29/05/2026
Tanong ko lang: kung talagang nawalan na ng tiwala ang 18 Marines sa justice system ng gobyerno, hindi ba maaari nilang ilatag sa publiko ang kanilang mga ebidensya?
Maaaring magkaroon ng isang pampublikong pagdinig o talakayan kung saan iimbitahan ang media, mga religious groups, youth organizations, at iba pang concerned sectors upang magtanong at suriin ang mga ebidensya.
Ganito rin sa sinumang nagsasabing may matibay na ebidensya laban kay Mr. President at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno o may nalalaman tungkol sa katiwalian sa flood control projects. Kung may mga dokumento, screenshots, o iba pang matibay na patunay, maaari naman itong iharap sa publiko o ilabas sa social media upang masuri ng taumbayan.
Hindi rin naman bago ang ganitong paraan. Noon pa man, may mga personalidad at grupo na naglalabas ng mga alegasyon at ebidensya sa publiko upang magkaroon ng transparency at public scrutiny.
Kaya minsan, nahihirapan akong unawain ang ilang naratibo na nagsasabing may napakabigat na ebidensya pero hindi naman ito inilalantad o isinusumite sa tamang proseso para maberipika.