19/08/2026
Ngayong araw, buong pagmamalaki nating ginugunita ang ika-148 kaarawan ni Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. Bilang pagkilala sa kanyang malaking ambag sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang pambansa, ipinangalan sa kanya ang ating paaralan—Mababang Paaralan ng Manuel L. Quezon.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral ang kanyang pagmamahal sa bayan, wika at edukasyon.
Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang alaala ni Manuel L. Quezon!