Santa Cruz BGY Forum

Santa Cruz BGY Forum DISCLAIMER: Ang page na ito ay isang community page at hindi konektado sa barangay council ng santa cruz.

Pwede ba gamitin ang CCTV footage bilang ebidensya Laban sa ahenteng nagbebenta ng OVERPRICED na regulator ng tangke ng ...
06/03/2026

Pwede ba gamitin ang CCTV footage bilang ebidensya Laban sa ahenteng nagbebenta ng OVERPRICED na regulator ng tangke ng LPG?

Sa Consumer Act of the Philippines (RA 7394), may karapatan ang consumer laban sa unfair o deceptive sales practices.
Kung napatunayan sa CCTV na may panlilinlang o sobrang presyo na hindi ipinaalam nang maayos, puwedeng gamitin iyon sa reklamo.

Kailan nagiging valid na ebidensya ang CCTV
Magagamit ito kung makikita sa video ang mga tulad ng:

Aktwal na transaksyon o bentahan ng regulator
Presyo na siningil o usapan tungkol sa presyo
Pagpapakita ng produkto at pagbabayad
Pagkakakilanlan ng ahente o tindero

Saan puwedeng gamitin ang CCTV
Maaaring isumite ang CCTV bilang ebidensya sa:
Barangay mediation kung may dispute
Department of Trade and Industry (DTI) para sa consumer complaint
Korte kung aabot sa legal na kaso

Mas magiging malakas ang kaso kung may:
Resibo o proof ng bayad
Screenshot ng presyo o CCTV record Ng usapan
Testigo
Actual na regulator na binili

May ipinakitang business licence ang ahente may habol pa rin ba ang buyer?

Kahit may ipinakitang business license, puwede pa rin silang ma-reklamo kung napatunayang sobrang taas o mapanlinlang ang presyo ng regulator.
Bakit?
Ang business license ay pahintulot lang para magnegosyo, hindi ibig sabihin na puwede na silang magpresyo nang hindi patas sa consumer.

Sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394), bawal ang:
Unfair o deceptive sales practices
Panlilinlang sa presyo o produkto
Kung ang ahente ay:
Nagbenta ng LPG regulator na sobrang mahal kumpara sa normal na presyo
Hindi malinaw ang presyo bago ang bentahan
Pinilit o niloko ang buyer
puwede itong maging consumer violation kahit may permit pa siya.

Halimbawa
Normal na regulator: ₱300–₱500
Binenta ng ahente: ₱1,500 pataas nang walang malinaw na paliwanag
Maaaring ituring itong unfair pricing o deceptive selling depende sa sitwasyon.

Alam nyo bang BAWAL ang pagputol ng anumang uri ng puno na malapit sa ilog o sapa? Ang Presidential Decree No. 705 (Revi...
06/03/2026

Alam nyo bang BAWAL ang pagputol ng anumang uri ng puno na malapit sa ilog o sapa?

Ang Presidential Decree No. 705 (Revised Forestry Code of the Philippines) o Forestry Code ay isang batas sa Pilipinas na nagtatakda ng mga patakaran sa pangangalaga, paggamit, at pagputol ng mga puno at kagubatan. Ipinatupad ito noong 1975 sa panahon ni Ferdinand Marcos.
Layunin ng Forestry Code
Ang batas na ito ay ginawa upang:
Protektahan ang kagubatan laban sa illegal logging.
Kontrolin ang pagputol at paggamit ng kahoy.
Panatilihin ang watershed, ilog, at sapa para maiwasan ang baha at erosion.
Siguraduhin na may permit ang pagputol ng puno sa public land.
Ilang mahalagang probisyon
Illegal cutting ng puno
Bawal magputol, mag-ani, o mag-transport ng kahoy kung walang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
🌿 Proteksyon sa tabing-ilog at sapa
Ang mga riparian areas (tabi ng ilog, creek, sapa) ay kadalasang protected forest o public land, kaya hindi basta-basta puwedeng putulin ang mga puno doon.
🚔 Parusa sa illegal logging
Pagkakakulong
Multa
Kumpiskasyon ng kahoy at kagamitan (chainsaw, sasakyan, atbp.)
Bakit mahalaga ito
Kapag may nagpuputol ng puno sa tabing sapa, puwedeng lumabag ito sa Forestry Code dahil:
nakakasira ng riverbank protection
nagdudulot ng erosion at pagbaha
maaaring public land ang lugar
📌 Dahil dito, kahit hindi ikaw ang may-ari ng lupa, puwede kang magreport sa barangaDepartment of Environment and Natural Resources (DENR)ENR) bilang concerned citizen.

