02/06/2026
TINGNAN | Anumang wika o diyalekto, handang tumugon ang Unified 911. 🗣️☎️🚨
Bukod sa Filipino at Ingles, may kakayahan ang Unified 911 na tumanggap ng mga emergency call sa iba’t ibang wika at diyalekto, tulad ng:
✅Region 1 at 2: Ilocano, Ibanag, at Yogad/Gaddang
✅Region 6: Hiligaynon (Ilonggo), Aklanon, Capiznon, at Kinaray-a
✅Region 7 at 8: Cebuano, at Waray
Layunin ng Unified 911 ang agarang aksyon mula sa pag-ulat ng insidente hanggang sa pagresponde. Anuman ang wika o diyalekto, makatitiyak ang publiko na may darating na tulong mula sa ating mga pulis, bumbero, rescue teams, at mga LGU, dahil ang bawat segundo ay mahalaga.