LTO-6 Digital

Website

LTO-6 Digital The Official Digital Media Platform of the Land Transportation Office – Region VI (Western Visayas)

06/10/2026

📢 KABALO KA BALA?

A SAFE RIDE STARTS WITH A SOBER CHOICE.

Drinking and driving is never a safe combination.

Under Republic Act No. 10586, or the Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, driving while under the influence of alcohol, dangerous drugs, or other intoxicating substances is prohibited.

Alcohol and other intoxicating substances can affect a driver's reaction, coordination, focus, judgment, and ability to control the vehicle, increasing the risk of a serious road crash.

If you have been drinking, do not drive. Choose a sober driver, take public transportation, or use a ride-hailing service. And remember, coffee or other supposed “quick fixes” cannot be relied upon to immediately remove the effects of alcohol.

One responsible decision can protect not only you, but also your passengers and everyone else sharing the road.

DON’T DRINK AND DRIVE.
ONE SAFE CHOICE CAN SAVE A LIFE. 💙




𝐋𝐎𝐎𝐊: 𝑳𝑻𝑶-6 𝑩𝑹𝑰𝑵𝑮𝑺 𝑹𝑶𝑨𝑫 𝑺𝑨𝑭𝑬𝑻𝒀 𝑰𝑵𝑭𝑶𝑹𝑴𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑫𝑹𝑰𝑽𝑬 𝑻𝑶 𝑮𝑶𝑽𝑬𝑹𝑵𝑴𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑵 𝑰𝑵 𝑰𝑳𝑶𝑰𝑳𝑶 𝑪𝑰𝑻𝒀 𝐴 𝑡𝑟𝑖𝑝 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑚𝑎𝑙𝑙 𝑐𝑜𝑢𝑙𝑑 ℎ𝑒𝑙𝑝 𝑦𝑜𝑢 ...
06/10/2026

𝐋𝐎𝐎𝐊: 𝑳𝑻𝑶-6 𝑩𝑹𝑰𝑵𝑮𝑺 𝑹𝑶𝑨𝑫 𝑺𝑨𝑭𝑬𝑻𝒀 𝑰𝑵𝑭𝑶𝑹𝑴𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑫𝑹𝑰𝑽𝑬 𝑻𝑶 𝑮𝑶𝑽𝑬𝑹𝑵𝑴𝑬𝑵𝑻 𝑪𝑨𝑹𝑨𝑽𝑨𝑵 𝑰𝑵 𝑰𝑳𝑶𝑰𝑳𝑶 𝑪𝑰𝑻𝒀

𝐴 𝑡𝑟𝑖𝑝 𝑡𝑜 𝑡ℎ𝑒 𝑚𝑎𝑙𝑙 𝑐𝑜𝑢𝑙𝑑 ℎ𝑒𝑙𝑝 𝑦𝑜𝑢 𝑠𝑜𝑟𝑡 𝑜𝑢𝑡 𝑦𝑜𝑢𝑟 𝑛𝑒𝑥𝑡 𝑣𝑒ℎ𝑖𝑐𝑙𝑒 𝑟𝑒𝑔𝑖𝑠𝑡𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑜𝑟 𝑑𝑟𝑖𝑣𝑒𝑟’𝑠 𝑙𝑖𝑐𝑒𝑛𝑠𝑒 𝑡𝑟𝑎𝑛𝑠𝑎𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛.

The Land Transportation Office Region VI joins 18 other government agencies at the Expanded Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Service Caravan on October 6–7 at the Fountain Area of Robinsons Place Iloilo, bringing government services and information closer to the public.

Under the supervision of Regional Director Atty. Gaudioso P. Geduspan II and Assistant Regional Director Jeck D. Conlu, LTO-6 is conducting an information drive on motor vehicle registration, driver’s licensing, and law enforcement services. Visitors can stop by to raise their concerns and learn about the requirements and procedures for their transactions.

One of the Department of Finance’s flagship projects, the two-day caravan brings together 19 government agencies, including five joining the initiative for the first time.

