21/05/2026
Katuwang ang mga mother leaders, mag-aaral ng BulSU Hagonoy Campus, at iba't ibang sektor, naging kinatawan ng SK Sagrada Familia sina ๐ฆ๐ ๐ช๐ฒ๐ ๐ง๐ผ๐น๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฆ๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ถ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฑ๐ฎ, ๐ฆ๐ ๐ก๐ต๐ผ๐ป๐ฒ ๐ง๐ผ๐น๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐ต๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ฎ๐ถ๐๐ฎ sa isang 4-Days worskshop series and on-site project exhibition na pinamagatang "๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ถ๐บ๐ฎ๐๐ฒ-๐๐ป๐ฑ๐๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐๐ถ๐๐ฝ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ฒ๐ป ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฏ (๐๐๐๐-๐๐ฆ ๐๐ฎ๐ฏ) ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐: ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐-๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ป ๐๐ป๐๐ถ๐ฟ๐ผ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป." Ang proyektong ito ay pinangunahan ng ๐๐ ๐ผ๐จ๐๐๐ฃ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง, ๐๐ ๐พ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ, ๐๐ฉ ๐พ๐๐๐ผ๐ ๐๐ค๐ง๐ , tampok ang visiting research fellow at environmental communication expert mula sa ๐ฌ๐ผ๐ฟ๐ธ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐ na si ๐ฃ๐ฒ๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ๐ฒ๐ฒ๐บ๐ถ, ๐ฃ๐ต๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ.
Sa loob ng apat na araw, naging masinsinan ang takbo ng workshop kung saan sinimulan ang Day 1 sa Barangay Hall at Basketball Court ng Brgy. Sagrada para talakayin ang Community Resilience at Livelihood Vulnerability, na sinundan ng aktuwal na pagsaksi sa biglaang pagtaas ng baha sa gitna ng tag-init. Noong Day 2, nakatuon naman ang sesyon sa Governance, Planning, at Hazard Mapping upang ihanda ang opisyal na mapa ng barangay na gagamiting basehan sa laro. Pagsapit ng Day 3 at Day 4 sa BSU Hagonoy Campus, opisyal nang ipinatupad ang gamification kung saan pinag-aralan sa umaga kung paano i-bridge ang environmental topics gamit ang game structures, habang sa hapon naman ay nagbahagi ang komunidad ng kanilang mga personal na karanasan sa kalamidad upang makabuo ng mga konkretong adaptation strategies.
Ang huling layunin ng makabuluhang proyektong ito ay ang pagbuo ng isang board game o interactive game na hango mismo sa karanasan ng mga Barangay pagdating sa flood resilience at first-hand adaptation methods. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas maipararating natin sa mga pinuno at policy-makers ang totoong kalagayan sa ground.
Ipinapakita ng kolaborasyong ito na ang kaalaman ng ordinaryong mamamayan, kapag sinamahan ng teknolohiya at lakas ng kabataan, ay kayang magbunga ng tunay na aksyon para sa kalikasan at kaligtasan ng lahat!
CIFAL Philippines