Enzo Asistio

Contact the organization

Enzo Asistio City Councilor, City of Imus Cavite🇵🇭

21/09/2026

Para sa mas ligtas at mas malusog na Imus. 💙

Isang mahalagang hakbang para mapalakas ang prevention, testing, treatment, care, at support para sa STI, HIV, at AIDS.

Mas maraming kaalaman, mas kaunting stigma, mas maalagang Imus.

APRUBADO NA! 💙Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas organisadong serbisyong pangkalusugan sa ating lungsod....
21/09/2026

APRUBADO NA! 💙

Isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas organisadong serbisyong pangkalusugan sa ating lungsod.

Aprubado na ang Ordinance Establishing the City of Imus Comprehensive STI, HIV and AIDS Prevention, Treatment, Care, Support, and Protection Program, na naglalayong palakasin ang mga programa ng Imus para sa STI, HIV at AIDS.

Sa ilalim ng ordinansang ito, layunin nating mas mapalawak ang access ng ating mga kababayan sa tamang impormasyon, prevention programs, confidential HIV testing and counseling, treatment, care, support, at referral services, kasabay ng pagprotekta sa kanilang privacy at karapatan at pagtulong na maiwasan ang stigma at discrimination.

Ina-update din nito ang dating City Ordinance No. 02-38, Series of 2015 upang maiayon ang mga lokal na programa sa Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act.

Maraming salamat po kay Konsehal Shernan Jaro sa pagiging co-author at sa pakikiisa sa pagsusulong ng mahalagang ordinansang ito.

Patuloy po tayong gagawa at magsusulong ng mga polisiya na nagbibigay ng tamang impormasyon, proteksyon, at malasakit sa ating mga kababayan.

Lagi't lagi, Pusong nagmamahal. Pusong naglilingkod.

Balikan po natin ang ating session nitong Lunes! 💙Medyo ilang araw na ang lumipas, pero balikan natin ang ilang bahagi n...
18/09/2026

Balikan po natin ang ating session nitong Lunes! 💙

Medyo ilang araw na ang lumipas, pero balikan natin ang ilang bahagi ng ating session kung saan nagpresent at nagtalakay tayo ng mga resolusyon at polisiya para sa ating mga kababayang Imuseño.

Productive Monday indeed! 😊 Tuloy-tuloy lang po tayo sa trabaho at serbisyo para sa ating lungsod.

Good morning po! ☀️It’s a good day! Panibagong araw, panibagong pagkakataon para ngumiti, magpasalamat, at gumawa ng mab...
14/09/2026

Good morning po! ☀️

It’s a good day! Panibagong araw, panibagong pagkakataon para ngumiti, magpasalamat, at gumawa ng mabuti.

Have a blessed and happy week po sa ating lahat! 🙏🏼💙

Chubby cheeks pa rin kahit 80s! 🤣😎Happy Thursday po sa lahat! 💙
10/09/2026

Chubby cheeks pa rin kahit 80s! 🤣😎

Happy Thursday po sa lahat! 💙

Tayo po ay naghatid ng wheelchair para sa lola ni Diday, na malaking tulong para mas madali siyang makapunta sa kanyang ...
06/09/2026

Tayo po ay naghatid ng wheelchair para sa lola ni Diday, na malaking tulong para mas madali siyang makapunta sa kanyang mga check-up at iba pang kinakailangang lakad.

Ngayong linggo, piliin nating maging positibo at pahalagahan ang buhay. Sa bawat araw, may dahilan para magpasalamat, ngumiti, at magpatuloy. 🙏🏼

04/09/2026

Quick recap sa ating Public Hearing! 🐶💉

Tinalakay po natin ang panukalang ordinansa para sa Rabies Bite Management and Human Rabies Prevention Program ng Lungsod ng Imus.

Patuloy nating palalakasin ang rabies prevention at proteksyon sa kalusugan ng bawat Imuseño. 💙

Pagpupugay sa ating mga bayani. 🇵🇭Bilang paggunita sa National Heroes Day, nakibahagi po tayo sa programang inisyatiba n...
31/08/2026

Pagpupugay sa ating mga bayani. 🇵🇭

Bilang paggunita sa National Heroes Day, nakibahagi po tayo sa programang inisyatiba ng Tourism and Heritage Office ng Lungsod ng Imus upang magbigay-pugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay at serbisyo para sa ating bayan.

Binigyang-pugay din natin ang isang tunay na Imuseño at bayani, si Heneral Licerio Topacio, na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan.

Nawa’y patuloy nating alalahanin ang kanilang kabayanihan at pagmamahal sa bayan, hindi lamang tuwing National Heroes Day, kundi sa araw-araw.🫡

Mabuhay ang ating mga bayani!

Happy Birthday, Konsi Sherwin! 🥳
24/08/2026

Happy Birthday, Konsi Sherwin! 🥳

22/08/2026

Para sa mga “Ate” na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya, saludo po sa inyo! 🫡

Saturday Jamming muna tayo! Tampok ang kantang “Ate” ng idol kong si The Ely Buendia.

Para sa lahat ng Ate na laging nandiyan, tahimik na nagsasakripisyo at walang sawang sumusuporta sa pamilya, para sa inyo ang kantang ito. 💙

Address

Imus

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Enzo Asistio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Enzo Asistio:

Shortcuts

Share

Category