24/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐' ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa noong Agosto 23, 2026 ang Memorandum of Agreement (MOA) Contract Signing, General Orientation, at Election of Parentsโ Sector Representative ng Iskolar ng Koronadal โ Kabugwason Paglaum Program (ISKO-KPP) sa City Hall Lobby, Lungsod ng Koronadal. Ang MOA Signing ay nagsisilbing pormal na pagtatalaga at pagpapatibay ng ugnayan ng City Government of Koronadal, mga iskolar, at kanilang mga magulang sa pagpapatupad ng scholarship program, gayundin ang pagpapahayag ng commitment ng mga iskolar na gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang bahagi ng ISKO-KPP.
Dumalo sa nasabing aktibidad si ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ ๐. ๐๐ซ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ฅ, ๐๐๐๐, ๐๐๐, na nagbigay ng mensahe sa mga bagong iskolar at kanilang mga magulang. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-unlad at hinikayat ang mga iskolar na gamitin ang kanilang oportunidad upang makamit ang kanilang mga pangarap at maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng Koronadal.
Dumalo rin si ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐. ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐ข๐ง ๐๐๐ญ๐จ๐ซ๐๐, na nagbahagi ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng edukasyon at sa patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa mga kabataan. Kasama rin sa mga dumalo si ๐๐จ๐ง. ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง ๐. ๐๐ ๐๐ง๐, ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ๐จ๐ซ ๐๐ญ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐จ๐ง ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ, at ๐๐จ๐ง. ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐ซ๐-๐๐ฅ๐๐ข๐จ๐ฌ, ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ๐จ๐ซ, na kapwa nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta sa mga mag-aaral at sa layunin ng ISKO-KPP.
Pinangunahan naman ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐. ๐๐ฒ, ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐จ๐๐ซ๐, ang General Orientation kung saan ipinaliwanag ang mga responsibilidad ng City Government, mga iskolar, at mga magulang sa ilalim ng scholarship program. Nagbigay rin ng welcome address si ๐๐ฌ. ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ฌ ๐. ๐๐จ๐ ๐จ๐ง๐จ๐ง, ๐๐ข๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐จ๐๐ซ๐.
Samantala, ipinaliwanag ni ๐๐ซ. ๐๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ก ๐. ๐๐๐ซ๐๐จ๐ง, ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ, ang mga benepisyo, insentibo, at iba pang oportunidad na maaaring matanggap ng mga iskolar. Inilahad naman ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐๐๐ซ๐ญ ๐๐๐ฒ ๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ง๐ญ๐, ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ, ang mga mahahalagang update, proseso, requirements, at iba pang alituntunin sa pamamahala at pagpapatupad ng ISKO-KPP.
Isinagawa rin ang ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌโ ๐๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐, kung saan muling nahalal si ๐๐ซ. ๐๐จ๐๐ฅ ๐. ๐๐๐๐๐จ-๐จ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง. Ang kanyang muling pagkakahalal ay nagpapakita ng patuloy na pagtitiwala ng mga magulang sa kanyang pamumuno at representasyon sa ISKO-KPP Scholarship Board.
Nagbigay naman ng closing remarks si ๐๐ซ. ๐๐๐ ๐๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ง๐ข๐ญ๐จ, ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ ๐๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐จ๐๐ซ๐, na nagpaabot ng mensahe ng suporta at paghikayat sa mga iskolar na pahalagahan ang oportunidad na ipinagkaloob sa kanila.
Ang ISKO-KPP MOA Contract Signing ay hindi lamang isang pormal na seremonya, kundi isang panibagong hakbang tungo sa mas matatag na partnership ng City Government of Koronadal, mga iskolar, at kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng edukasyon, patuloy na isinusulong ng ISKO-KPP ang paghubog sa mga kabataang may kakayahan, integridad, malasakit, at pangarap na makapaglingkod sa kanilang komunidad. Sa ISKO-KPP, ang edukasyon ay hindi lamang oportunidad, ito ay isang responsibilidad at pangakong gamitin ang kaalaman para sa kabutihan ng lahat.