26/06/2026
TULOY NA TULOY NA! KITA-KITS BUKAS, MGA KABATAAN NG BARANGAY SUSO! ๐
Matapos ang ilang linggong pagkaantala dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari, sa wakas ay matutuloy na bukas ang lahat ng programang inihanda ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Suso para sa ating mga kabataan!
Handa na ba kayo, mga kabataan ng Barangay Suso?
Inaanyayahan ng SK Suso ang lahat ng kabataang may edad 15โ30 taong gulang na makiisa sa isang hapon ng pagkatuto, pakikilahok, at pagkakaisa para sa mas maunlad na komunidad.
๐ Petsa: June 27, 2026 (Sabado)
๐ Oras: 1:00 PM
๐ Lugar: Barangay Suso Plaza
Mga Programang Gaganapin
๐ค 1st Semester Katipunan ng Kabataan Assembly 2026
Alamin ang mga nagawa, kasalukuyang proyekto, at mga nakahanay na programa ng ating SK. Ito rin ang pagkakataon upang maiparinig ang inyong mga mungkahi at maging bahagi ng mga desisyong makaaapekto sa ating komunidad.
๐ Balik Eskwela 2026
Pamamahagi ng school supplies bilang dagdag na suporta sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase. (Paalala: Pandagdag school supplies lamang po ang aming maipagkakaloob.)
๐ง Mental Health Seminar
Isang makabuluhang talakayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating mental na kalusugan at pangkalahatang kapakanan.
๐ก Seminar on How to Avoid Sexual Exploitation
Dagdag kaalaman upang maprotektahan ang ating sarili at matutunang kilalanin at maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso.
๐ KK Profiling 2026
Magparehistro at maging bahagi ng opisyal na talaan ng mga kabataan ng ating barangay.
โจ Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa kabila ng naging pagkaantala ng ating mga programa. Bukas na ang araw na ating hinihintay!
Ang bawat kabataan ay mahalaga. Ang inyong presensya, boses, at pakikilahok ang magsisilbing daan tungo sa isang mas aktibo, mas matatag, at mas maunlad na Barangay Suso.
Kita-kits bukas, June 27, 2026, alas-1:00 ng hapon sa Barangay Suso Plaza!