Dong Padilla

Dong Padilla Matapat na serbisyo, hindi posisyong pangnegosyo—ito ang aking pangako bilang Gobernador.
(2)

Sa atin pong patuloy na pagsisikap na mapalakas ng Agriculture Industry sa ating lalawigan, naging makabuluhan po ang pa...
03/09/2026

Sa atin pong patuloy na pagsisikap na mapalakas ng Agriculture Industry sa ating lalawigan, naging makabuluhan po ang pagpupulong sa naganap na Convening with the Traders and Farmers for the Geographical Indication (GI) Registration of Camarines Norte Queen Pineapple, kung saan pinangunahan natin ito katuwang ang Office of the Provincial Agriculture sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Almirante Abad.

Sa ating pakikipagpulong, nakasama natin sina Sir Peter Damary at Ma’am Helena Quezon, Geographic Indication Consultants mula sa Research Exchange Development Durable (REDD), gayundin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pamumuno ni Provincial Director Cristie A. Rivera, upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa pagpapalakas sa industriya ng ating mga produkto, kasama ang mga traders, farmers, consolidators, at iba pang stakeholders.

Naging mahalagang pagkakataon po ito upang maibahagi ko ang aking hangarin para sa ating farmers, traders, consolidators, at stakeholders ng Queen Pineapple upang personal din natin malaman ang kanilang mga tanong basi sakanilang mga karanasan sa pagtatanim hanggang sa pagbenta ng Queen Pineapple. nais po nating isulong ang Geographical Indication (GI) upang mas mapaunlad ang tatak at maipagmalaki na ito ay tunay na produkto ng ating lalawigan.

Sa pamamagitan po ng GI, layunin nating mabuksan ang mas malawak na merkado, kabilang ang international market, at higit na mapakinabangan ito ng ating mga farmers at traders. Patuloy nating itataguyod ang Camarines Norte Queen Pineapple bilang isang produktong may natatanging kalidad at tatak na maipagmamalaki ng bawa’t Camnorteño.
🇵🇭🍍🍍🍍

☝️

Isang karangalan po para sa akin ang maimbitahan bilang Guest Speaker sa Panunumpa sa Tungkulin ng School Parents-Teache...
02/09/2026

Isang karangalan po para sa akin ang maimbitahan bilang Guest Speaker sa Panunumpa sa Tungkulin ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Basud National High School, na ginanap kahapon September 1, 2026 sa Basud National High School (BNHS) Main Campus Covered Court.

Sa temang “Bagong Pamumuno, Sama-samang Pagkilos: SPTA Tungo sa Mas Matatag na Ugnayan ng Paaralan, Magulang at Pamayanan,” binigyang-diin po natin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng paaralan, mga magulang at buong pamayanan upang higit nating magabayan ang ating mga kabataan tungo sa magandang kinabukasan.

Pinipilit ko po na makarating at makadalo sa mga ganitong programa ng SPTA dahil nais kong personal na maipaabot ang aking buong suporta sa ating mga g**o at mga magulang. Malaki ang kanilang papel sa paghubog sa ating mga anak, lalo na sa panahon ngayon na maraming hamon at hindi kanais-nais na impluwensya ang maaaring makaapekto sa kanilang pag-uugali at kinabukasan.

Tandaan po natin: ang trabaho ng ating mga g**o ay turuan at hubugin ang ating mga anak sa larangan ng akademya, ngunit ang unang tahanan ng disiplina at mabuting asal ay ang pamilya. Responsibilidad nating mga magulang na gabayan sila, turuan ng respeto, tamang pag-uugali, pananagutan at pagkilala sa tama at mali lalong lalo na namailapit sila sa ating Panginoon.

Sa mga bagong halal po at nanumpang SPTA Officers ng Basud National High School, taos-puso kong binabati at sinusuportahan ang inyong bagong tungkulin. Nawa’y maging katuwang ninyo ang ating pamahalaang panlalawigan kasama kami ni Vice Governor Engr. Joseph Ascutia sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos at mas magandang kapaligiran para sa bawat mag-aaral.

Mabuhay po ang ating mga g**o at magulang! Mabuhay ang ating mga kabataan! 🇵🇭

☝️

Bilang bahagi po ng ating pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong buwan ng Setyembre, b...
02/09/2026

Bilang bahagi po ng ating pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong buwan ng Setyembre, buong pagmamalaki po nating sinamahan sa isang parada na nilahukan ng mga kawani mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs), National Government Agencies (NGAs), at Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Taos-puso po akong nagpapasalamat at nagbibigay-pugay sa lahat ng ating mga lingkod-bayan na patuloy na bumabangon, nagtatrabaho at naglilingkod araw-araw para sa ikabubuti ng ating lalawigan.

