Boyito M. Dizon

Boyito M. Dizon 𝘚𝘦𝘳𝘣π˜ͺ𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 π˜”π˜ˆπ˜’π˜ˆπ˜›π˜ˆπ˜–, 𝘩π˜ͺ𝘯π˜₯π˜ͺ π˜—π˜ˆπ˜’π˜π˜›π˜ˆπ˜•π˜Ž π˜›π˜ˆπ˜–. Bayan at Mamayang may Disiplina.
(3)

GUIMBA, MARAMING SALAMAT!Hindi man tayo pinalad sa halalan, mapalad pa din ako sa mga taong tumindig, sumuporta at patul...
12/05/2025

GUIMBA, MARAMING SALAMAT!

Hindi man tayo pinalad sa halalan, mapalad pa din ako sa mga taong tumindig, sumuporta at patuloy na nagpapakita ng pagmamahal sa akin at sa Team Guimba Kong Mahal. There is a reason for everything. Malungkot man ang pagtatapos ng araw na ito, mananatili ang aking pananalig na mayroong magandang plano ang Diyos para sa atin.

Mga Ka-Guimbanians, tandaan ninyo ito: hindi dito magtatapos ang ating laban.

Hindi kailanman matatalo ang taos-pusong pagmamahal sa bayan. Hindi kailanman matatalo ang serbisyo na galing sa puso. Natalo man tayo ngayong gabi, pero hindi kailanman matatalo ang β€œBayan at Mamamayang May Disiplina.”

Maraming salamat sa bawat isang tumulong, sa bawat kamay na umalalay at gumabay, sa bawat yakap, sa bawat pusong nagtiwala, sa bawat volunteer na hindi sumuko, at sa bawat Ka-Guimbanians na tunay na nagmahal sa Team Guimba Kong Mahal. Kayo ang lakas ko. Kayo ang dahilan kung bakit ako patuloy na maglilingkod β€” sa anumang paraan, sa anumang pagkakataon.

Mahal ko ang Guimba. At ang pagmamahal kong ito ay hindi nakabase sa posisyon o titulo β€” ito ay nakatanim sa puso ko, habang ako’y nabubuhay.

Patuloy tayong magmamahalan. Patuloy tayong magtutulungan. Patuloy tayong maglilingkod. Hindi para sa akin β€” kundi para sa Guimba Kong Mahal.

Hanggang sa muli nating pagkikita, mga Ka-Guimbanians. Sa lungkot man o saya, kayo ang aking inspirasyon.

Mahal na mahal ko kayo. Walang hanggan.

β€” Boyito M. Dizon

Maligayang Araw ng mga Ina!πŸ’πŸ’šπŸ˜‡Mula sa puso kong puno ng pasasalamat, isang espesyal na pagbati para sa dalawang mahalaga...
11/05/2025

Maligayang Araw ng mga Ina!πŸ’πŸ’šπŸ˜‡

Mula sa puso kong puno ng pasasalamat, isang espesyal na pagbati para sa dalawang mahalagang babae sa buhay ko β€” sa aking butihing ina na unang nagturo sa akin ng tunay na kahulugan ng pag-aaruga, at sa aking minamahal na asawa na patuloy na nagbibigay ng pagmamahal at gabay sa aming pamilya.

At siyempre, sa lahat ng dakilang ina dito sa ating mahal na Guimba β€” mga ilaw ng tahanan, haligi ng lakas, at huwaran ng pag-ibig β€” isang taos-pusong Happy Mother’s Day po sa inyong lahat!



Sa bawat kalsadang ating tinatahak, sa bawat pamilyang nangangarap ng mas maayos na bukas β€” nandiyan si Mayor Boyito. Al...
09/05/2025

Sa bawat kalsadang ating tinatahak, sa bawat pamilyang nangangarap ng mas maayos na bukas β€” nandiyan si Mayor Boyito. Alay niya ang serbisyong may puso para sa mga Ka- Guimbanians!

Ngayong Mayo 12, hawak po natin ang kapangyarihang pumili ng tama. Piliin natin ang lider na hindi lang nangangako, kundi kumikilos para sa pagbabago.

