28/06/2026
๐ข ๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฌ๐ข๐! ๐ด๐
Bubuksan na ang aplikasyon para sa Coconut Farmers and their Families Scholarship Program (CoScho), isang programa ng Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang Commission on Higher Education (CHED), na naglalayong suportahan ang pag-aaral sa kolehiyo ng mga kwalipikadong anak at miyembro ng pamilya ng mga magniniyog.
Ang mga mapipiling iskolar ay maaaring makatanggap ng tulong pinansyal na hanggang โฑ155,000 kada Academic Year para sa matrikula, mga aklat, allowance, at iba pang kaugnay na gastusin sa pag-aaral, alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng programa.
Mahalagang tandaan na bagama't nakabatay sa merito at kwalipikasyon ang pagpili ng mga iskolar, ang mga Katutubong aplikante ay kabilang sa Special Equity Groups (SEGs) at binibigyan ng karagdagang puntos sa ranking process, na makatutulong upang mapataas ang kanilang pagkakataong mapabilang sa mga benepisyaryo ng programa.
โ
SINO ANG MAAARING MAG-APLAY?
โข Nagtapos o magtatapos ng Senior High School;
โข Kabilang sa pamilya ng magniniyog at may PCA Certification;
โข Nakakatugon sa iba pang kwalipikasyon at rekisito ng programa.
๐ MGA DOKUMENTONG DAPAT IHANDA:
โข PSA-issued Birth Certificate;
โข PCA Certification;
โข Form 138 (SF9) o Certification of Grades;
โข Certificate of Good Moral Character;
โข Notice of Admission mula sa isang Higher Education Institution (HEI);
โข Katibayan ng Kita (Proof of Income) ng magulang o tagapag-alaga; at
โข Sertipikasyon mula sa NCIP na nagpapatunay na ang aplikante ay kabilang sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).
๐
ORIENTATION PARA SA MGA INTERESADONG APLIKANTE
Inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong Katutubong mag-aaral, magulang, at komunidad na makilahok sa orientation na gaganapin sa pamamagitan ng IPPRA Academy sa Hunyo 29, 2026 (Lunes), ganap na 9:30 ng umaga.
Ang orientation session ay ipo-post sa page na ito. Abangan ang karagdagang anunsyo at huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga kabataang Katutubo at mga pamilyang magniniyog.
๐ฑ Edukasyon para sa kinabukasan.
๐ด Pag-angat ng kabuhayan ng mga pamilyang magniniyog.
๐ค Mas maraming oportunidad para sa mga Katutubong pamayanan.
โMasaganang Katutubong Pamayanan: Sandigan ng Pambansang Kaunlaranโ