Beyond routine transactions, visitors can explore programs that help entrepreneurs, workers, farmers, and families meet their livelihood and financial needs—all in one venue.

Admission is free, and no registration is required. Simply walk in, bring your concerns and the necessary documents, and speak directly with the participating agencies.

06/10/2026
06/10/2026

𝐇𝐈𝐆𝐇𝐖𝐀𝐘 𝐎𝐑 𝐆𝐀𝐑𝐀𝐆𝐄? 𝐋𝐓𝐎-6 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐂𝐎𝐎𝐏 𝐓𝐎 𝐄𝐗𝐏𝐋𝐀𝐈𝐍 𝐑𝐎𝐀𝐃𝐒𝐈𝐃𝐄 𝐁𝐔𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐊𝐈𝐍𝐆

A national highway is no place for an overnight garage.

About 12 modernized buses parked overnight along a national highway have put a transport cooperative under scrutiny—and left motorists worried about the space remaining for moving traffic.

The buses were shown parked along the circumferential road in Barangay Jiba-aon, Mandurriao, Iloilo City, apparently turning part of the highway into an overnight garage.

Now, the Land Transportation Office Region VI wants an explanation.

LTO-6 Regional Director Atty. Gaudioso P. Geduspan II, through the Intelligence and Investigation Unit (IIU), issued a show cause order directing the cooperative to explain why no administrative or legal action should be taken against it or the registered units involved.

The order followed videos and photographs circulating on social media and reports carried by local media outlets on Sept. 15, 2026.

Motorists passing through the area raised concerns that the parked buses narrowed their maneuvering space and posed a road hazard.

In the order, the IIU cited Sections 46 and 54 of Republic Act No. 4136, or the Land Transportation and Traffic Code, which address prohibited parking and vehicles left stationary in a manner that obstructs traffic.

The order also cited Joint Administrative Order No. 2014-01 and applicable franchising rules covering illegal parking, traffic obstruction, and failure to provide or maintain a designated garage. Depending on the violations established, sanctions may include fines, vehicle impoundment, and franchise suspension or revocation.

The cooperative has five working days from receipt of the order to submit its written explanation.

06/10/2026

ILOILO CITY — A total of 184 individuals, including members of Indigenous Peoples communities, participated in a Theoretical Driving Course seminar conducted in Malay, Aklan.

Led by the Land Transportation Office ( ) Aklan District Office, the seminar provided applicants with training and briefing on road rules and regulations as part of the requirements for securing a driver's license. | Fraye Cedrick Anona

Click the link in the comment section for the full story.

06/10/2026

𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐀𝐆-𝐈𝐒𝐘𝐔 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐀𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑 𝐍𝐆 𝐉𝐄𝐄𝐏𝐍𝐄𝐘 𝐍𝐀 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐋𝐏𝐎𝐊 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐈𝐃𝐄𝐑 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐋𝐀𝐎, 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍; 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐏𝐈𝐍𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐈𝐈𝐌𝐁𝐄𝐒𝐓𝐈𝐆𝐀𝐇𝐀𝐍

Mabilis na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO), sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang itinalagang drayber at operator ng isang pampasaherong jeepney matapos sumalpok sa dalawang motorsiklong na naganap noong Oktubre 2, 2026, sa tapat ng Ningnangan Restaurant, Barangay Saog, Marilao Crossing, McArthur Highway, Marilao, Bulacan.

Batay sa post na ibinahagi ng page na “My Ride PH” na kalaunan ay nakarating sa ahensya, makikita sa video ang isang pampasaherong jeepney na mabilis ang takbo bago biglang lumipat sa kasalungat na linya ng kalsada. Dahil dito, sumalpok ito sa dalawang motorsiklong na kapwa nasa kanilang tamang linyang patungong timog.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng itinalagang drayber at operator ng jeepney at maisagawa ang kaukulang aksyon laban sa mga responsable.

Nakasaad sa inilabas na SCO na kinakailangang humarap ang mga sangkot sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Oktubre 13 upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay, kasama ang iba pang kaukulang dokumento at ebidensyang maaaring magpaliwanag o sumuporta sa kanilang panig.

