30/07/2026
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA BUONG KABARANGAYAN!
Sa lahat ng bumubuo ng opisyalng barangay, mga magulang, kabataan, at lahat ng mamamayan ng Barangay Paagan:
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa ating paghahanda at pagsasagawa ng G2 Basic Sanitation Validation.
Ang pagkakaroon natin ng G2 Certification ay patunay na tayo ay nagkakaisa sa layuning magkaroon ng malinis na kapaligiran, ligtas na tahanan, at malusog na pamumuhay. Hindi ito magiging posible kung wala ang inyong kooperasyon sa tamang pagtatapon ng basura, pagpapanatili ng kalinisan, at pag-aalaga sa ating kapaligiran.
Huwag nating hayaang mawala ang ating nakamit. Panatilihin natin ang magandang gawi at maging ehemplo sa iba pang barangay.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat! Mabuhay ang Barangay Paagan! π΅ππ§Ήπ