10/07/2026
Matagumpay na 200 Free Chest X-ray TB Caravan sa Barangay Centro 1.
Matagumpay na nagsagawa ang RHU San Guillermo, katuwang ang Provincial Health Office sa pamamagitan ng TIFA, ng Libreng Chest X-ray TB Case Finding sa Barangay Centro 1, San Guillermo.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito. Lalo na sa mainit na pagtanggap at pakikipagtulungan sa pangunguna ni Punong Barangay Engr.Julius Narne Sanchez, kasama ang mga barangay officials at personnel.