Nahaharap ang drayber sa alegasyon ng Reckless Driving. Maaari ring tuluyang bawiin ng ahensya ang lisensya ng sangkot na drayber kung mapapatunayang siya ay Improper Person to Operate a Motor Vehicle, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Samantala, nahaharap naman ang operator sa alegasyon ng Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Drivers.

Bukod dito, kapwa drayber at operator ay nahaharap din sa alegasyon ng Operating the Unit/s with Defective Parts and Accessories.

Inaasahang isusuko ng drayber ang kanyang lisensya sa IID at isasailalim ito sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang proseso. Kasabay nito, isinailalim na rin sa alarm status ang nasabing jeepney bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon ng ahensya.

“Hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng pagmamaneho, lalo na kung may nalalagay na buhay sa panganib. Ipinag-utos ko ang agarang imbestigasyon at nararapat na aksyon laban sa mga responsable. Kung mapatutunayang may paglabag, pananagutin natin sila alinsunod sa batas,” pahayag ni Asec. Lacanialo.

Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagbabantay at pagpapatupad ng batas laban sa mga drayber at operator na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang motorista. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na patuloy na i-report ang mga insidente ng mapanganib na pagmamaneho, lalo na kung may larawan, video, o iba pang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon. Ang bawat ulat mula sa publiko ay maaaring maging susi upang agad na matukoy ang mga responsable at maipatupad ang nararapat na aksyon.

06/10/2026

🚨 𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang imbestigasyon at pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng colorum taxi driver na naningil ng P200 kada kilometro sa isang Person with Disability (PWD) na pasahero mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tuluyang ipinataw ng ahensya ang Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng driver's license.

Matatandaang naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa nasabing taxi driver at operator nito matapos iulat ng magulang ng pasahero ang insidente ng overcharging. Ayon sa ulat, nang malaman ng pasahero na P200 kada kilometro ang sinisingil sa kanya, hiniling niyang ibaba na lamang siya sa isang gasolinahan at naghanap ng ibang paraan upang makauwi.

Sa isinagawang pagdinig sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, napatunayan ang paglabag ng taxi driver sa Overcharging of Fare matapos maningil ng ₱200 kada kilometro sa pasahero, gayundin sa Duty to have License dahil sa paggamit ng expired na lisensya habang namamasada. Natuklasan din na gumamit ang sangkot na taxi driver ng pekeng pagkakakilanlan at pekeng lisensya.

Dahil dito, idineklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang nasabing driver, na nagresulta sa Perpetual Revocation o Lifetime Ban sa pagkuha ng driver's license mula sa ahensya.

Samantala, nananatiling nasa alarm status ang ginamit na taxi bilang bahagi ng pagpapatupad ng kaukulang aksyon ng LTO.

Para sa karagdagang detalye hinggil sa insidente, i-click ang link sa ibaba: https://www.facebook.com/share/p/1bDKrsHyxu/

05/10/2026

𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆-𝐔𝐓𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐅𝐄𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐀 𝐁𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀 𝐒𝐀 𝟖𝟐-𝐀𝐍𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐓𝐀𝐖𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐄𝐃𝐄𝐒𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘; 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍, 𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀

Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng isang drayber na bumangga sa isang 82-anyos na babaeng pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane sa Naga City, Camarines Sur.

Batay sa isinumiteng ulat, bandang alas-5 ng umaga noong Oktubre 5, 2026, binabaybay ng naturang sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur patungo sa Barangay Del Rosario nang mabangga nito ang 82-anyos na pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane.

Dahil sa insidente, nagtamo ng malubhang pisikal na pinsala ang biktima at agad na isinugod sa Bicol Medical Center para sa kaukulang lunas. Gayunman, kalaunan ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang lifetime ban sa naturang drayber bilang kaukulang pananagutan sa insidente.

Inatasan ang naturang drayber na isuko ang kanyang driver’s license sa Intelligence and Investigation Unit (IIU) ng LTO Regional Office V para sa kaukulang proseso.

