02/03/2026
🌾 FLOAT PARADE COMPETITION 2026 | Agribida sa Fiesta 🌾
Marso 1, 2026
Sa pagdiriwang ng ika-161 na Anibersaryo ng Bayan ng Guimba at Ragragsak Ti Guimba Festival, masayang itinampok ng 20 float participants ang kanilang mga Float na may temang:
“AGRIBIDA SA FIESTA:
GUIMBA’S HARVEST OF INNOVATION
AND TRADITION.”
Kung saan nagpakitang gilas ang iba’t ibang mga Barangay at Kooperatiba. Kasama ring lumahok ang ating mga Guimba Scout Youth Forces, Bidang Guest Floats, at ang mga nanalo sa Binibini at Ginoong Guimba.
Pagkatapos ng parade ay diretsong ginanap ang Awarding Ceremony, na siyang pinangunahan ng Municipal Agriculture Office at ni Mayor Jesulito Galapon.
Ang mga nagwagi:
🥇 Best Float – Barangay Pacac (₱50,000)
🥈 1st Runner-Up – CENTER Cooperative (₱40,000)
🥉 2nd Runner-Up – Barangay San Bernardino (₱30,000)
Ang 17 Barangays naman ay nakatanggap ng Consolation Prize na 10,000 pesos (Barangays: Nagpandayan,San Agustin,Balbalino,Manacsac,Cawayan Bugtong,Camiing,Maybubon Farmers Agri. Coop,Cabaruan,Manggang Marikit, Maybubon, Tampac I at Catimon,Lennec,Bagong Barrio,Cavite at Guimba Seed Growers Agri Coop, Macatcatuit,Yuson,Ayos Lomboy)
Muli kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong upang maisaayos ang ating Float Parade Competition: Float Parade Assistants,MAO and ABE Staff, mga Judges, Brgy. Bacayao, Bantug, San Roque, Cavite, Pasong Inchic, Ma’am Rhea Santos, Sir Tony Asuncion, BPLO, MDRRMO, MPDO-TMFRS, BFP, PNP, Brgy. Tanods, at ang lahat ng nakilahok sa ating Float Parade Activity.
🌾 Mabuhay ang Guimba!