04/08/2026
๐ฅ 52nd Nutrition Month Culminating Activity | General Assembly ng LLN & ML
๐: Hulyo 27 2026
๐: Hagonoy Grandstand
Sa matagumpay na pagdaraos ng 52nd Nutrition Month Culminating Activity at General Assembly ng mga Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) at Mother Leader (ML) na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," muling naipamalas ang pagkakaisa ng pamahalaang lokal at iba't ibang sektor sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.
Pinangunahan ni Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang mensahe, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang matiyak ang mas malusog at mas maayos na kinabukasan ng bawat pamilyang Hagonoeรฑo.
Nakiisa rin sa pagdiriwang si Vice Governor Alex Castro, Bokal Mina Fermin at kinatawan ni Cong Danny Domingo na naghatid ng kanilang mensahe ng suporta at paghikayat sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa komunidad.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin ang pamamahagi ng mga food pack para sa mga batang may malnutrisyon, sa pangunguna ni Mayor Ate Charo Sy Alvarado-Mendoza kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Ang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na malasakit at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at nutrisyon ng mga batang Hagonoeรฑo.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga katuwang na ahensya, mga Lingkod Lingap sa Nayon, Mother Leader, barangay officials, at sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang paigtingin ang ating mga programa tungo sa isang mas malusog, mas masigla, at mas matatag na pamayanan.