05/06/2026
𝙋𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩 𝙎𝙏𝘼𝙍 ⭐| 𝙎𝙩𝙖𝙧𝙩 𝙏𝙤𝙬𝙖𝙧𝙙𝙨 𝘼𝙘𝙖𝙙𝙚𝙢𝙞𝙘 𝙍𝙚𝙞𝙣𝙩𝙚𝙜𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣
𝙅𝙪𝙣𝙚 2, 2026
Patuloy na isinusulong ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐒𝐖𝐃) katuwang ang 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝) sa pamamagitan ng 𝐀𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (ALS) ang 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐒𝐓𝐀𝐑 (Start Towards Academic Reintegration Program), isang programang naglalayong matulungan ang mga out-of-school children, youth, at iba pang indibidwal na muling makabalik sa pag-aaral at magkaroon ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng panibagong pag-asa ang mga kabataang nahinto sa pag-aaral upang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon, mapaunlad ang kanilang kakayahan, at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ang buong 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐆𝐮𝐢𝐥𝐥𝐞𝐫𝐦𝐨 ay buong pusong sumusuporta sa mga programa ng 𝐃𝐒𝐖𝐃 at 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝-𝐀𝐋𝐒 na naglalayong mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kabataan, mapalawak ang kanilang oportunidad sa edukasyon, at mabigyan sila ng mas magandang kinabukasan. Kaisa rin tayo sa mga programang nakatutulong upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at bawat mamamayan ng San Guillermo.
Sama-sama nating ita𝐆𝐔𝐘𝐔𝐃 ang edukasyon, pag-asa, at kinabukasan ng bawat kabataang San Guillermo.