Hindi man po laging nakikita ang kanilang sakripisyo, ang bawat oras, pagod at serbisyong kanilang iniaalay ay malaking bahagi ng pag-unlad ng ating lalawigan.

Sa ating mga kawani po ng pamahalaan. Nawa’y patuloy po tayong magsumikap ang magtungan upang gabayan ang bawat CamNorteño tungo sa mas maunlad, mas maayos at mas makataong pamahalaan.

Mabuhay ang ating mga lingkod-bayan! Mabuhay ang Civil Service! Mabuhay ang Camarines Norte! 🙏🇵🇭🫡

02/09/2026

𝐏𝐔𝐒𝐎, 𝐃𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋, 𝐆𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆, 𝐃𝐈𝐒𝐈𝐏𝐋𝐈𝐍𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍

Isang karangalan po na pangunahan natin ang 126th Philippine Civil Service Anniversary Opening Ceremonies kasama si Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ang libu-libong mga lingkod-bayan ng Camarines Norte na araw-araw ay nagsisilbi nang may katapatan at dedikasyon.

Maaaring tayo po ay mahigit dalawa hanggang tatlong libong kawani ng pamahalaan sa ating lalawigan, ngunit naniniwala po ako na kapag ang bawat isa ay nagkakaisa, nagtutulungan, at iisa ang layunin sa tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan, walang imposible. Doon po nagsisimula ang tunay at pangmatagalang pagbabago para sa Camarines Norte.

Napakaganda po ng tema ngayong taon: “Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.” Ngunit nais kong idagdag ang dalawa pang mahahalagang pagpapahalaga, Disiplina at Malasakit. Puso, Dangal, Galing, Disiplina, at Malasakit ang limang haliging dapat nating isabuhay bilang mga lingkod-bayan.

Sapagkat kung ang bawat kawani ng pamahalaan ay kikilos nang may disiplina at tunay na malasakit, mas mapapabilis nating maihatid ang serbisyong nararapat sa bawat mamamayan at mas magiging matatag ang kinabukasan ng ating lalawigan.

Maraming salamat po sa lahat ng mga lingkod-bayan. Patuloy nating patunayan na ang pinakamahusay na serbisyo ay nagmumula sa pusong nagmamalasakit.
🙏🇵🇭☝️

☝️

♟️🇵🇭 ISANG PAGPUPUGAY SA ATING KABABAYANG CHESS WARRIOR!Isang karangalan ko po at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarin...
01/09/2026

♟️🇵🇭 ISANG PAGPUPUGAY SA ATING KABABAYANG CHESS WARRIOR!

Isang karangalan ko po at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang personal na pagbisita at courtesy call ni Carmelita Abanes, isang kababayan natin mula Daet, Camarines Norte.

Sa edad po na 61, pinatunayan ni Carmelita na walang pinipiling edad ang pangarap, dedikasyon at tagumpay. Sa kanya pong paglahok sa 24th ASEAN+Age-group Standard Chess Championships na ginanap sa Singapore noong August 7–17, 2026, matagumpay niya pong naiuwi ang Silver Medal sa S50 Women’s Standard Chess at nakamit ang kanyang kauna-unahang Woman International Master (WIM) Norm.

Hindi pa po rito nagtapos ang kanyang laban. Nagdagdag pa siya ng dalawang Gold Medals sa S50 Women’s Rapid at Blitz Chess events, para sa kahanga-hangang koleksiyon na tatlong individual medals para sa Team Philippines. 🥈🥇🥇

“Congratulations po sainyo ms. Carmelita! Ang inyo pong tagumpay ay hindi lamang karangalan para sa ating lalawigan, kundi inspirasyon sa bawat Pilipinong may pangarap. Pinatunayan po ninyo na hindi hadlang ang edad upang patuloy na mangarap, magsikap, makipagsabayan at magtagumpay.”

“Nawa’y magsilbi po kayong inspirasyon sa ating mga kabataan at sa lahat ng ating mga kababayan na huwag kailanman sumuko sa kanilang mga pangarap.”

