Dra. Malou S. Fernandez

Dra. Malou S. Fernandez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dra. Malou S. Fernandez, Dagupan City.

“Public service is not about holding a position—it’s about making a difference.”Maraming Salamat, Pinablin DagupanMula s...
30/06/2025

“Public service is not about holding a position—it’s about making a difference.”

Maraming Salamat, Pinablin Dagupan
Mula sa kaibuturan ng aking puso, isang taos-pusong pasasalamat ang nais kong ipabatid sa bawat Dagupeñong naging bahagi ng aking tatlong taong paglilingkod bilang Konsehal ng Dagupan.

Sa bawat araw ng aking panunungkulan, dala ko ang inyong tiwala, pagmamahal, at walang sawang suporta. Hindi man tayo pinalad sa nakaraang halalan, buong puso kong tinatanggap ang pasya ng taumbayan—sapagkat ang pagbibigay ninyo sa akin ng buong termino ay isa nang malaking karangalang habang-buhay kong babaunin.

Sa loob ng anim na taon, mula 2019 kahit Hindi pa po tayo nakaupo sa posisyon, hanggang 2022-2025 nang tayo po ay manalo, ako’y lubos na pinagpala na makapaglingkod sa ating kapwa Dagupeños—mula sa mga bata, kababaihan, kalalakihan, senior citizens, hanggang sa mga sektor na madalas hindi nabibigyan ng sapat na atensyon.

Sa ilalim ng aking personal na adhikain bilang doktor at personal na pondo, naipamahagi natin ang mahigit 51,000 libreng dental services, 3,000 vitamins para sa mga bata at nakatatanda, at naisakatuparan ang apat na medical at dental missions na umabot sa mga barangay families na higit na nangangailangan.

Bilang pinuno ng Committee on Health, Committee on Women and Children, at Committee on Arts, Culture and Heritage, nagkaroon ako ng pagkakataong itaguyod ang mga panukalang makatao at makabuluhan. Sa kabuuan, ako’y nakibahagi, nanguna at nakiisa sa mahigit 200 resolusyon, ordinansa, at committee hearings na nagsilbing tulay upang mas mapalawak ang ating serbisyong may kalinga at puso.

Isang malaking pasasalamat din ang nais kong ipaabot sa Lim Family, lalo na kay Manang Celia Lim, na hindi nagsawang umalalay at magbigay ng inspirasyon sa Team LIFE at sa Majority 7. Ang kanyang wagas at tapat na pagmamahal bilang aming ina ay nagsilbing ilaw at gabay sa aming layuning maglingkod nang tapat sa bayan. Hindi matutumbasan ng salita ang bawat ngiti, yakap, at salitang binitiwan ninyo sa panahon ng kampanya. Sa bawat sandali ng pakikibaka at pag-asa, naging higit pa kayo sa kaibigan—kayo ay naging pamilya.

Hanggang sa huling araw ng aking termino, mananatili akong handang tumulong at magsilbi sa anumang paraan na kaya ko. Sapagkat sa puso ko, ang paglilingkod ay hindi natatapos sa panunungkulan—ito ay panghabambuhay.

“Though the journey ends for now, the mission to serve never stops.”

Maraming salamat po and may God bless Dagupan City!

Kaya pala medj malakas    Earthquake Information No.1Date and Time: 24 May 2025 - 10:36 AMMagnitude = 5.4Depth = 010 kmL...
24/05/2025

Kaya pala medj malakas



Earthquake Information No.1
Date and Time: 24 May 2025 - 10:36 AM
Magnitude = 5.4
Depth = 010 km
Location = 16.88°N, 120.08°E - 031 km N 84° W of Luna (La Union)

Instrumental Intensities:
Intensity IV - City of Candon and City of Vigan, ILOCOS SUR;
Intensity III - Sinait, ILOCOS SUR;
Intensity II - Bangued, ABRA; Tagudin, ILOCOS SUR; San Fernando and Aringay, LA UNION; Bani, Infanta, and Bolinao, PANGASINAN
Intensity I - CITY OF BAGUIO

ARAW-ARAW MAY MASAYANG NGITI!Isa na namang Dagupeño ang nabigyan natin ng magandang ngiti dahil sa ating proyektong libr...
22/05/2025

ARAW-ARAW MAY MASAYANG NGITI!
Isa na namang Dagupeño ang nabigyan natin ng magandang ngiti dahil sa ating proyektong libreng pustiso. ✨

5 down, more to go!🥰

LIBRENG PUSTISO, TULOY-TULOY!Patuloy ang handog ni Dra. Malou Fernandez na Libreng Pustiso bilang bahagi ng kanyang pana...
21/05/2025

LIBRENG PUSTISO, TULOY-TULOY!
Patuloy ang handog ni Dra. Malou Fernandez na Libreng Pustiso bilang bahagi ng kanyang panata bilang Dentista ng Bayan.

