19/08/2026
🌧️ Habagat may be trending, pero safety at learning continuity pa rin ang priority sa Isla ES—walang panic, dapat prepared! 💙📚
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, na inilabas ng Office of the President ngayong araw Agosto 19, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na sakop ng pagpapatupad ng nararapat na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan bukas Agosto 20, 2026.
Kaugnay nito, inaatasan ang mga paaralan sa mga nabanggit na lugar na magpatupad ng alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang Local Chief Executives.
Ang hakbang ay isinagawa bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng enhanced Southwest Monsoon o Habagat. Layunin nitong mabawasan ang mga panganib na maaaring idulot ng localized flooding at travel hazards sa mga mag-aaral at education personnel. Sa Isla Elementary School, patuloy na bibigyang-halaga ang kaligtasan habang pinananatili ang pagpapatuloy ng pagkatuto.
Hinihikayat ang mga mag-aaral at magulang na makipag-ugnayan sa kanilang mga g**o hinggil sa mga learning activities at kinakailangang tagubilin. Ang mga naaangkop na alternative learning modes ay ipatutupad alinsunod sa umiiral na mga alituntunin at sa kalagayan ng mga learners.
Patuloy ding susubaybayan ng paaralan ang mga opisyal na abiso mula sa mga kinauukulang awtoridad. Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
Sa Isla ES, nananatiling magkatuwang ang kaligtasan at edukasyon bilang pangunahing pananagutan ng buong school community.