Muli po, isang malaking pagbati at saludo, Ms. Carmelita Abanes! 🫡🇵🇭

Patuloy nating ipakita sa buong mundo ang husay, talento at determinasyon ng bawa’t Camnorteño ♟️🇵🇭

☝️

🇵🇭 126TH PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY | FLAG RAISING CEREMONYNgayon pong September 1, 2026, kaisa po ang Pamahal...
01/09/2026

🇵🇭 126TH PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY | FLAG RAISING CEREMONY

Ngayon pong September 1, 2026, kaisa po ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa paggunita sa ika-126 Philippine Civil Service Anniversary, na sinimulan sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony na ginanap sa Provincial Capitol Grounds.

Dumalo po tayo kasama si Vice Governor Joseph Ascutia, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agencies.

Sa pagdiriwang po na ito, kinikilala at pinasasalamatan natin ang lahat ng lingkod-bayan na araw-araw na naglalaan ng kanilang oras, kakayahan, at puso para sa serbisyo publiko.

Sa bawat serbisyo, maliit man o malaki, sama-sama nating itaguyod ang isang pamahalaang may integridad, malasakit at tunay na pagmamahal sa bayan.

Mabuhay ang lahat ng lingkod-bayan! Mabuhay ang Philippine Civil Service! 🇵🇭☝️🙏

☝️

30/08/2026

USSAP – 𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐆𝐔𝐑𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘
🤝💚🇵🇭☝️

Patuloy po nating inilalapit ang serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng USSAP (Ugnayang Siguradong Serbisyong Alay sa Barangay).

Isa lamang po ito sa ating mga programa upang personal na makadaupang-palad ang ating mga kabarangay, mapakinggan ang kanilang mga pangangailangan at maihatid ang iba’t ibang programa at tulong ng ating Pamahalaang Panlalawigan

Para po saamin ni Vice Governor Engr. Joseph Ascutia, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang naghihintay sa opisina—ito ay kusang lumalapit, nakikinig at kumikilos para sa bawat pamilyang nangangailangan.

Patuloy po tayong magtutulungan upang masig**ong ang serbisyo ng gobyerno ay abot-kamay, mabilis at para sa lahat.

☝️

29/08/2026
Taos-puso ko pong pinaaabot ang aking pagbati sa lahat ng naging bahagi ng Closing Ceremony ng Basic Information Collect...
29/08/2026

Taos-puso ko pong pinaaabot ang aking pagbati sa lahat ng naging bahagi ng Closing Ceremony ng Basic Information Collection and Analysis Seminar (BICAS) na ginanap sa CNPPO Kabalikat Hall, Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.

Ang (BICAS) po or Basic Information Collection and Analysis Seminar, ay isang mahalagang pagsasanay na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan ng ating mga kapulisan sa pangangalap, pagsusuri, at wastong paggamit ng impormasyon, mga kasanayang mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa ating lalawigan.

Sa lahat po ng nagsipagtapos at matagumpay na nakumpleto ang seminar, congratulations! Nawa’y magsilbing dagdag na kaalaman at kakayahan ang inyong natutunan upang mas maging mahusay, maagap, at responsable sa inyong tungkulin bilang tagapangalaga ng ating mga komunidad.

Bagamat hindi ako personal na nakadalo sa mahalagang pagtitipong ito, ikinararangal kong kinatawan ako ng aking anak na si Anica Padilla, Special Executive Assistant to the Governor, kasama ang ilang opisyal na sina PLTCOL Eusebio Arturo E. Estupare
PCOL Dante O. Bernales Pastor Rolando P. Barrogo at iba pang kasapi ng ating mga kapulisan.

Ang Provincial Government of Camarines Norte po katuwang si Vice Governor Engr. Joseph Ascutia ay patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga programa at pagsasanay na nagpapalakas sa ating kapulisan at nagtataguyod ng isang mas ligtas, mapayapa, at maunlad na lalawigan ng Camarines Norte.

Mabuhay po ang ating mga kapulisan!
🫡👮‍♂️🇵🇭

☝️

Happy Anniversary Sweetheart/MommyInaro ko! ❤️🥂 36 Long years. Pero parang kailan lang, tayong dalawa lang wala pa si An...
29/08/2026

Happy Anniversary Sweetheart/Mommy
Inaro ko! ❤️🥂 36 Long years. Pero parang kailan lang, tayong dalawa lang wala pa si Anica Don at King.

At andito pa rin tayo, matibay, matatag na pag sasama. Iisa lang ang nakita ko Mommy, nakarating tayo kung nasaan tayo ngayon for 4 main reasons, PAGMAMAHAL, TIWALA, RESPETO at INALAGAAN natin ang isat isa. Mommy, Maraming salamat sa lahat lahat. I love you now and forever.
Happy Anniversary❤️🥂😘

Address

Labo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dong Padilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share