DA-4K Program Western Visayas

DA-4K Program Western Visayas The Official page of DA-4K Program Western Visayas

30/09/2026
Nakikiisa ang DA-4K Program sa F2C2 National Forum and Trade Fair!Tampok ang iba’t ibang produktong agrikultura at pangi...
23/09/2026

Nakikiisa ang DA-4K Program sa F2C2 National Forum and Trade Fair!

Tampok ang iba’t ibang produktong agrikultura at pangisdaan mula sa mga farmer at fisherfolk clusters sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, ngayong Setyembre 21–24, 2026 sa Robinsons Place Iloilo.

Bisitahin ang exhibit, tangkilikin ang lokal na produkto, at suportahan ang ating mga magsasaka at mangingisda!

22/09/2026
22/09/2026
600 Itik Pinas, dagdag-kabuhayan para sa ating mga kababayang katutubo!Sa ilalim ng DA-4K Program, tig-200 heads ng Itik...
19/09/2026

600 Itik Pinas, dagdag-kabuhayan para sa ating mga kababayang katutubo!

Sa ilalim ng DA-4K Program, tig-200 heads ng Itik Pinas ang naipamahagi sa Indigenous People of Brgy. Garangan, Masaroy, Agcalaga-CADT , Calinog, Iloilo; San Agustin Iryanon-Bukidnon Tribal Association ng Iraynon-Bukidnon sa Brgy. San Agustin, Valderrama, Antique; at Association of Indigenous People of Oyang sa Brgy. Oyang, Libacao, Aklan.

Mula sa pag-aalaga ng Itik Pinas, layunin nating magkaroon ang mga pamilyang magsasakang katutubo ng tuloy-tuloy na pinagkukunan ng kita mula sa itlog, na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at sa pagbuo ng mas matatag na kabuhayan. 🥚🦆

13/09/2026

Alam mo bang maaaring makilahok ang mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa Negotiated Procurement Sagip Saka ?

Sa pamamagitan nito, mas nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga magsasaka na direktang makapag-supply ng de-kalidad na produktong agrikultural sa mga institusyon ng pamahalaan. 🇵🇭🌱

Suportahan ang mga lokal na magsasaka!

13/09/2026

MAGHALONG KONTRA LEPTOSPIROSIS! 🧑‍🌾

Mga mangunguma, protektahi ang inyo kaugalingon! Ang Leptospirosis mahimo makuha paagi sa tubig ukon duta nga nahugawan sang ihi sang mga ilaga.

Kon makabatyag sang sintomas sang Leptopirosis magpakonsulta gilayon sa pinakamalapit nga health center ukon doktor.

"Happy Birthday to our dedicated Community Development Officer II, Jane Imay L. Benares! 🎉 Thank you for your tireless s...
01/09/2026

"Happy Birthday to our dedicated Community Development Officer II, Jane Imay L. Benares! 🎉 Thank you for your tireless service to our IP community. May your special day bring you peace, joy, and renewed strength. Happy birthday!

28/08/2026

Nagsagawa ng Livestock and Poultry Management Orientation si Mr. Jairus Samonte Sirue, DA WV -UNAIP Focal Person para sa mga miyembro ng San Agustin Iraynon Bukidnon Tribal Association (SIBTA) sa Brgy. San Agustin, Valderrama, Antique kabilang ang mga benepisyaryo ng baka at Itik PINAS sa ilalim ng DA-4K Program. Tinalakay ang wastong pag-aalaga, pagpapakain, at pangangalaga sa kalusugan ng mga alagang hayop.

Tampok sa aktibidad ang hands-on demonstration sa tamang pagbibigay ng bitamina at antibiotic sa mga bakang may sakit, kung saan tatlong (3) baka ang aktuwal na nabigyan ng gamot. Sa pamamagitan ng praktikal na pagsasanay, mas napalawak ang kaalaman at kumpiyansa ng mga benepisyaryo sa wastong pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop.

Text and Videos by: Jona Casaquite

28/08/2026

KAKAYAHANG DIGITAL PARA SA MAS MAKABAGONG SERBISYO!

Kasalukuyang isinasagawa ang Capability Building Training for IP and Partner Stakeholders na nakatuon sa “Introduction to Artificial Intelligence (AI), Productivity Tools, at Canva as Presentation Tool” upang mapalawak ang digital skills at kaalaman ng mga Indigenous Peoples (IPs) at partner stakeholders sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture – Western Visayas 4K Program at Department of Information and Communications Technology Region VI .

Layunin ng pagsasanay na isulong ang mas episyente, malikhain, at makabagong paraan ng paggawa, komunikasyon, at pagbabahagi ng impormasyon tungo sa matatag na komunidad.

Address

Iloilo City
5000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA-4K Program Western Visayas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share