11/09/2026
6 ka tuig nga kilos, 6 ka tuig nga pagpanindugan! ๐ต๐ญ๐
Sa ika-6 nga anibersaryo sang Kilos Ko Youth, isa lang ang ginapangamuyo: IDAYON ANG BSKE 2026! โ๐ป
Kay ang tingog sang kabataan, indi pwede hulaton. Ang aton kapilian, aton mismo!
Tagalog translation of the statement:
6 TAONG PAGKILOS, 6 TAONG PANININDIGAN!
Sa ika-6 na anibersaryo ng Kilos Ko Youth, pinalalakas namin ang aming paninindigan: ITULOY ANG BSKE 2026! Hindi dapat ipagpaliban ang eleksyon, dahil ang boses ng taumbayan ay hindi dapat paghintayin. Lalo na para sa mga kabataan, ang BSKE ay oportunidad na makapili ng mga lider na kumakatawan sa aming mga pangangailangan, pangarap, at kinabukasan.
Sa loob ng anim na taon, patuloy na kumikilos, naninindigan, at nagpapahayag ng boses ng kabataan ang Kilos Ko Youth. At sa anibersaryong ito, malakas naming ipinahahayag: HINDI TATAHIMIK ANG KABATAAN.
Hinahamon namin ang mga SK leaders sa Iloilo na manindigan at magsalita laban sa pagpapaliban ng BSKE 2026. Mahalaga ang inyong boses โ huwag manahimik habang kinukuha ang karapatan ng kabataan na pumili. Nananawagan din kami sa mga lider ng Senado: Huwag ipagpaliban ang BSKE. Huwag paghintayin ang boses ng taumbayan. Huwag agawin sa kabataan ang kanilang karapatang bumoto.