LGU Functionality AssessmentAng Functionality Assessment ng DILG ay ginagawa para masukat kung gaano kaayos at kaepektib...
29/08/2025

LGU Functionality Assessment

Ang Functionality Assessment ng DILG ay ginagawa para masukat kung gaano kaayos at kaepektibo ang pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at gawain ng mga local government units (LGUs) gaya ng barangay, lungsod, o bayan.

Layunin nito:

Sukatin ang performance ng LGU – kung gumagana ba ang mga komite, konseho, at mandated programs gaya ng:

Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)

Barangay Development Council (BDC)

Barangay Peace and Order Committee (BPOC)

VAWC Desk, etc.

Tukuyin kung functional o non-functional – halimbawa, ang isang council ay considered functional kung may regular meetings, resolutions, at aktwal na implementasyon ng programa, hindi lang sa papel.

Maging batayan ng DILG sa pagbibigay ng tulong o pagkilala – tulad ng Seal of Good Local Governance (SGLG), Performance Challenge Fund, at iba pang insentibo.

Gabay sa Capability-building – kapag nakita ng DILG na mahina ang isang barangay o LGU sa isang aspeto (hal. anti-drug campaign, disaster preparedness), puwede silang bigyan ng training o technical assist program.

Sa madaling salita, ang Functionality Assessment ay parang "report card" ng DILG para sa LGUs para matiyak na hindi lang basta naka-ayos sa dokumento, kundi talagang gumagana at may epekto sa komunidad ang mga council, committee, at programa.

17/08/2025

Ang mga kaso ng drug overdose sa illegal na droga ay hindi required na ireport ng hospital sa PNP, mapa private man o public hospital. Yan po ang isa sa blindspot ng batas VS Droga.

17/08/2025

Sitrep august 2025:
Ang barangay Sta. Cruz ay HINDI na drug free.

16/05/2025

Konsehal ng Bayan

Magkano daw ang sahod?

Ang karaniwang natatanggap ng konsehal sa 2nd class municipality ay nasa P35k-P60000 kada buwan(approximate range) depende sa:
>IRA(Internal Revenue Allotment)
>Local ordinance ng munisipyo
>allowances at ibang benefits

09/05/2025
15/04/2025

Ang tatlong prayoridad na ating pagsisikapan -Kalusugan, Edukasyon at Trabaho para tunay na maramdaman natin na may kakalinga sa ating mamamayan - sa pagnanais na makatapos ng pag-aaral hanggang magkatrabaho maging sa hindi inaasahang panahon na magkasakit.

Ako po ay magsisikap upang higit na makapagsilbi sa tulong ng mga batas pabor sa ating lalawigan lalo na sa uno distrito.

Sa wakas! , sumakses ang buy bust! 😆👏https://www.facebook.com/100064082045167/posts/1087984656680926/?mibextid=rS40aB7S9...
09/04/2025

Sa wakas! , sumakses ang buy bust!
😆👏
https://www.facebook.com/100064082045167/posts/1087984656680926/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v

BIGTIME NA TULAK NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE; TINATAYANG NASA 6.9 MILYONG PISONG HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA DROGA NASAMSAM!

Sa masigasig na pakikipag-ugnayan at magandang relasyon ng kapulisan at ng mga mamamayan sa probinsiya ng Camarines Norte, nitong ika-9 ng Abril, 2025, dakong alas 3:15 ng umaga, isang bigtime na tulak ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangunahan ng PPDEU(lead unit) katuwang ang CNPIU at LABO MPS na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok-2, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

Basahin sa: 👇👇👇
https://camnortenews.com/2025/04/09/bigtime-na-tulak-umano-ng-iligal-na-droga-sakote-tinatayang-nasa-6-9-milyong-pisong-halaga-ng-hinihinalang-iligal-na-droga-nasamsam/


07/04/2025
27/03/2025

Address

Santa Cruz
Jose Panganiban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz BGY Forum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share