15/07/2026
πππ ππππππ ππ πππ πππππππππ πππππππππ ππππππππππ ππ πππ-πππππππππ πππππ ππππππ πππ πππππππππ ππππππππππππππ-ππππππ π, πππππππππ ππ πππ-ππ ππππππππππ ππ πππ-πππ
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo 2026 ng Ika-50 Anibersaryo ng Department of Justice β Parole and Probation Administration (DOJ-PPA) buong pusong nakikibahagi ang mga kawani at mga volunteer PROBATION ASSISTANTS (VPA) ng DOJ-Camarines Norte Parole and Probation AdministrationβRegion V sa pangunguna ni Maria Eva D. Sta. Ana, Chief Probation and Parole Officer Camarines Norte Parole and Probation Office Daet, Camarines Norte sa paggunita sa limang dekada ng tapat na paglilingkod para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng mga indibidwal na nabigyan ng pagkakataong magbago.
Sa loob ng 50 taon, naging mahalagang bahagi ang DOJ-PPA sa pagsusulong ng isang makatao at makatarungang sistema ng rehabilitasyon sa bansa. Sa pamamagitan ng mga programa sa parole at probation, patuloy nitong binibigyan ng pag-asa ang mga kliyente, probationers, parolees and community service upang maituwid ang kanilang landas, maibalik ang tiwala ng kanilang pamilya at komunidad, at maging produktibong mamamayan ng lipunan.
Kasama ng mga opisyal at kawani ng DOJ-PPA, ipinapakita rin ng mga volunteer PROBATION ASSISTANTS ng Camarines Norte ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng misyon ng ahensya na "Redeeming Lives and Restoring Relationships." Sa pamamagitan ng kanilang suporta at aktibong pakikilahok sa iba't ibang programa at gawaing pangkomunidad, nagiging katuwang sila sa pagbibigay ng inspirasyon, paggabay, at pag-asa sa mga kliyenteng nagsisikap magsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay.
Ang pagdiriwang ng Golden Anniversary ay hindi lamang paggunita sa mga tagumpay ng nakalipas na limang dekada kundi pagkilala rin sa mahalagang ambag ng bawat opisyal, kawani, volunteer, at stakeholder na naging bahagi ng patuloy na tagumpay ng DOJ-PPA. Isa rin itong pagkakataon upang higit pang palakasin ang panawagan na ang bawat taong handang magbago ay nararapat mabigyan ng pangalawang pagkakataon.
Taglay ang temang "DOJ-PPA @ 50: Honoring the PAST, Celebrating the PRESENT, and Shaping the FUTURE Towards Redeeming Lives and Restoring Relationships," muling pinagtitibay ng ahensya ang pangako nitong ipagpatuloy ang pagbibigay ng makabuluhang serbisyo para sa rehabilitasyon, pagpapanumbalik ng ugnayan sa pamilya at komunidad, at paghubog ng isang lipunang nagbibigay-halaga sa pag-asa, pagbabago, at ikalawang pagkakataon.
Sa pagkakaisa ng mga volunteer ng Camarines Norte DOJ Parole and Probation AdministrationβRegion V at ng buong DOJ-PPA, patuloy na isusulong ang adhikaing makapagbigay ng Second Chance sa bawat Pilipinong may hangaring magbago at maging responsableng bahagi ng lipunan.
βοΈ | Pastor Jhun Villaraza
π¨ | Fiel Solares