PNP ACG Ilocos Norte Provincial Cyber Response Team

PNP ACG Ilocos Norte Provincial Cyber Response Team Initiative

Official page of the Ilocos Norte Provincial Cyber Response Team |
Cybercrime prevention β€’ Digital safety β€’ Public awareness | Empowering communities through the C.O.D.E.

17/08/2026

17/08/2026

Hindi lang umano simpleng upgrade o rewards ang alok ngayon ng mga scammer sa mga cardholders

Nagpapanggap umanong kinatawan ng bangko o credit card provider ang mga ito at sinasabing kailangang i-upgrade o i-verify ang credit card, o kaya naman ay may nakitang kahina-hinalang transaksyon sa account.

Ayon kay Anti-Cybercrime Group Director Maj. Gen. Wilson Asueta, ginagamit dito ang vishing, smishing at phishing para makuha ang sensitibong impormasyon ng cardholder.

Kapag pinaniwala ang biktima, maaari itong padalhan ng link na magdadala sa pekeng website na kamukha ng tunay na website ng bangko.

Dito na maaaring hingin ang mga detalye ng credit card, PIN, One-Time Password (OTP) o Card Verification Value na maaaring gamitin ng scammer para makakuha ng access sa account at magsagawa ng hindi awtorisadong transaksyon.

Kaya payo ni Asueta, huwag agad maniwala sa mga tawag, text o email mula sa hindi kilalang senderβ€”lalo na kung humihingi ito ng sensitibong impormasyon.

Kung may tumawag o nagpadala ng mensahe na nagsasabing may problema sa account, may kailangang i-update o may nakuhang rewards, huwag agad sumunod sa ibinigay na link o numero.

Sa halip, direktang makipag-ugnayan sa bangko gamit ang opisyal na hotline o app upang ma-verify kung lehitimo ang mensahe.

17/08/2026

Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko laban sa isang modus na gumagamit umano ng pekeng tawag, text o email upang makuha ang sensitibong impormasyon ng mga credit card holder.

Basahin: https://tinyurl.com/mtf39mx6

17/08/2026

Nagbabala ang PNP-ACG sa publiko laban sa credit card scam gamit ang pekeng tawag, text, o email para makuha ang inyong OTP at CVV.

17/08/2026

🚨 πŒπ€π†-πˆππ†π€π“ 𝐒𝐀 𝐍𝐂𝐀𝐏 𝐓𝐄𝐗𝐓 π’π‚π€πŒ! 🚨

Ang NCAP Text Scam ay phishing scheme kung saan nagpapadala ang cybercriminal ng pekeng SMS tungkol sa umano’y traffic violation at hinihikayat ang biktima na magbayad gamit ang malisyosong link.

Para maka iwas sa scam maaring puntahan ang opisyal na web platform ng MMDA para i-check kung may paglabag ang iyong sasakyan sa NCAP o No Contact Apprehension Policy.

I-download ang
eGov PH app at i-search ang MMDA,
i-check ang iyong sasakyan sa opisyal na MMDA website: mayhulika.mmda.gov.ph

πŸ›‘οΈ TANDAAN:
βœ… Huwag mag-click ng kahina-hinalang mga link
βœ… Suriin ang sender
βœ… Mag-verify sa opisyal na channel
βœ… I-report sa awtoridad

LAGING TANDAAN, MAGING MAPANURI, THINK BEFORE YOU CLICK AT HUWAG MAGPALOKO!

PMGEN WILSON C ASUETA
Director, PNP Anti-Cybercrime Group





17/08/2026

Address

Camp Capt Valentin S. Juan, Brgy 23, San Matias, Laoag City
Ilocos Norte

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP ACG Ilocos Norte Provincial Cyber Response Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share