Inilagay na rin sa alarm ang naturang sasakyan at sinuspinde ang lahat ng kaugnay na transaksyon at operasyon nito habang isinasagawa ang kaukulang proseso ng ahensya.

“Hindi natin maaaring balewalain ang ganitong insidente, lalo na kapag pedestrian na nasa tamang tawiran ang nabiktima. Malinaw ang ating paninindigan na kailangang managot ang mga drayber na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang road users. Sa ganitong mga kaso, paiiralin natin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at kaukulang pananagutan,” ayon kay Asec. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na mahalagang bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian, lalo na sa mga itinalagang pedestrian lane. Ang maingat at responsableng pagmamaneho, gayundin ang pagbibigay-daan sa mga pedestrian, ay mahalaga upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng malubhang pinsala o pagkawala ng buhay.

05/10/2026

📢 KABALO KA BALA?

SPEED IS NOT THE GOAL. SAFETY IS. 🚗

Getting to your destination safely should always matter more than getting there quickly.

Under Section 35 of Republic Act No. 4136, or the Land Transportation and Traffic Code, every driver is required to maintain a careful and prudent speed, taking into consideration traffic, road conditions, and other circumstances. The law also provides specific maximum speeds depending on the type and condition of the road, including 20 km/h when passing through school zones and other similar dangerous circumstances.

Speeding can reduce the time available for a driver to react, make a vehicle more difficult to control, and increase the risk of a serious crash.

Slow down. Stay alert. Arrive safely.




05/10/2026

𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐈-𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐕𝐈-𝐕𝐈𝐃𝐄𝐎 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐍𝐄𝐇𝐎 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐈𝐓𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐏 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐒𝐀𝐃𝐀

Binawi ng Land Transportation Office (LTO), sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang lisensya ng isang drayber matapos mapatunayang lumabag sa batas-trapiko dahil sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho upang kunan ng video ang isang insidente sa kalsada, kung saan narinig din ang hindi angkop nitong komento.

Dumalo ang drayber sa isinagawang pagdinig ng LTO kaugnay ng insidente. Batay sa naging pagtalakay at imbestigasyon ng ahensya, napatunayang nilabag ng drayber ang Anti-Distracted Driving Act matapos nitong sadyang magdahan-dahan sa gitna ng mabigat na daloy ng trapiko upang kunan ng video ang insidente habang nagmamaneho. Narinig din sa video ang komento nitong, “Sayang naman, hindi pa namatay,” kung saan tinutukoy nito ang insidenteng tinutugunan ng mga law enforcer. Ang paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho at ang pagpapabagal ng takbo upang kumuha ng video ay nagdulot ng panganib sa kaligtasan ng drayber at ng iba pang motorista.

Natuklasan din sa imbestigasyon na mayroon nang naunang rekord ang drayber sa local government unit (LGU) traffic enforcement kaugnay ng dati nitong paglabag na counterflow.

Dahil dito, idineklara ang sangkot na drayber bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na naging batayan ng pagpapataw ng ahensya ng revocation sa kanyang driver’s license.

Samantala, kusang isinuko ng drayber ang kanyang lisensya, habang nananatiling nasa alarm status ang sasakyan bilang bahagi ng kaukulang aksyon ng ahensya.

“Hindi biro ang isang insidenteng may nasaktan o nalagay sa panganib, kaya hindi dapat balewalain ang anumang kilos ng motorista na maaaring magdulot ng panganib sa kalsada. Sa kasong ito, malinaw na may pananagutan ang drayber sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at sa kanyang naging kilos sa insidente. Dahil dito, ipinataw ng LTO ang kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na batas,” ani Asec. Lacanilao.

Muling hinihikayat ng LTO ang mga motorista na maging responsable sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at panatilihin ang maayos na asal sa kalsada. Hinihikayat din ang publiko na agad i-report sa LTO ang anumang insidente o paglabag na kanilang nasasaksihan upang maaksyunan at maimbestigahan ng ahensya.

Address

McArthur Highway, Brgy. Quintin Salas, Jaro, Philippines
Iloilo City
5000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO-6 Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share