TANDAAN: #1 DIZON, BOYITO (SIGAW) sa balota!

Para sa bayan at mamayang may disiplina,
para sa Guimba Kong Mahal. πŸ’š




Ka-Guimbanians, magandang buhay!Sa darating na halalan ngayong Mayo 12, huwag sayangin ang mahalagang boto.πŸ’šPumili ng mg...
07/05/2025

Ka-Guimbanians, magandang buhay!
Sa darating na halalan ngayong Mayo 12, huwag sayangin ang mahalagang boto.πŸ’š

Pumili ng mga lider na subok na sa tapat na serbisyoβ€”hindi lang tuwing eleksyon, kundi sa araw-araw na buhay. Suportahan ang partylist na anim na taon nang patuloy na nagbibigay ng tulong sa larangan ng edukasyon, kalusugan, at kabuhayanβ€”serbisyong tunay na galing sa puso.

Ibalik sa Kongreso ang 132 GP (Galing sa Puso) Partylistβ€”ang partylist ng bawat Novo Ecijano!

Ishade sa likod ng balota ang number 132.
GP Partylistβ€”Serbisyong Galing sa Puso!πŸ’š



IPANALO NA NAT1N 'TO!πŸ’šSa kabila ng mga balakid, mas lalo tayong tumitibay. Ang tunay na pagbabago ay hindi ipinagkakaloo...
06/05/2025

IPANALO NA NAT1N 'TO!πŸ’š

Sa kabila ng mga balakid, mas lalo tayong tumitibay. Ang tunay na pagbabago ay hindi ipinagkakaloob, kundi ipinaglalaban.

Sa Team Guimba Kong Mahal, hindi lang pangalan ang bitbit naminβ€”bitbit namin ang pangarap ng bawat Ka-Guimbanian para sa isang mas disiplinado, mas maayos, at mas makataong pamahalaan.

βœ… Serbisyong may malasakit
βœ… Pamumunong tapat
βœ… Disiplinang totoo

Hindi pa tapos ang laban. Ipanalo na’tin ’to!πŸ˜‡




Ngayong araw, inaalala ko ang isang taong hindi lang naging ama sa akin, kundi naging ama rin ng bayanβ€”si Mayor Boyong B...
03/05/2025

Ngayong araw, inaalala ko ang isang taong hindi lang naging ama sa akin, kundi naging ama rin ng bayanβ€”si Mayor Boyong Boyong.

Dalawang taon na ang lumipas mula nang ikaw ay namaalam, ngunit ang iyong alaala, mga aral, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nabubuhay sa bawat sulok ng Guimba. Hindi madali ang bawat araw na wala ka, ’Pa. Pero sa tuwing naiisip ko ang tibay ng iyong puso at ang sinseridad ng iyong paglilingkod, mas lalo akong tumitindig para ipagpatuloy ang sinimulan mong pagmamahal sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa lahat ng iniwan mong alaala, inspirasyon, at gabay. Mahal na mahal kita, Pa.πŸ’š



πŸŽ‰πŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, CONG. GP PADIERNOS! πŸŽ‚πŸŽ‰Maraming salamat po sa Galing sa Pusong pagmamahal at patuloy ninyong pagl...
02/05/2025

πŸŽ‰πŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, CONG. GP PADIERNOS! πŸŽ‚πŸŽ‰

Maraming salamat po sa Galing sa Pusong pagmamahal at patuloy ninyong paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga kababayan. πŸ™Œ

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng masaganang kalusugan, lakas, at inspirasyon upang maipagpatuloy pa ang inyong tapat at makabuluhang serbisyo! ❀️❀️❀️



Congratulations, Marcus Clarence Silvestre! πŸ₯ˆπŸ‘Pagpupugay sa kauna-unahang Manlalangoy ng Guimba na nag-uwi ng medalya sa...
02/05/2025

Congratulations, Marcus Clarence Silvestre! πŸ₯ˆπŸ‘

Pagpupugay sa kauna-unahang Manlalangoy ng Guimba na nag-uwi ng medalya sa CLRAA Meet!
Silver Medalist - 50m Breaststroke πŸŠβ€β™‚οΈ

