05/08/2026
Maging mapanuri at responsable sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pananaliksik, pangangalap, at pagtatala ng mga impormasyon tungkol sa wika. Huwag hayaang maging dahilan ang AI ng paglimot o pagkawala ng tama at mahalagang kaalaman, lalo na sa pagpapayaman at pagtataguyod ng ating mga katutubong wika.
Sa halip, gamitin natin ang AI bilang kasangkapan sa patuloy na pangangalaga, pagdodokumento, at pagpapalaganap ng ating mga katutubong wika na unti-unti nang nawawala at nalilimutan sa paglipas ng panahon.
Nawa'y maging tulay ito upang mapanatili at maipasa natin ang ating mayamang pamana sa susunod na henerasyon.