintay sa Pilipinas, narito ang OWWA upang makinig, umalalay, at tumugon.
Alagang OWWA, Serbisyong may PUSO.