28/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Nagsagawa ng on-site monitoring and evaluation sa proyektong Field Validation of Biological Control Agents on Managing Insect Pests in Rice Cluster Areas of Region 12 sa Surallah, South Cotabato at Mโlang, Cotabato ang DA-Bureau of Agricultural Research (DA-BAR). Layunin ng naturang pagsusuri na tiyakin na epektibo at angkop para sa mga magsasaka ang teknolohiyang ipinagkaloob ng DA.
โMalaki po ang naitulong ng Integrated Pest Management kasi nabawasan po ang gastos at nakakatulong ito sa kalikasan at kapaligiran sa pagbawas ng sobrang chemical residue. Mas epektibo ang aplikasyon laban sa mga mapaminsalang insekto sa palayan. Nakakadagdag ng bagong teknolohiya at kaalaman sa mga farmer.โ Pahayag ni Manager Dennis E. Monsale ng Brgy. Dajay DemoFarm sa bayan ng Surallah.
Ang matagumpay na biocontrol agents ay likas na pumipigil sa peste at sakit, kaya nagreresulta sa mas malusog na pananim, mas mababang gastos sa pestisidyo, at mas mataas at mas matatag na ani. Pinapangalagaan din nito ang kalusugan ng lupa, kapaligiran, at mga magsasaka, na nagtataguyod ng mas napapanatili at kapaki-pakinabang na sistema ng pagsasaka.
โ๐ธ Nick Paul Agapay