Walang pangakong mapapako—serbisyong may kalinga at puso, para sa bawat ngiti ng Dagupeño!✨

Maraming Salamat, Pinablin DagupanSa bawat araw ng aking paglilingkod bilang Konsehal ng Dagupan, dala ko ang inyong tiw...
13/05/2025

Maraming Salamat, Pinablin Dagupan

Sa bawat araw ng aking paglilingkod bilang Konsehal ng Dagupan, dala ko ang inyong tiwala, pagmamahal, at suporta—at para rito, taos-puso ang aking pasasalamat.

Hindi man tayo pinalad sa halalan, buong puso ko pa ring tinatanggap ang kalooban ng taumbayan. Ang pagkakaloob ninyo sa akin ng isang buong termino ay isang malaking karangalan na kailanma’y hindi ko malilimutan. Sa loob ng tatlong taon, pinili kong maging sandigan ng nangangailangan, at magtaguyod ng Serbisyong may Kalinga at Puso.

It was a tough fight, but a meaningful one—fueled by our shared dreams for a better Dagupan. Hanggang sa huling araw ng aking termino, asahan ninyong patuloy ko kayong paglilingkuran sa abot ng aking makakaya, sa anumang kapasidad.

Taos-pusong pasasalamat din mula sa buong Team LIFE sa lahat ng sumuporta at naniwala sa amin. Sa bawat ngiti, yakap, at salita ng pag-asa—higit pa kayo sa kaibigan, kayo ay naging pamilya sa bawat hakbang ng ating kampanya.

Dagupan, mananatili kang nasa aking puso. Maraming salamat po sa pagkakataong maglingkod. Hanggang sa muli, Pinablin Dagupan.

— Dra. Malou S. Fernandez

All for God’s glory!🤍 Let Your will be done🙏🏿
12/05/2025

All for God’s glory!🤍
Let Your will be done🙏🏿

Para ed sika, Pinablin Dagupan! 🇵🇭🙏
12/05/2025

Para ed sika, Pinablin Dagupan! 🇵🇭🙏

Happy Mother’s Day po sa lahat ng Ina, Mommy, Mama ng bawat tahanan🧡💙 Naway bawat isa sa atin ay pagpalain pa lalo ng la...
11/05/2025

Happy Mother’s Day po sa lahat ng Ina, Mommy, Mama ng bawat tahanan🧡💙

Naway bawat isa sa atin ay pagpalain pa lalo ng lakas ng katawan at lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng buhay. Keep shining Queens!👸🏻 💕✨

Una sa lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal na patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas, karunungan, a...
10/05/2025

Una sa lahat, buong puso akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal na patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas, karunungan, at direksyon sa aking buhay—bilang isang dentista, nars, dental technologist, at higit sa lahat, bilang isang lingkod-bayan.

Marami ang nagsabing mahirap manalo kung wala ang suporta ng malalaking grupo. Ngunit pinatunayan na po natin na hindi hadlang ang kawalan ng basbas kung malinaw ang layunin, tapat ang puso, at taos ang hangarin na maglingkod. Pinili ninyo ako hindi dahil sa koneksyon kundi dahil sa track record, hindi dahil sa relihiyon kundi dahil sa malasakit, at hindi dahil sa impluwensiya kundi dahil sa integridad.

Bilang isang propesyonal sa larangan ng kalusugan, buong puso kong isinabuhay ang serbisyong may malasakit—sa klinika man, sa komunidad, o sa loob ng konseho. Ang ating pagkapanalo noong 2022 ay hindi lamang tagumpay sa politika, kundi tagumpay ng bawat pamilyang pinuntahan natin, bawat pasyenteng inalagaan natin, at bawat taong naniwalang posible ang pagbabago kung ang lider ay may puso para sa tao. PATULOY PO ITO SA 2025!

Sa aking pamilya—na siyang aking lakas sa gitna ng lahat ng hamon; sa aking mga kaibigan at buong Team LIFE—na hindi kailanman bumitiw sa laban; sa mga kabataan, kababaihan, propesyonal, manggagawa, at mga simpleng mamamayan—na buong tapang na itinaguyod ang ating adhikain; at sa bawat isang nanalangin, at sumuporta—maraming, maraming salamat po.

Ang inyong tiwala ay isang sagradong tungkulin na kailanma’y hindi ko bibiguin.

Muli, mula sa kaibuturan ng aking puso—maraming salamat! Tuloy ang laban. Tuloy ang malasakit. Tuloy ang totoong serbisyo at kalingang may puso!

Lubos na naglilingkod,
Dra. Malou Fernandez

Address

Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dra. Malou S. Fernandez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dra. Malou S. Fernandez:

Share