20 buwang disiplina, tiyaga, at determinasyon β€” nagbunga na!
Ako, ang Team Guimba Kong Mahal, at ang buong bayan ng Guimba ay proud na proud sa’yo!πŸ’šπŸ˜‡





LOOK: PRIDE NG GUIMBA, PRIDE NG LENNEC!πŸ…Congratulations, Rustom Lim! πŸš΄β€β™‚οΈπŸ’¨πŸŽ‰ Dahil sa iyong galing, dedikasyon, at tibay ...
01/05/2025

LOOK: PRIDE NG GUIMBA, PRIDE NG LENNEC!πŸ…
Congratulations, Rustom Lim! πŸš΄β€β™‚οΈπŸ’¨πŸŽ‰

Dahil sa iyong galing, dedikasyon, at tibay ng loob, muli mong itinanghal ang pangalan ng Guimba sa entablado ng tagumpay!

🏁 10th Overall - General Classification
πŸ† Champion - Team Classification
sa ginanap na MPTC Tour of Luzon 2025!

Ako, ang Team Guimba Kong Mahal, at ang buong bayan ng Guimba ay proud na proud sa’yo! Saludo kami sa iyong sipag at determinasyon! πŸ’šπŸ’›

Patuloy mong ipagmalaki ang ating bayanβ€”go, Rustom!




Maligayang Ika-123 Araw ng Paggawa! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’šMabuhay ang bawat manggagawang Pilipinoβ€”kayod marino, sipag at tiyaga ang puhunan...
01/05/2025

Maligayang Ika-123 Araw ng Paggawa! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’š
Mabuhay ang bawat manggagawang Pilipinoβ€”kayod marino, sipag at tiyaga ang puhunan para sa pamilya at bayan.

Sa bawat pawis at pagod ninyo, Ka-Guimbanians, saludo kami sa inyo! 🫑

Ngayong mainit ang panahon, huwag kalimutang uminom ng maraming tubig at magpahinga rin paminsan-minsan. Stay hydrated po tayo! πŸ’§





Masaya po akong makatulong sa ating TODA!πŸ’šNakakagalak pong marinig na napapakinabangan ninyo ang naibigay nating puhunan...
29/04/2025

Masaya po akong makatulong sa ating TODA!πŸ’š

Nakakagalak pong marinig na napapakinabangan ninyo ang naibigay nating puhunan sa pamamagitan ng Guimba TODA Credit Cooperative. Alam ko pong malaking tulong ito sa inyong pang-araw-araw na hanapbuhayβ€”mula sa maintenance ng motor hanggang sa dagdag na kapital sa kabuhayan.

Mga Ka-TODA, saludo ako sa inyong sipag at disiplina.
Asahan ninyo na hindi dito nagtatapos ang suporta ng inyong lingkod. Tuloy-tuloy lang po tayo sa mga programang makakatulong sa inyong pag-unlad.

Serbisyong Dizon β€˜toβ€”galing sa puso, para sa Guimba Kong Mahal!πŸ˜‡




Isang mainit, masaya, at taus-pusong pagbati ng maligayang pagdating sa aming mahal na bayan ng Guimba, Senator Rodante ...
28/04/2025

Isang mainit, masaya, at taus-pusong pagbati ng maligayang pagdating sa aming mahal na bayan ng Guimba, Senator Rodante Marcoleta! πŸ’šπŸ˜‡

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong suporta sa Team Guimba Kong Mahal. Kahit tirik ang araw at ramdam ang init, hindi kayo natinag β€” tunay pong kahanga-hanga ang inyong dedikasyon at pagmamalasakit. 🫢

Maraming, maraming salamat po, Senador! Sa tulong ninyo, Kay Marcoleta, may Pag-asa ka! Mabuhay po kayo at sana’y bumalik kayo muli sa Guimba, kung saan ang puso ng bawat Ka-Guimbanians ay bukas para sa inyo! πŸ™Œβœ¨



Address

Guimba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boyito M. Dizon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Boyito M. Dizon:

Share