24/08/2026
โPARA SA DIYOS at PARA SA KABATAAN NG LULLUTANโ
Pagpupugay at taos-pusong pagbati sa iyo, SK Chairperson Honorable JOSHUA ADORNA PATAUEG, sa inyong natatanging pagkilala bilang isa sa MOST OUTSTANDING SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRPERSON sa City of Ilagan.
Sa bawat proyektong inyong itinaguyod - mula sa sports development, edukasyon, kalusugan, hanggang sa kalikasan at pamumuno, naipakita ng SK LULLUTAN COUNCIL ang tunay na diwa ng isang aktibo at responsableng Sangguniang Kabataan. Hindi naging madali ang daan tungo sa tagumpay na ito, ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa, integridad, at husay sa pamamahala, napatunayan ng bawat isa na ang kabataan ay hindi lamang hinaharap ng bayan, kundi katuwang na sa paghubog ng magandang kasalukuyan.
Mula sa ating SK LULLUTAN COUNCIL - ang ating mga SK Kagawad ( Alysa Vargas Gaspar, Ferlyn Kyle, Chet Chet, Aaron Talana, Leonardo Ligero Cabaccan, Daniel Ariola, Lumabao) SK Secretary - Wendel Clei Camonayan, SK Treasurer - Mark Vargas Cabaccan, KKDAT Officers - ( Carl Laurence Vargas, Neil Christian Vargas, Bien Mar Vargas Gaspar ) na isa rin sa tumulong at nagpuyat para matapos ang ating NARRATIVE REPORT , at sa lahat ng sumuporta sa ating mga adhikain, nararapat lamang na ipagmalaki natin ang karangalang ito. Ang inyong sakripisyo at malasakit ay nag-iwan ng positibong marka na magsisilbing inspirasyon hindi lamang sa inyong barangay kundi sa buong Lungsod ng Ilagan.
Para kay SK Chairperson Joshua, Hindi naging madali ang bawat hakbang at hamon sa pampublikong paglilingkod, ngunit pinatunayan mo na sa pamamagitan ng mahusay at matalinong pamumuno at pagkakaisa ng buong konseho, kaya ninyo nakamit ang pinakamataas na antas ng karangalan.
Muli, maraming salamat sa inyong serbisyo at CONGRATULATIONS, SK LULLUTAN COUNCIL! ๐โจ๐๐๐ป๐